CHAPTER 47

77 20 4
                                    

"Mommy! Daddy!" Lumapit ako at hinawakan sila. Wala silang mga malay pero ramdam ko na humihinga pa sila.

Hindi ko akalain na sasaktan na niya agad ang mommy't daddy ko. Hindi ko 'to kayang makita at mas gugustuhin ko pa yatang ako nalang ang mawala kesa sila.

"Ano'ng ginawa mo!?? Sabi ko naman sa'yo wag sila! Ako nalang!!!" Duro ko sa sarili ko habang nakaharap kay Devin na ngayo'y walang reaksyon. "Kapangyarihan lang naman ang habol mo diba? Pwes ako nalang, Devin!" Sigaw ko pa habang umiiyak.

"Masyado ka nang maingay." Mahinahong bigkas nito. "Hindi pdeng ikaw lang, dapat kasama sila."

Matalim akong napatingin sa kanya. Napaka hayup niya talaga. "Tangina mo!!! Nagkamali ako sa'yo! Sana hindi nalang kita nakilala!"

"Makikilala't makikilala mo ako dahil nakatakda tayong magkita." Sagot naman nito. Lalo naman akong nabi-bwiset sa mga sagot niya kaya iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya at lumuhod kila Mommy. Nasasaktan akong makita silang ganito.

"Devin, enough." Biglang may pumasok at nakita kong nakatayo si Seinji sa pinto kasama si Yumiko. Tinignan naman siya ni Devin.

"Kailan ka pa naging traydor sa'min, Seinji?" Malumanay na litanya ni Devin rito. Kunot naman ang noo ni Seinji.

"Pinakawalan ko siya dahil wala siyang kasalanan. Hindi naman talaga siya ang papatayin mo diba?"

Tska ko nakitang lumingon sa akin si Devin pero agad niyang binalik kay Seinji ang paningin. "Kapag pinatay ko siya, mas magugustuhan ko ang kapalit kaya h'wag ka nang mangialam."

"Why not? Wala ito sa usapan. Ilang beses ka nang sumaway, Devin!" Hindi na napigilan ni Seinji ang magtaas ng boses.

"Wala akong pakealam! Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kaya tumigil ka dahil kapag hindi ka nanahimik dian isusunod kita." Nagbabantang aniya. Napatitig naman ng masama si Seinji. Hindi pdeng madamay rin siya...

"Guys please stop, okay? Seinji ikaw wag ka nang madada. Makisama ka nalang." Suway ni Yumiko. Malamang si Devin ang kakampihan niya. Tss!

"I don't know. But I don't like what you're doing." Anito sabay alis. Napairap naman si Yumiko bago tawagin ang pangalan ni Seinji at sundan ito. Ngayon ay kami nalang ulit ni Devin ang pdeng mag-usap dito.

Kinabahan ako nang tumingin siya sa'kin. Yung tingin na parang pinapasok ang kaluluwa ko. Niyakap ko naman si mommy na katabi ko ngayon. Natatakot ako pero hindi ko alam ang gagawin.

"Masyado nang maraming umeeksena. Tapusin na natin 'to. Miss La fuente." Saad niya at may dinukot na katamtamang haba ng kutsilyo sa gilid niya. Nangilabot naman ako ng makita 'yon. Damn!

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin, Lumuhod siya sa harap ko upang magpantay ang paningin namin. Hindi naman matapos-tapos ang luha ko sa pagpatak.

"P-Papatayin mo na ba ako?" Kinakabahang tanong ko. Nagulat nalang ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Parang may kung anong kuryente ang naramdaman ko kaya naman napaiwas ako, Tama na yung binilog niya na ang ulo ko.

"Gusto kong malaman mo 'to..." Mahinang aniya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. "Hindi ka sana kasama sa plano ngunit... Naging tunay na mahalaga ka sa'kin, Queenie."

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Anong sabi niya? Naging mahalaga pa ako sa lagay na ito sa kanya? Bullshit.

"I know it's hard to believe but that's true. Halos araw-araw kitang sinusundan kaya kapag nasa panganib ka ay lagi akong nandon para iligtas ka. Kung alam ko lang ang ibig sabihin ng pagmamahal, baka iyon na yung nararamdaman ko sa'yo." Nakaramdam ako ng pagiging sinsero sa boses niya. Ayoko mang maniwala ay may nagsasabi sa loob kong totoo ang lahat ng iyon at dapat akong maniwala.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now