Gaano kita kamahal? Tantuin.
Ang dagat, langit, at kalawakan
Na kayang liparin ng isipan
Aking pagsintang walang kamatayan
Araw - araw kitang iibigin
Araw - buwan kitang paglilingkuran
Malayang pita
Aking karapatan
Na itong pagsinta’y
Iyong papurihan
Pagkat atas nitong kalooban
Sa ‘king hilahil at karupukan
Itong pagtangi’y muntik takasan
Gayunpama’y pag-ibig sa iyo’y mananalaytay
Ikaw na aking pintakasi ng buong buhay