*Bzzzzt-Bzzzzt*
From: Nicole Salvador
Girl, nasaan ka na? Punta ka na dito. Walang makausap si Michelle. Siya pa lang yung nandito. Mag-aayos pa ko ng kakainin natin. See you :)
Nag-lalagay ako ng clip sa buhok ko ng magtext sa'kin ang kaibigan ko, may Alumni Homecoming kasi kami ngayong gabi.
To: Nicole Salvador
Papunta na po. :)
Agad akong nagpaalam kay Mama, kasama din siya sa Alumni kasi iisang paaralan naman kami nagtapos. Pero di pa siya nakakaligo, nagluto pa kasi siya ng kakainin ng batch nila. Hahaha ..
Nilakad ko na lang ang pagpunta sa school kung saan ako nagtapos ng sekondarya at kung saan gaganapin ang Alumni namin. Agad kong hinanap ang pwesto ng batch namin, at pagdating ko dun si Michelle at Johnny pa lang ang nandoon. Mga ka-batch ko sila ...
"Taray prend, dapat pala nag skirt na din lang ako. May kadamay pala ako. Haha" - saad ni michelle pagkakita niya sa suot ko, at oo. Naka-palda ako -_____- Ito kasi ang gustong isuot ko ni mama.
"Adik ka. Haha. Teka, nasaan si Nicole?" tanong ko ng pamansin kong wala si Nicole doon.
"Umalis!" biglang sagot ni Johnny na ikinagulat ko. Himala, nagsalita 'to. Hahaha ...
Maya-maya pa ay nagdatingan na ang iba pang mga ka-batch namin ..
"Very sexy talaga ng kaibigan ko." bungad agad sa'kin ni Marie. Ang baliw nila talaga .. Namiss ko din sila eh. Hahaha ...
"Sira. Haha . Kamusta na kayo?" sabi ko tsaka ko sila naibeso.
"Ayos lang, di pa din tumatangkad. Haha" sabi ni Devina. Hahaha, hanggang balikat ko nga lang pala silang dalawang mag-bestfriend.
"Hina-hard mo naman sarili mo. Haha .." sabi ko sa kanya na nagpa-pout sa kanya. Pffffffft.. ang cute nila. ^_^
"Jennica?" unti-unti akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko ...
Yung boses na yun ..
Ngayon ko lang ulit nadinig ang tinig niya ..
Yung lambing ng pananalita niya pag tinatawag niya ko ..
DATI ...
Namiss ko yung boses niya ..
Ghaaaaaaaad. Hindi na dapat ito. Maling mali ang mga pinagsasasabi ko. >_____<
"J-Jake .. Uy!" nauutal kong sinagot ang pagtawag niya sa pangalan ko .. sinubukan ko din maging ayos ang pagkilos ko ..
"K-Kamusta ka n-na?" tanong niya na nakapagpapabilog ng mata ko. Totoo ba ito? Kinakamusta ako ng EX-SUITOR ko *slash* EX-CRUSH ko din?
"Ayos lang n-naman .. Ikaw?" Gossssh! Ang intense naman nito .. -___-
"O-Okay lang din naman .." sabi niya pero halata mong naiilang din siya ..
"Pare, samahan mo ko, bibili tayo ng alak." sigaw ni Paulo kay Jake .. mag-iinom sila? -___-
"Una na muna ako Jen .." tumango lang ako sa sinabi niya at ibinaling ko ang atensyon ko sa iba pang kaibigan ..
Lumipas ang mga oras ..
Nagkakasiyahan, naghihiyawan, nagsasayawan, nangangantahan, nagkukwentuhan, at kung anu-ano pang ginagawa ng lahat ...
Masaya ..
Yan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga kaibigan ko noon na ngayon ay kasama ko ..
BINABASA MO ANG
Alumni Homecoming ❤
FanfictionNaniniwala ba kayo sa "First Love Never Dies", try niyo basahin ang maikling kwento nila. :D