Chapter 5: The Danger

1.8K 57 0
                                    

-xxx-

'Please, help!'

Paulit-ulit na sigaw ng bata gamit ang inner voice niya. Ramdam na ramdam ko ang takot na nararamdaman niya sa sitwasiyon niya ngayon. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Ayan tuloy, muntik nang mapahamak.

Kasalukuyan siyang pinapalibutan ng mga hunters. Alam ko namang kahit anong gawin naming pagtatago, eh makikita pa rin niya kami dahil sa sixth sense niya.

'We're not here to hurt you. Calm down. We just want to talk with you.'

Sinubukan kong kausapin siya gamit ang inner voice ko, ngunit hindi siya sumagot at bigla na lang siyang tumayo mula sa pinagtataguan niyang puno.

Biglang may pumutok na baril mula sa kanan ko at natamaan yung bata sa leeg. Nakita kong unti-unti siyang nahilo hanggang sa natumba siya at nawalan ng malay. A tranquilizer shot.

Agad naman siyang pinuntahan ng mga hunters.

"Dadalhin na agad namin siya sa base. Hindi ka pa ba babalik doon?" Tanong sa akin ni Ma'am Nia.

"Ah. . .mamaya na lang po. May pupuntahan pa ako sa northeast side."

"Oh sige. Mag-iingat ka."

Tumango lang ako sa sinabi niya at naglakad na papunta sa pupuntahan kong spot sa gubat.

Habang naglalakad ako, napaisip ako, saan kaya nila dadalhin yung senshin na 'yun? At ano kayang gagawin nila sa kanya? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ibang taong nakakita sa base namin. Hindi kasi masyadong binabantayan ang North at East side ng mga guards namin kasi hindi makakapasok ang sinuman sa side na ito ng gubat kasi nga ang dulo nito ay isang 100-meter na cliff, which leads to open sea.

Hindi ko nga alam kung paano siya naka-akyat doon, eh sobrang taas at steep masyado.

Ah basta. Malalaman lang din naman 'yun ng mga mentors. Ang importante ligtas na siya. Kung tama ako, i-e-erase nila yung memory niya at ibabalik siya sa kanilang base. Sana nga.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa destinasiyon ko. Northeast lake. Sa tingin ko, walang masyadong nakakaalam sa lugar na ito kasi medyo nakatago ito.

Pumasok ako sa maliit na butas na hinaharangan ng mga vines na nasa gitna ng mga nakahilerang bato. May secret passage pa siya.

Umupo ako sa damuhan malapit sa isang puno at sumandal muna doon.

Napakagandang lugar talaga rito para magpahinga. Presko ang hangin, hindi masyadong nasisilayan ng mainit na araw, at napakaganda ng tanawin.

Tiningnan ko 'yung tubig sa lawa. Para siyang nang-aakit. Parang gusto ko atang maligo roon.

Tumayo ako at pumunta kaagad sa isang nakaangat na bato sa gilid at nag-dive papunta sa tubig. Mabuti na lang at malalim ito, hindi ko pa naman na check kung gaano ito ka lalim.

At shit! Sobrang lamig! Parang may yelo!

Pero habang tumatagal ang paglusob ko sa tubig ay unti-unti na rin namang nawala ang sobrang lamig.

Sinandal ko muna ang ulo ko sa malapit na bato at pinikit ang mga mata ko. Maka-idlip nga m--

"Aray."

Sino 'yun? Napalingon ako sa likod.

"Nasaan na ba 'yun?"

May babae. Anong ginagawa niya dito? Nilusob ko pa lalo ang sarili ko sa tubig hangang sa leeg ko at nagtago para hindi niya ako makita.

Teka, bakit ba ako nagtatago?

"May tao ba d--AHHH!"

"'Wag ka ngang sumigaw. Hindi naman a--HOY! 'WAG! BITAWAN MO NGA 'YAN!"

The Forbidden TribeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon