Chapter 1

2.6K 53 14
                                    


New Year's Eve, 2004


"CHLOE!!!" EXCITED NA SIGAW NG limang mga kabarkada, "mabuti at pinayagan ka ng parents mo!" Napaismid si Chloe at napahagikhik, inayos ang suot na venetian style mask na puno ng red sequins.


"Hello? Mamartsa na kaya ako sa Marso noh! Malaki na ang anak ni mama't papa!" ngiti niya at iginuyod na siya papasok sa club ng kabarkada. The club's theme for the New Year celebration was a masquerade ball party, it was a deal between them to attend, huling taon na kasi nila sa kolehiyo ngayon. In addition, it was also Jenny's birthday, at nangako naman sila sa kani-kanilang pamilya na ice-celebrate ang New Years day sa tahanan. 


The club's ambiance was spectacular, it was a high-end bar, at kasalukuyag nagkumpulan ang mga tao sa rooftop kung saan ilang minuto na lang ang hinihintay upang matunghyayan nila ang pyrodisplay na mababanaag sa kalapit na Eastwood Mall.


Inabot ni Whitney na ang totoo'y "William" sa kanya ang isang kopita ng white wine, "drink that, walang excuse dito mga hija, binayaran na ni Jenny yan! Diba?" Napatango-tango si Jenny, at itinuro sa kanila ang malaking lamesa sa dulo na puno ng desserts at kung anu-anong appetizers at drinks. Jenny's father owns one of the biggest shopping and leisure company in the country. 


Matapos mantakan ang iilang desserts ay hinila na siya ng tatlo pang kaibigan na si Raffy, Flor at Mayan sa gitna ng nagsasayawang tao. Magkasintahan si Raffy at Flor, parehong doktor ang mga magulang ng dalawa, habang si Mayan naman ang pinakamalapit sa kanya, bukod sa pareho niyang ka-kurso sa Business Management ay pareho silang napapabilang din sa middle-class. Self-employed architect ang ama niya habang master teacher naman sa isang public high school ang ina niya. 


Dalawa lamang sila ng ate niya na may limang taong tanda sa kanya, kaya nagawa siyang ipag-aral ng mga magulang sa isang pamoso at high-end na unibersidad. Malawak ang dance floor ngunit halos di na mahulugang-taktak sa rami ng tao. Malakas ang saliw ng disco music at malayang sumasayaw at naglilibang ang lahat.


"Ipakita mo nga yung crazy dance moves mo, Chloe!" tukso ni Mayan. Nagtawanan ang tatlo ng ipakita niya ang baliw-baliwan dance move niya. Sumunod na nagpakitang gilas si Mayan na natatanging miyembro ng dance group sa kanilang anim.Nagpalakpakan silang tatlo.Lumapit na sa kanila si Whitney at Jenny, tinuro ni Jenny ang relos nito, "malapit na ang birthday ko!" tili nito.

Isang minuto na ang dumaan, nagsimulang magputukan sa himpapawid ang makukulay na fireworks, nagtilian ang mga nasa club, may ibang umihip ng dala-dalang torotot. "Ten, nine, eight...!"


Masayang nakisali si Chloe sa countdown, halos mabigti ang lalamunan niya sa lakas ng pagsigaw. "Seven, six, five!..."


Hindi na namalayan ni Chloe na may nagtitiliang isang kumpol ng grupo sa tabi nila, may chini-cheer silang lalaki, at habang nag ka-countdown ay tinutulak nila ang isang lalaki. "Kiss! Kiss! Give us a kiss!" sigaw ng may sampung katao na may tig be-beinte tres hanggang beinte-kwatro ang edad. 


Napa-atras ang lalaking kanina pa tinutulak, tinungga nito ang isang kopitang puno ng red wine.


"Four, three, two!..." Lumundag-lundag sina Mayan at Jenny, animo'y na statue naman si Chloe sa ganda ng pyrodisplay na nakikita. Isang malamig na ihip ng hangin ang dumampi sa pisngi niya.

Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon