Chapter 36

228 13 3
                                    

(A-Ches's P.O.V.)

"Huy!" Sita ko kay Sanyel, hindi kasi sya matigil sa kanonood ng video nila ni Sir. Park Jimin/ Chimchim

Hindi nga ako makapaniwalang sya pala yung Chimchim na ikinukuwento nya nung highschool pa kami.

"Ang daming nagla-like, nagko-comment at nagbu-view sa video! Salamat talaga sa nag-post eeee!" Kinikilig nyang sabi sabay pukol ng cellphone nya sa akin

"Masakit! $U6@60," reklamo ko, dinampot ko naman ang phone nya

"Akin na!" Sabi nya

"Pinukol-pukol mo sa'kin tapos ngayon kukunin mo? Matulog la na, anong oras na oh, 1 na!" Sita ko

"Akin na nga!" Nakangiti nyang sigaw, Ibig-sabihin lang noon ay maglalaro kami

"Ayoko!" Sigaw ko ng may tono at naghabulan kami sa loob ng kuwarto nya

"Akin na!" Utos nya, itinaas ko ang kamay ko upang di nya maabot saka ko sya tinawanan

Bigla nalang nag-ring ang cellphone nya, sinagot ko iyon at ni-loud speaker

Chimchim pala hah!

"Akin na hoy!" Utos nya, binelatan ko lang sya

"Sansan, nawawala si Yoongi," rinig kong nag-aalalang sabi ni Sir.Park

Kapwa kami natigilan ni Sanyel dahil sa sinabi nya

(Sanyel's P.O.V.)

"A-Ano raw?" Sabi ni A-Ches, kinuha ko naman sa kanya ang cellphone ko

"Hello Chimchim, anong nawawala?" Nagtataka kong tanong

"I mean, hindi pa umuuwi, hindi pa umuuwi si Yoongi, alam nyo ba kung nasaan sya?" Nag-aalala nyang tanong

Naupo kami ni A-Ches at nakinig.

"Naiintindihan ko pa kung bakit hindi sya umuwi nung isang gabi pero ngayon nag-aalala na ako," sabi nya

"Tinawagan nyo na ba?" nag-aalala kong tanong, tinignan ko si A-Ches na hindi maipinta ang ekspresyon

"Kanina, kaso pinapatay nya agad, wala syang balak na kausapin kami," sagot ni Chimchim

"Wala eh, wala naman kaming clue, saan naman nagpunta iyon?" Nagtataka kong tanong

"Kagagaling ko lang sa MY Company, wala, hindi ko rin ma-dial si Namjoon," sagot nya na alalang-alala na sa pinsan

"T-Teka, subukan ko," sabi ni A-Ches at tinawagan ang number ni Sir.Kim

"Nag-aalala lang ako kasi pamilya na rin ang turing namin sa kanya, nag-aalala kaming lahat, may sama pa naman ng loob iyon," sabi nya at lalong nag-panic

"Sige, ikaw ba wala kang ideya kung nasaan sya ngayon?" Tanong ko

"M-Meron pero-"

"Pero ano?" Tanong ko

"Sanyel, di ko kakayaning pumunta doon ng ganitong oras," sagot nya

"Saan ba?" Tanong ko

"Sa sementeryo," sagot nya

"Sementeryo!?" Nagtataka kong ulit, napatingin tuloy sa akin si A-Ches

"Walang sumasagot sa tawag," sabi nya at napatayo sa pag-aalala

"Hindi naman kasi sya palaalis, yung kuwarto nya nakabukas," sagot ni Chimchim

"Siguro naman uuwi rin sya," pangkakalma ko sa kanya

"Wala talagang sumasagot," sabi ni A-Ches

"Hindi, kailangan makita kaagad yun, baka mapaano, naglalakad kasi iyon ng tulog eh!" Sagot ni Chimchim

"Huh!?" Sabi ko, tinignan ko si A-Ches na nakanunot-noo na parang may naalalang hindi maganda

"O-Oo nga," sabi nya at napatingin sa akin, pag-aalala naman ang pumalit sa ekspresyon ng mukha nya

"Chimchim, susubukan naming tumulong ha," sabi ko

"Pasensya na sa istorbo Sansan ha, kahit kami-kami nalang ang maghanap, wag ka nang magpapagod, salamat, bye na," paalam nya nya at ibinaba ko na ang tawag

Tinignan ko si A-Ches na halos mapaluha na habang palakad-lakad.

"Nakakainis, nakalimutan ko Sanyel," sabi nya habang patuloy pa rin sa paglakad

"Nagsi-sleep walking sya," dugtong nya at pilit na nag-iisip kung nasaan si Sir.Min

"Ches," tawag ko sa kanya para kumalma sya

"Pero San, di ako makakatulog sa konsensya," sabi nya at huminto para tignan ako

"Ang dami ko kasing nasabi sa kanya dahil sa galit ko," dagdag pa nya

"Kumalma ka muna Ches," sabi ko

Tumunog ang cellphone nya at napatingin kami roon.

"Kaninong number iyan?" Tanong ko

Tinignan namin ang message.

'Hi A-Ches! Si Minjae ito, nandyaan na ba sila Shin Ah?'

"Shocks, sa dami kong iniisip, nakalimutan ko tuloy na umuwi na pala si Shin Ah," sabi nya at napahagod sa ulo

"Dito ka lang, papupuntahin ko nalang si Cheon Sa, sorry Sanyel," sabi nya at niyakap ako

"Hahanapin ko na rin si Sir.Min pagkatapos," sabi nya at umalis na

Tinignan ko lang sya sa terrace habang lakad-takbo sa pag-uwi.

Naaawa ako sa kaibigan ko...

Binaling ko ang tingin sa mga bituin.

Kahit di nya sabihin, alam kong may gusto sya kay Sir.Min pero hindi nya pa iyon napapansin sa paniniwalang si Sir.Kim ang gusto nya...

Sa ipinapakita nyang mga aksyon tulad ng pangyayari ngayon, at kung isasama mo pa ang mga araw dati na tuwang-tuwa sya habang ikinukuwento si Sir.Min, malalaman mo talagang gusto nya ito kaso ayaw nyang aminin sa sarili nya...

Kaya sya nasasaktan....

📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝📝

End Of Chapter 36

Yeheeeeey!

Nasaan kaya si Sir.Min?

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon