Nang matanggap si Amanda sa Ballet Philippines ay masayang-masaya siya dahil para sa kanya yun na ang simula ng kanyang career bilang isang ballet dancer.
Nakabihis na si Amanda handa na siya sa unang araw niya bilang isang ballet dancer, nilagay niya sa kanyang bag ang mga susuotin ang ballet pink, leotard multicolor, tutu at flat ballet shoes - dahil first time niya hindi muna siya pinasuot ng point shoes/tippy toes.
Si Amanda ay anak ni Consuelo, isang ballerina, sa panahunan niya bilang isang ballet dancer siya ang pinakamatanyag na ballerina kaya binansagan siyang The Queen ang Prima-Ballerina ng Pilipinas.
Paglabas ni Amanda sa kanilang bahay ay nakita niya ang inang nagdidilig ng halaman sa kanilang hardin. Bago siya umalis ng goodbye kiss muna siya sa ina.
“Take care honey.” Habang nagdidilig ng halaman.
Pagdating ni Amanda sa Ballet Rehearsal Room nahuli na siya ng dating halos lahat ng student ay nandoon na, dali-dali siyang nagbihis sa dressing room. Pagkatapos niyang magbihis ay dumiretso siya agad sa kanyang pwesto.
Ang akala niyang hindi siya mapapansin ng isa sa mga Master Ballet Teacher ay tinawag ang kanyang pangalan lahat ng student ay nakatingin sa kanya.
She turned red dahil sa kahihiyan napa-special mention siya tuloy.
“Ms. Amanda San Diego you are late we almost in the midst of our practice.”
Hindi agad nakapagsalita si Amanda dahil sa sobrang kahihiyan, nagulat pa siya ng marinig niyang tinawag ang kanyang buong pangalan. Hindi niya akalaing kilala pala siya ng kanilang ballet teacher.
Napayuko lang ang ulo ni Amanda ayaw niyang titigan ng matagalan ang kanilang ballet teacher.
“From now on, ayoko ng may mahuhuli pa dahil kapag yan ay mauulit, alam niyo na ang kaparusahang naghihintay sa mga taong hindi marunong magpahalaga ng oras.”
Habang nakayuko lang ang ulo ni Amanda ay nagulat siya ng may kumausap sa kanya.
“Hey! Are you ok?”
Tinignan ni Amanda ang kumausap sa kanya isang babae kagaya rin niya isang estudyante ng Ballet Philippines.
She just nod her head quickly, nahihiya pa rin kasi siya sa pag special mention sa kanya.
Patuloy pa rin ang kanilang ballet teacher sa pagtatalak ng mga rules and regulations.
Si Homer Galvez ang ballet teacher nila isa rin siya sa mga tinaguriang master ballet teacher.
Sa oras ng kanyang pagtuturo isa lang ang gusto niya para sa mga studyante ng Ballet Philippines ang magkaroon ng displina sa sarili at sa lahat ng bagay maging sa oras ay dapat pahalagahan.
Pagkatapos ng kanilang practice ay dumiretso agad si Amanda sa dressing room, hindi niya akalaing sinundan pala siya ni Claudia.
“Hey!”
Nagulat si Amanda agad siyang napatingin sa kanyang likuran, she looks like freaky in her eyes.