"Thank you for comming!" At saka na ako umalis ng photoshop at tinignan ang plastik na puno ng mga litrato.
"I'll make my room perfect with these."
Agad agad akong sumakay ng jeep at pumara sa subdivision at umuwi na. Pagpasok ko sa kwarto ko ay bumungad saakin ang puting mga pader at dingding habang nasa gilid ang kama ko.
Umupo ako sa kama ko at kinuha ang glue at plastik cover na nasa gilid at sinimulan ko ng balutan ang mga pictures at idinikit lahat ng mga iyon.
"Haay... Kamusta na kaya kayo?" Sabi ko pagkatapos at humiga.
"Gaya ng promise ko... Babalik ako. Just let me finish this 2 months vacation."
"Ryan, Mike, Leo, Kevin, Kae, Jessie, May, Jane." Bigkas ko sa mga pangalan nila at kumuha ako ng red marker sa side table ko at gumuhit ako ng mga puso sa dingding kung nasa saan nakadikit ang mga litrato naming lahat.
"Good night." At saka biglang dumilim ang paningin ko.
***
"DIANE!!" Rinig kong sigaw ni mama kaya umupo na ako sa kama ko habang nakapikit.
Tsk. Bakit ba kasi ang lalakas ng boses ng mga nanay?!
"Ma!.. Ang aga aga pa eh. Wala pa ngang araw." Sabi ko at kinusot kusot ang mga mata ko.
"Anong wala pa?! Tanghali na!" Sabi ni kaya napadilat ako pero...
H-huh?
"A-anong oras na po ba m-ma?" Tanong ko habang nanginginig ang mga kamay.
"Wala ka bang orasan dyan? Sabi ko lagyan mo na ng baterya eh! Ala una na!" At dun na biglang bumuhos ang mga luha ko.
"M-m-ma!! Ma! W-wala akong makita ma!!"
🔸🔹🔸🔹🔸🔹
After 2 years...
Narrator's POV"Seryoso? Kalalake ninyong tao hindi kayo marunong mag drums." Sabi ng babae na nagtotono ng gitara niya na kulay pula. (Jane)
"Hindi lahat ng lalake marunong mag drums. May mga babae kayang nagdadrums" Sabi naman nung lalake na nagcecellphone. (Kevin)
"Baka nagta tantrums. Hahaha!" Sabi nung naka itim na T-shirt (Mike) at saka nakipag apir sa katabi nitong naka asul (Leo).
"HA-HA-HA. Tawa tayo..." Sabi nung babaeng may hawak na bass. (Jessie)
"Nakakain nanaman ata yan ng sili." Bulong nung nasa keyboard (Kae) sa katabi niyang may gitara na red and White.(May)
"Siguro." Bulong niya pabalik.
"Ang iingay ninyo." Sabi nung lalaking nasa sulok habang nakasalpak ang earphones sa tenga (Ryan).
"Problema mo? Meron ka na naman?" Tanong ni Leo sa kanya kaya bigla itong nagtago sa likod ni May dahil kumuha na ng ibabato si Ryan.
"Ryan. May kaklase ka namang marunong may drums diba?" Tanong ni Jane.
"Wala." At saka tumingin na sa cellphone.
"Uy guys! Punta tayong cafeteria." Pag aaya ni Kevin na sinang ayunan nila.
Ibinaba na ng mga babae ang mga gitara nila at saka nauna ng lumabas at sinundan ng mga lalake.
Pagdating sa cafeteria ay pinagdugtong nila ang mga lamesa at nilagyan ng mga upuan.
"Boys treat!" Sabay sabay na sabi ng apat na babae pagkaupo na dahilan para mapakamot ulo nalang ang apat na lalake habang si Ryan ay umupo na at binigyan ng pera si Kevin.
YOU ARE READING
For 2 years...
Short StoryAt sa pagdilat ko nung umagang yun ay nagbigay sakin ng gulat at iyon ang simula ng pagsubok ko...