Magaganap ang lahat sa isang lumang gusali. Magbabalik ang magkakaibigang sina Ramon, Cezar at Rolly sa lugar kung saan huli nilang nakasamang buhay ang kabarkadang si Fidel matapos itong masawi sa atake sa puso habang sumasailalim sa isang initiation right upang mapabilang sa fraternity na pinamumunuan ni Ramon.
Kasama ng grupo si Erica na kasintahan ni Fidel. Bitbit ng dalaga ang kaibigang bading na si Dyosa. Naroroon na rin at naghihintay ang bulag na matandang si Berto, isang medium. Gabay ng matanda ang apo nitong si Elisa. Malalim ang pagnanais ni Erica na makausap ang kaluluwa ng yumaong kasintahang si Fidel. Hindi nito ganap na mapaniwalaang walang foul play sa pagpanaw ng kasintahan kahit pa batid nitong may karamdaman si Fidel sa puso na posibleng maging mitsa ng buhay ng binata.
Sa gitna ng pagtawag sa kaluluwa ni Fidel, magaganap ang lagim. Mabubulgar ang mga lihim………………….
Dream Sequence 1:
Sa loob ng lumang gusali. Madilim. Tahimik.
Matatagpuan ni Erica ang sarili sa loob ng isang madilim at lumang gusali. Mapupukaw ang diwa ng dalaga at maririnig ang isang pamilyar na tinig.
Fidel V.O.: Erica…….Erica………tulungan mo’ko…….Erica………..hindi ako makahinga…….Erica……tulungan mo’ko…..erica………
Paulit-ulit na aalingawngaw sa paligid ang tinig ng nagmamakaawang lalaki. Umiiyak.. Habol ang hiningang tatawagin ang pangalan ni Erica.
Makikita sa mata ni Erica ang magkahalong kaba, lungkot at pananabik ng makilala ang tinig……… Unti-unti ay mamumutawi sa kaniyang bibig ang pangalan ng yumaong kasintahan………….
Erica: Fidel? Fidel? Nasaan ka Fidel? Magpakita ka sa’kin…….Fidel!!!!!
Fidel: Erica…….Erica………Erica…………
Sequence 2:
Sa labas ng lumang gusali. Magkikita-kita ang grupo nila Erica at Ramon. Ito ang araw na kanilang itinakda upang sa wakas ay subukan nilang kausapin ang kaluluwa ni Fidel sa tulong ng isang medium.
Scene 1
Sa loob ng sasakyan na nakaparada sa labas ng lumang gusali.
Dyosa: Erica! Erica! Hoy baklush gising!
Erica: (Maalimpungatan mula sa isang panaginip) Fidel!
Dyosa: Tse! Fidel ka diyan? Mamaya pa natin makakausap ang dyowa mo kung magpaparamdam yung kaluluwa niya. Oh my God, kinikilabutan ako bakla! Sigurado ka ba’ng gusto mong ituloy to? Diyos ko, yung medium scary! At ang building na’to friend, kalerky! Mukhang boarding house ng mga multo!
Erica: Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ako nakasisigurong payapa na ang kaluluwa ni Fidel. Napapadalas ang pagdalaw niya sa panaginip ko. Ito lang ang paraan Dyosa……..
Dyosa: O siya, taralets habang maaga pa. Ayokong abutan tayo ng gabi ditey!
Sabay na lalabas ng sasakyan ang magkaibigan at tatahakin ang lobby ng abandonadong gusali kung saan naroon ang grupo nila Ramon at ng matandang medium
Scene 3:
Sa lobby ng lumang gusali.
Unti-unting lalapit ang magkaibigang Erica at Dyosa sa grupo nila Ramon. Agad na mapupukaw ang pansin ng dalaga ng matandang bulag at apo nitong bata na kasama nila Ramon, Cezar, at Rolly.
Bulag ang matandang lalaki ngunit diretsong nakatingin sa kanilang direksyon. Nang marating nila Erica ang saktong lugar kung saan naroroon sila Ramon, napatigil ang dalaga sa tapat ng matandang bulag at tinitigan ng diretso sa mukha ang matanda.
BINABASA MO ANG
Sapi
HorrorAng lalaking baliw sa pag-ibig, gagawin ang lahat makamit lamang ang babaeng ninanais......... Kahit ang magpanggap na nasasapian, mapa-oo lamang ang pinakamamahal.........