Crush, isang simpleng paghanga natin sa isang tao. diba?
Nagsimula ang istorya namin dahil sa Classmate kong nagngangalang Keith.
Naalala ko pa nun. Sabi ko paglalaruan ko lang to. Playgirl ako nun.
Pinakilala nya ako sa kaibigan nya nagngangalang Jake.
Nung una, Naging magfriends muna kami. Until ng maramdaman ko yung kakaibang pakiramdam na kadahilanan kung bakit ako nagkaganto.
Na-Love at First Sight daw sya sakin, ng ipakita daw ni Keith ang Picture ko. Kaya pursigido syang manligaw kahit long distance kami.
Napangiti ako sa sinabi nya.
Inamin ko agad sa sarili ko na Crush ko sya.
Pero hanggang dito nalang kasi ayaw ko ng masaktan pang ulit. Natakot na ulit akong magmahal.
Simula nun nagtetext kami. Kaso di kami nagtatawagan dahil sya ay Smart at ako ay Sun.
-Next Day
Pangalawang araw, nya na itong panliligaw sakin. Natutuwa talaga ako sa Presence ng Jake na yun. Sapphira nga pala ang pangalan ko.
Hays. Napakaboring dito samin, lalo na't bakasyon. Ang tatay ko ay nasa Japan, at ang nanay ko naman ay napasok sa opisina. Naiiwan ako dito sa bahay magisa. Buti nlang at may wifi.
bzzt.bzzt.
Dali dali kong binuksan ang Cellphone, at nang buksan ko ito sobrang tuwa ko nang nakita ko ang nagtext, si Jake. Nireplyan ko sya. At pinatawa nya ako sa mga corney nyang jokes.
---After 1 month and 1week---
Ngyong gabi ng May 3 ay naguusap kami sa Net. Alam mo yung, simpleng tawa nya lang na sagot ay naiimagine ko? At etong araw na ito balak ko na syang sagutin. Sa loob ng 1 buwan, may nakilala akong nagngangalang Carlfer. Well, naging magkaibigan kami at may gusto sya sa kaibigan kong nagngangalang Johanna. At ganun rin ang kaibigan ko kaso ayaw nilang magaminan, si Johanna, alam nya lahat ng plano ko sa pag sagot kay Jake. Kilig na kilig sya.
At eto kami ngyon nagchachat sa Facebook.
Me: Yaah! Nahihiya ako paano ko sasagutin si Jake? Ganto ba talaga pag Inlove?
Johanna: Sapphira! wag ka ng mahiya mahal mo naman yung tao diba? Tsaka, gogogo kaya mo yan.
Me: Hays Sge na nga.
Diba para akong tanga? First time kong mainlove. Kala ko kasi lahat laro, lang kaya ko sa pagibig, kaya ko rin pala magmahal.
At eto na nga sasagutin ko na sya kahit parang mahuhulog nko sa kinauupuan ko.
Me: Jake, may gusto akong sabhin sayo kaso nahihiya ako ●︿●
Jake: Sus, wag ka ng mahiya, dali ano yun?
Me: Ahh, eh, sinasagot na kita.
Jake: sa Wakas.
Me: hehehe
Jake: Yan tayo na ngayon, official.
Me: ^^
Jake: I...love...you Sapphira.
Me:Nado, Saranghaeyo.
Nahiya ako. Pero sa mga sunod na usapan namin na sabi ko na rin ang salitang i love you.
At May 4, ang araw na sinagot ko sya. sumakto sya ng 12:00 ng Madaling araw.
Kilig na kilig ako nun, pagkatapos kasi nun. Ginamitan nya nanaman ako ng mga Corny nyang pick up lines. Sinave ko rin ang mga pictures nya sa Cellphone ko.
…
Ika-Limang Araw nanamin na pagiging magOn.
Umaga nakachat ko si Carlfer, sa Gabi kasi kami nagchachat ni Jake.
Asar na asar ako dito kay Carlfer, Paano ba naman? Sinasabi nya na hindi kami magtatagal, naiinis ako kasi baka mangyari yun. at sa mga sumunod na araw, umamin sakin si Carlfer na may gusto sya sakin, pero di ko na sya kinakausap. Naasar talaga ako sa kanya.
Lumipas ang Anim na buwan. at Yes!
7th Monthsarry nanamin to. Ansaya lang diba.
kaso nitong sumunod na buwan, naging busy ako. Kadahilanan na rin na kabilang ako sa Student Council, at maraming occasion na mangyayari sa buwan na ito. Kahit antok nako, gumagawa parin ako ng paraan, para magkausap kami.
Ngayong araw na ito ay ang pinakabusy na araw sakin. Ayos na ang lahat ng hindi inaasahan, may nangyari hindi namin inaasahan, napagalitan kami lahat. At maraming natamaan sa nasirang booth.
Umuwi ako nung badtrip. Kahit Badtrip ako pinipilit ko na hindi madamay sa natatarayan ko si Jake. Kaso hindi, Badtrip din sya, at dahil dun, nagaway kami.
Me: Ano ba kasing problema mo?
Jake: Nababadtrip ako. Lagi ka na lang busy. Tas pag kinakausap kita lagi kang antok.
Me: Intindihin mo naman ako, may buhay rin naman ako.
Jake: Alam ko kaso, nahihirapan na ako sa ganitong estado natin Sapphira.
First time namin magaway, Naiiyak nko kaso pinipilit ko na wag umiyak sa harap ng Nanay ko.
Me: Jake! Wag ka naman umakto na kala mo kung sino kang perpektong boyfriend! Alam kong hindi ako perpektong girlfriend!
Jake: Alam mo mabuti nlang siguro kung magbreak na tayo.
Me: So, pagkatapos ng lahat, tatapon mo nlang?
Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Umiyak na ko, buti nalang at tulog na ang Mommy ko.
Tinatamad akong pumasok kaso kailangan kong tumayo.
At Naalala ko si Carlfer, Nanalo sya. Totoo yung sinabi nya na hindi kami aabot ng isang taon. Nakaktuwa lang, kahit papano malapit na sana kami magisang taon.
Pero mas mabuti nalang yun, na ngayon nangyari to kesa kung mas tumagal to, lalo lang ako masasaktan.
Ang sakit.
Di ko akalain na ang simpleng pagkagusto ko sa kanya mamahalin ko sya.
Siguro eto yung karma ko sa pagiging playgirl ko.
Crush? Grabe, anlala mo, isang buwan lang nahulog agad ako sa kanya, napakagaling mo.
Sa crush lahat nagsimula, at magtatapos sa salitang Crash.
BINABASA MO ANG
Crush(One Shot Story)
Teen FictionCrush, ay isang simpleng paghanga natin sa tao. At dito nagsisimula ang lahat..