ika-dalawampung kabanata

166 11 0
                                    


==========

Kung maalala ko ba sya may magbabago ba? Kung hindi ba ako nakalimot, sasabihin ba nyang "mahal kita"? Walang magbabago kung maibalik man ang nakaraan. Tanging ako lang ang nakakaramdam, ako ang nakaka-alam.

==========

Dalawampung kabanata
Ang pagsuko

Wendyl's PoV

Hindi ko alam ang nagyari pero ang alam ko narito ako ngayon sa ospital at nagkukulitan sina Rhianna at Aldrin. Tapos itong babae sa tabi ko ngayon pinagtatawanan din sila at sya daw si Rosalia Lynna. Ro daw tawag ko sa kanya noon. Bakit ba kahit anong gawin ko para alalahanin sya wala akong maalala?

"Hoy bakit parang nababaliw ka na dyan?" nawala ako sa iniisip ko ng sigawan ako ni Al.

"Tol, ano bang ginagawa natin dito at bakit hindi pa tayo pinapalabas sa ospital? May marathon pa tayo di ba?" sabi ko na lang sa kanila. Nagulat naman silang lahat lalo na si Rhianna.

"Sasali ka pa rin Wends?" tanong ni Rhea o Rhianna sa akin. Tumango na lang ako at tumayo sa kama ko. Tinanggal ko ang swero at tumalon pababa. Napaatras naman si Ro sa gulat.

"Ano ba, baliw mo ah." Sabi nya na nabigla pa rin. Tiningnan ko lang sya at namula naman sya ng bahagya.

Kinabukasan umalis na rin kami ng ospital at nagpraktice. Hindi na rin naman ako napigilan ng mga teachers dahil basagulero naman talaga ako at saksakan ng gwapo kaya naman hindi nila ako mapapaalis sa mga gusto kong gawin.

Dumating na ang araw ng palakasan. Tulad ng inaasahan kami ang nangunguna pero noong nagsharrades na doon pa kami natalo kaya naman may ka-tie na kami at ang huling laban na lang ay ang laban naming apat nina Diamond, Tiffany at Ro.

Inihanda na namin ang aming mga sarili at parang isang picture ng huli naming pagtakbo ang napunta sa isipan ko.

*Flash Back Huling araw ng practice*

"Ano game na? Ito na ang huling araw ha tapos magpahinga kayo." Sabi ni Ma'am Johan sa amin habang patuloy kami sa paglalakad papunta sa sinasabing mawawalan na kami ng lakas sa pagtakbo nasa may bridge na kami at dito daw kami mauubusan ng lakas.

Hinayaan lang namin syang magngangawa hanggang sa pinagsimula na nya kaming tumakbo. Noong una sabay-sabay pa kami pero noong nasa likod na kami ng mall nanghina na nga sina Diamond at Tiffany kaya kami na lang ni Rosalia ang natititra.

"Kaya mo pa ?" tanong nya sa akin sabay ngisi.

Ginantihan ko sya ng ngiti at at kumaripas pa ako para iwan sya sa madilim na lugar na iyon. Gabi na kasi kami nagsimula para walang sasakyan.

"AHHHH!!!!" napalingon ako ng marining kong may sumigaw. Nakita ko si Rosalia na hinihikit noong dalawang manong. Nakabonet sila at mukhang hindi magawang lumaban ni Rosalia. Napatigil ako at  inambahan ko ng takbo papunta sa kanya pero laking gulat ko ng naglabas ang isa sa kanila ng isang kutsilyo at sasaksakin si Rosalia.

Parang may kung anong urges na nagtulak saakin na tumakbo ng mabilis at sipain ang manong na may hawak na kutsilyo. Nabaling ang tingin nila sa akin at ako ang tinutukan ng dala nilang armas. Nakipag patentero ako sa kanila para makatakbo si Rosalia pero nakaupo lang sya doon.

Nangangatog ang mga tuhod. *sudden Image* ano yun?

Bakit parang nangyari na ito dati? Si Rosalia ang nakaupo ngayon sa lugar na iyon katulad ng nasa imahe na iyon pero bakit bakit parang may kakilala rin akong ganoon?

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon