Xander's POV
Naging tahimik ang paglalakbay namin ni ford.Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa tapat ng bahay.Bumaba na rin si ford dahil magkapitbahay lang naman kame.Tatlong bahay ang pagitan ng bahay namin sa kanila.
Matapos kong magbayad ay pumasok na ako sa bahay.
Pagpasok ko ay walang tao sa loob ng bahay kaya umakyat na ako agad sa kwarto ko.Masyado pang maaga para maglakwatsa kaya humiga muna ako.Hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi.
"Paano kaya nangyari iyon?"Pagtatanong sa sarili ko.May parang sumapi sa akin kaya ko nagawa iyon.Gigil na gigil ako kung sino mang espirito yon.
Ipinikit ko na lamang muli ang mata ko at kinalimutan ang mga nangyari gaya ng sabi ni William.
Nandito ako ngayon sa isang eskinita may kasikipan ang daan kaya hindi kayang magkasya ang sasakyan dito tulad ng kotse.Nakita ko si ford na naglalakad dito at may sumusunod sa kaniyang lalaki na naka all black at may bonet na itim.Alam kong nananaginip ako pero hindi ko na nagawa pang gumising dahil ayaw ng isip ko.
Habang naglalakad ako ay tiningnan ko ang orasan ko 10:00 na ng gabi.So ibigsabihin panaginip talaga dahil umaga pa lang naman.Minabuti kong sundan si ford at ang lalaking palihim na sumusunod sa kaniya.Huminto si ford at tumingin sa likuran niya.
Alam niyang may sumusunod sa kaniya kaya nagtago na lang din naman ako.Ibinaling na lang niya muli ang kaniyang paglalakad pero tinutukan siya ng baril ng lalaking sumusunod sa kaniya.Ngayon ay nasa harap na yung lalaki.Gusto ko sanang lumabas para iligtas si ford pero hindi ko kaya.Wala akong sapat na lakas upang gamitin.
Lumingon muli ako ngunit nagtama ang mata namin nung lalaki.Kaya nagtago muli ako.Nakarinig ako ng malakas na putok ng baril kaya napakalas ako sa pinagtataguaan ko.Pagtingin ko kay ford ay unti-unti siya bumabagsak.Hindi ito maaari!
Tumakbo ako sa kaniya nakita kong nandun parin ang lalaking bumaril sa kaniya.Pero wala na akong choice kaya tumakbo ako sa kinaroroonan ni ford.Niyakap ko siya at nagwika.
"Ford lumaban ka hindi ka pwedeng mamatay."Pag aalala ko sa kaniya.Binigyan ko ng matalim na tingin ang lalaki pero pagtingin ko nakatutok sa akin ang baril.Tinatakot niya ba ako?Ako ata si Xander na walang inuurungan.Tatabigin ko sana ang baril ngunit huli na ang lahat nakalabit niya na ang baril at tumama iyon sa noo ko at bumagsak.
"Hoy Xander!______Xander!______Xander!."Pagaalala ng isang tinig ng lalaki.Minulat ko ang aking mata at si Kuya Shem ang bumungad sa akin.
Panaginip lang pala ang lahat kaya hindi ko kailangang magalala.Tanghali na ng gumising ako kaya yinaya ako ni kuya na kumain ng tanghalian.Mumaba na ako sa kwarto at nagtungo sa hapagkainan.
Matapos kong kumain ay umakyat na muli sa kwarto at nagpalit ng magarang kasuotan.Pupunta ako ngayon sa school dahil may meeting ang Student Council.
Mabilis lang ang biyahe dahil sabado.Bumaba na ako at nagbayad.Tumungo na agad ako sa Faculty Room dahil nagsisimula na ang meeting.Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga kapwa ko Stundent Council at nakita kong hindi pa nagsisimula.Nandito rin ang Principal,Head Teachers at ang Librarian.Lagot ako neto!Bakit siya nandito.Ilang minuto lang ay nagsimula na ang pagpupulong.
Sinumulan ng aming Principal ang pagpupulong. "Ano ba ang ating problema Mr.Gomez?"Pagtatanong nito sa aming librarian.Ano kaya yung problema?Ang pagkaka alam ko ay ngayon lang nagkaroon ng problema pagdating sa library.
"Yesterday, may dalawang lalaki ang nanatili sa library.Doon rin sila natulog."Paninimula niya.Hindi pwedeng malaman nila na ako ang isa sa mga nabanggit.
"Nalaman niyo na ba kung sino ang dalawang iyon?"Pagtatanong muli ng Principal.AKO PO YUN! Gustong gusto kong sumagot kaso ipapahamak ko lang ang sarili ko.
"Wala pa po kaming ideya kung sino ang dalawang iyon,"Pagsagot muli nito.
"Isa po ako sa dalawang nabanggit,"Pagsingit ko.Nagulat ang lahat sa narinig nila mula sa bibig ko.Ano ba itong bunganga ko nagsasalita ng hindi ko alam.
"Bakit ka naroroon Mr.Xander?"Tanong ng Principal.
"Pumunta po kasi ako ng library upang magpahinga ngunit medyo humaba yung pagpapahinga ko.Bago po ako magpahinga ay nakita ko Si Mr.Gomez na lumabas.Hindi niya ata kami nakita na nasa loob pa.Nakatulog po ako ng higit apat na oras rin po.Wala na po kaming magawa dahil nakasarado napo ang pinto kaya mas minabuti po naming matulog na lamang sa kwarto ng library.Pasensya na po hindi."Pagpapaliwanag ko sa kanila.Kita naman sa kanilang mga mukha ang pagkakaintindi.
"Bilang isang President ng SC pagbibigyan ko ang iyong paliwanag."Sagot naman ng aming Principal.Naka hinga ako ng maluwag ng marinig ko ang mga iyon.
Nagpatuloy lang ang aming pagpupulong.Inabot ito ng 7 hours ganyan kami mag meeting sobrang haba.Pinaguusapan kase namin ang lahat-lahat ng problema dito sa university maging ang mga solusyon at kung paano namin mapapaganda ang reputasyon ng skwelahan.
Dumating na rin ang oras na kailangan na naming umuwi.Kinuha ko ang cellphone ko upang tignan ang oras 9:30 na pala kaya nagmadali akong naglakad.Wala ng mga sasakyan sa ganitong oras.Kaya mas minabuti kong maglakad na lamang.
YOU ARE READING
Nightmare with YOU
FantasySa lahat po ng magtatangkang basahin ito.Wag na kayong magdalawang isip pa. Ilagay na agad sa "Reading List" mo at basahin. Hinding hindi ka bibiguin ng "Nightmare with YOU." At ng author na si <~-|WoofGoesCow|-~> <3