-PROLOUGE-
RIXA'S POV
"Class, sa saturday na ang JS nyo, kailangan nyo na mag ready okay ba yun? Sge, class dismissed."
"Haaaay! Natapos din!" sigaw ng bestfriend kong nag ngangalang Morris. May unat unat pang nalalaman.
"Kahit kailan tlga Ris." Ris ang tawag ko sknya, for short. Haha!
"Che! Teka nga sang, may susuot kana ba sa JS?"
"Oo naman. Si mommy pa. Gusto mo sakanya kana din mag pagawa?"
"Meron na akong gown eh, nabilan na ako ni mama."
"Ah, tara na ris."
Naglakad na kame palabas ng school, magkatapat lang ksi yung village na tinitirhan nmen.
"Sang! Si Arnold oh!" napatingin ako sa tinuro nya. Eto nanaman ako, napatulala nanaman.
Si Arnold ay crush ko simula grade 6 ako. Napaka gwapo nya kasi. Athletic, hndi ganon ka talino pero pwede na din. Madaming ngang nag kakadanrapa dyan eh! Naku nako ang dami ko tuloy kaagaw! -_-
"Huy sang, natulala ka na naman dyan!" sigaw sken ni Morris.
"Haaay, hanggang tingin na nga lang tlga ako."
Binatukan ako ni Morris. "Ikaw ang drama mo palagi. Enjoy life! Enjoy goya!"
Nakangiting sabi nya. Halos kapatid na turing ko sakanya.
"Ikaw talaga. Tara na nga!"
"Okay tara!"
---