Chapter 2

936 44 7
                                    


SINILIP NI CHLOE MULA SA DESK niya ang reaksiyon ni Nathan ng maupo ito sa swivel chair, memoryado na niya ang routine nito. Una, uupo ito sa swivel chair, ilalatag ang bag sa gilid, ipapahid ang isang hintuturo sa lamesa nito at gagawa ng isang stroke, susuriin nito kung may kahit isang alikabok na nakuha ang hintuturo, kung meron man, tatawagin siya nito. Papalinisan iyong muli sa janitor. 


Sunod, iitsa nito ang fountain pen sa hangin at ika-catch, sa hindi niya maintindihang dahilan. Tapos ay lilingon ito sa kanlurang bahagi ng lamesa at dapat sa eksaktong anggulo ng mata nito mababanaag ang isang foam cup na may laman ng black coffee, with cream, no sugar.

Kung tatawagin na nito ang apelyido niya, doon lamang siya pipihit at ngingiti at mag-go-goodmorning dito.


Tatayo siya at ire-recite dito ang schedule nito sa buong araw, kung anong oras ang mga meetings o conference at kung saan. Ipapaalala niya dito ang nakalimutan nitong mga papeles, mga bagong projects o di kaya'y mga presentations na dapat gawin. Ipapakita ang mga blueprints at budgeting. Mag ko-comment na naman ito, sasabihin sa kanya ang anong dapat i-kansela o anong dapat idagdag, ihahabilin sa kanya ang dapat i-follow-up. Sa madaling salita, napaka generic ng komunikasyon nila, at napaka routinary!


But this day, would be different, at alam niya iyon ng maunsyami ang routine nito, ng pagpihit nito ng ulo pakanluran, ay isang kataka-takang bagay ang nahagip ng mata nito.


Isa iyong black ceramic mug, pero siyempre, walang namang nakasulat sa mug na iyon maliban sa design na "To save mother Earth". May laman iyong umuusok na kape.Napa-skip ito at ginawa ang next step, ang tumingin sa lokasyon niya at tawagin siya. "Ms. Dizon..." may pagtataka sa boses nito.


"Good morning sir!" ngiti niya at tinapunan ng tingin ang black mug.


"Do you want to explain this alien mug sitting in my desk, with the caption of 'To save mother Earth'?"


Ano daw? Alien Mug? Gusto niyang bumungisngis...


May dalawang garbage can sa silid na iyon, sa kanya at kay Nathan, sa kanya ay may iilang papel at tissue tuwing pinupunasan kaunti ang mukha para matanggal ang oil. Ang kay Nathan ay napupuno ng nag-aacumulate na foam cups o mas kilala na styrofoam cups araw-araw.


"Sir, malinis po ang mug na iyan, bagong-bago pa po, mamahalin rin po iyan, tsaka sir, for a change, sayang naman kung puro styrocups ang iniinuman ninyo, tapos, tinatapon niyo pa agad..." ngiwi niya.


Pinalipat-lipat ni Nathan ang tingin sa mug at sa kanya, "Did I hear it correctly Ms. Dizon? Did I told you to change my routine of drinking coffee from foam cups?" sarkastikong tanong nito.


"No sir, sorry sir, pero sir!" naitaas niya ang boses, "Alam niyo bang may dalawampu't limang milyong styrocups ang natatapon kada taon sa landfill, at limangdaang taon mula ng ihagis niyo yan mananatili iyan sa basurahan at hindi nabubulok? May sabi-sabi ring nakakasama ito sa ating kasulugan! Huhugasan ko po talagang mabuti ang mug na iyan at ipatutuyo ng maayos, basta po't huwag niyo akong pagawain ng kape na ilalagay sa styrocups, hindi ko na po talaga kaya, inuusig ako ng konsensya ko, kasi presidente ako ng Youth for Environment's club noong highschool!" matigas niyang paliwanag. 

Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon