WHEN YOU ARE MINE - THREE

2.7K 64 6
                                    

" WHEN YOU ARE MINE "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER THREE

Dahil  bihira siyang magkaroon ng bakasyon at bihira siyang nakakapunta  sa  probinsiya  ay  walang sinasayang  na oras si  Pierce sa  tuwing  pumupunta  siya sa Mt Province lalo na sa  kanilang lugar sa Bontoc.

" Abah insan hindi ka ba napapagod  diyan? Hindi ka na yata nagpapahinga ah." tanong ni Alwyn  sa  pinsan niyang si Pierce  dahil napansin niya na simula dumating  ito sa Bontoc ay  hindi na  tumigil.

" Alam  mo insan hindi mapapalitan  o  hindi mababayaran  ng kahit anumang material  na bagay ang  saya  ko kapag nandito ako sa  atin. And don't worry  insan  kaya nga bakasyon ko  di ba? Sama  ka?" sagot at tanong  ni Pierce.

" How I wish insan pero may pasok ang mga studyante. Saan  ba ang routa  mo ngayon?" saad ni Alwyn.

" Oo nga ano? Well as you've  said mamasyal na naman ako. I'm  going to visit my friend sayang hindi  ka makakasama eh but don't  worry  baka sa Baguio kay pareng  Craig  makakasama  ka. So mauna  na ako insan and have a good day." nakangiting sagot ni Pierce.

" As you does insan take care lalo na sa pagmamaneho mo." sagot ni Alwyn.

They all know Pierce  Wesley  when it comes  to wheel. Kung  best of friends ang daddy Wayne  nito at ang papa Dos nila, sina CM at Pierce naman ang  pinaka-kaskasera sa kanilang  magpipinsan.

" Thanks insan." very lively na sagot ng binata  saka tuluyang umalis.

After few minutes dahil sa likas na mabilis  siyang magmaneho ay hindi  nagtagal ay nasa harapan  na siya ng Arellano Building kung saan naroon ang taong kanyang dadalawin.

" Good morning sir. Tuloy  po kayo  nasa loob  na si  sir Darrell." salubong sa kanya ng pang-umagang guwardiya.

" Guwapo ka pa sa umaga kuya. Salamat  at naaalala mo pa ako." masayang tugon ng binata.

" Oo naman sir ikaw pa ba ang makakalimutan ko? Hindi ah. Sige sir alam ko namang bihira ka  lang dumalaw  dito  kaya puntahan mo na si sir Darrell. " nahawa  na rin yata ito sa pagiging  masayahin ng kausap.

Hindi  na sumagot  si  Pierce bagkus ay ipinagpatuloy  ang pagbisita sa matalik na kaibigan. Pero nasa labas  pa lamang siya ay  dinig na niya ang pagmumura nito.

" Mukhang badtrip ang loko ah." bulong ng binata saka akmang kakatok pero hindi na niya itinuloy ang  pagkatok dahil nakabukas naman ito ng bahagya kaya naman pumasok na lamang siya saka  nagwika.

" Tsk! Tsk! Tsk! Early in the morning your coursing? What's the matter with you dude?" tanong ng kaibigan niyang sira ulo at pinakamainitin ang ulo sa kanilang  magkakaibigan.

" Abrasado! What the hell your doing here?" simangot na aniya nito sa kanya.

Hindi man siya nito lingunin pero sa boses pa lang ay kilalang kilala na siya nito. Distances and time is not  the hindrance for them or to their friendship. Magkakaiba  man silang tatlo sa napiling bokasyon ay hindi naging hadlang iyun para sa kumunikasyon nilang tatlo. Siya  bilang  alagad ng batas,  Nathaniel Craig as architects,  at si Darrell  bilang negosyante.

" Grabe ka naman kapatid maka Abrasado what the hell your doing here ka wagas. Barilin kaya kita ngayon din?" biro ng binata  dito pero his purpose  is to  make life easier lalo at parang pasan pa nito ang  mundo.

" Subukan mo at hindi ka na makakalabas sa building na ito na buhay. Ipapadala na kita sa Maynila na nakakahon." paismid na tugon nito sa kanya.

" Grabe ka naman buddy kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Tsk! Ano ba kasi ang problema mo at kay aga agang badtrip ka." aniya ni Pierce at pasalampak na naupo sa lamesa ng kaibigan.

WHEN YOU ARE MINE BY :  SHERYL FEE ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon