"Those stars..sila ang Inang at Amang ko..nakatingin lang sila sa atin.." wika nito. I was just staring at her habang pareho kaming nakahiga sa blanket at nakatingin sa kalangitan. After I sung a song for her ay nakita ko ang pag-iyak niya. She seemed to be so broken-hearted. Well, I understand her because I know how it felt. I took her for this date. Nagtatanong ako sa kapatid nito kung ano ang paborito nitong flower and I'm glad na sinabi naman sa akin ni Marie. I want to know her at kung bakit nandun ang lungkot sa mga mata niya. Maybe I'm rude kaya bumabawi ako sa kanya. Malaki ang maitulong niya sa akin para makuha kong muli si Jessica. Tanga na kung tanga pero mahal ko si Jessica. She married that old man by betraying me at nagagalit ako at sobrang poot ang nararamdaman ko pero mahal ko pa rin siya. Siya ang dahilan kung bakit nagiging ruthless ako at napaka-rude at nagiging isang heartless. Pero nung makilala ko si Bella ay gusto kong baguhin kung ano ang pagtingin niya sa akin--bilang masama. There's something about this woman.
"Can you tell me about your story?" I asked. Napawi ang ngiti sa mga labi nito at saka napatingin sa akin.
"W-what story?" takang wika nito. I used my arms as my pillow at saka tumingin sa langit.
"Your story..I want to know you..where's your parents?." wika ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. It sounds like music to my ears. Maya-maya pa ay narinig ko pagbuntong-hininga nito.
"Ako lang ang tunay na anak ni Inang at Amang..at si Marie ay ampon lang..pero alam mo?masaya kami kahit mahirap lang kami.." simula nito.
"Walang masama sa pagiging mahirap Bella..Mahirap lang din kami dati..swerte lang si Ate Alyssa sa pag-ibig at sa estado ng buhay na meron siya ngayon kaya nabigyan niya kami ng magandang buhay.." wika ko. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko sa kanya ito. I never had a conversation like this for a long time simula nung naghiwalay kami ni Jessica.
"Yeah, tama ka..walang masama sa pagiging mahirap basta't masaya ang pagsasama ng buong pamilya..ang masakit lang kasi ay maaga kaming naiwan ng mga magulang namin..at first, I don't know how to continue life. Mas masakit pa ang pagkawala ng mga magulang ko kaysa sa pagkawala ni Adrianne sa buhay ko..pero sabi ni Tiya Susan, dapat kakayanin ko at dapat mas magiging matapang ako para sa kapatid ko.." wika nito. Napatingin ako dito. I felt the urged to hug her and to comfort her.
"S-sino si Adrianne?" lakas-loob na tanong ko dito. Matagal bago ito nagsalita na para bang naghahanap pa ng tamang isasagot.
"H-He's my ex-boyfriend and he's married one year ago kaya nga naiintindihan kita sa nararamdaman mo kay Jessica..pareho lang tayo ng pinagdaanan sa pag-ibig pero magkaiba tayo pagdating sa pananaw..ikaw hindi mo matanggap na hindi na babalik si Jessica sayo kaya gumagawa ka ng paraan at ako naman ay natanggap ko na nahindi na pwedeng maging kami ni Adrianne eventhough sometimes umaasa ako..pero honestly, I'm happy for him.." wika nito. She's right. Magkaiba kami ng pananaw sa pag-ibig kahit na pareho kami ng pinagdaanan. Buti pa si Bella, naging matapang siya unlike me.
"So si Adrianne ang tinutukoy mong special someone kanina nung sinayaw kita at napaiyak ka?" tanong ko dito. Binatukan niya ako at saka tumayo ito.
"Secret..at saka hindi ko dapat sinasabi sayo ang tungkol sa buhay ko because for me you're still a stranger..a weak stranger who needs my help.." ewan ko kung inaasar lang niya ako o hindi. Napabangon ako.
"I am ruthless kaya hindi ako weak.." matigas na wika ko. Lumingon siya sa akin at na-amused ako sa hitsura niya na nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok at naaaninag ko ang maamo nitong mukha dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan.
"Talaga?..hindi ka weak pero pagdating kay Jessica ay napaka-weak mo..Alex, lahat tayo ay may kahinaan whenever how ruthless and heartless we are..we are not perfect..Oo nga't masama ang tingin ko sayo nung una pero nagbago yun nung iniligtas mo ako dun sa mga lalaki dahil naniniwala ako na may kabaitan din diyan sa puso mo.." wika nito. She's making sense at natutuwa ako sa kanya. Ngumiti ito at saka kinuha ang camera nito at saka pumwesto.
"Say cheese!" wika nito at saka bigla na lang nagflashed. Napatawa ako. Maya-maya pa ay tumabi ito sa akin.
"Pwede bang magpa-picture?para naman matandaan ko ang araw na to kasi sabi mo naman diba na you'll make this moment to be memorable to me..please." at nagpout pa ito. Tumango ako.
"Okay..halika dito.." at saka bigla ko siyang kinabig para mapalapit sa mukha ko na ikinagulat nito. Napapalunok ito nang mapatapat sa mukha ko ang mukha niya. Ngumisi ako at saka kunwari ay pinahid ko ang laway niya.
"Naglalaway ka Honey.." ngising wika ko. Kitang-kita ko ang pagpula ng pisngi niya at bahagya itong lumayo pero pinigilan ko.
"Are you afraid of me?" tanong ko.
"H-hindi.." nauutal na sagot nito.
"Then bakit ka lumalayo sa akin?kapag lumalayo ka baka hindi makuha lahat ng mga mukha natin.." nakangiting wika ko. Alanganing tumango ito kaya kinabig ko siyang muli and by this time ay kinuha ko ang camera nito at ako na ang humawak para magpicture kaming dalawa.
"Bawal ang sad..say cheese!!" wika ko at saka ngumiti at nagflashed ang camera at saka ibinalik ko dito. Ngumiti ito at saka ini-scan ang picture.
"Ang ganda!!" namilog ang mga mata nito at natutuwa ako sa mga reactions niya habang magkasama kami rito. Pagkatapos nun ay kumuha pa ito ng mga larawan hanggang sa mapagod at nagpasya na kami na umuwi. While on our way to her home ay ini-scan niya ang mga pictures. I wonder where did she get that latest camera.
"Where did you get that camera Bella?" tanong ko. Umangat ang tingin nito sa akin.
"Uhmm..ibinigay sa akin ni Ma'am Jessica.." sagot nito. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo.
"Ibalik mo yan sa kanya..I'll the latest with highest pixell tomorrow..ayokong tumatanggap ka ng mga gamit niya.." wika ko. Napakunot-noo ito.
"P-pero.." tatanggi pa sana ito pero inunahan ko na.
"No ifs..No buts Bella..malapit na tayo sa bahay niyo." wika ko. Wala akong narinig na reklamo mula rito hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Ipinagbukas ko siya ng pinto ng kotse at saka inilalayan palabas. Ngumiti ito sa akin.
"Thank you for that memorable date Alex.." nagniningning ang mga matang wika nito. Tumango ako.
"It's my pleasure Bella..oh sige good night at saka pumasok ka na.." wika ko. Nabigla pa ako nang bigla niya akong niyakap sandali.
"Good night din Alex.." and by that ay binigyan ko siya ng halik sa labi na ikipanlaki ng mga mata nito. Sandali lang yun at saka tumalikod na ako at pumasok ng kotse. Pero bago ko pa pinaandar ang kotse ay nakita ko ang paghawak ni Bella sa mga labi nito bago pumasok sa bahay nila. I just smiled. She's one of a kind and then I droved away.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
RomanceAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...