"'Nak bilisan mo diyan at nandito na ang papa mo!" Rinig kong sabi ni mam mula sa baba. Muli akong napasilip sa aking kwarto sa huling pagkakataon.At pinag masdan ang mga lumang gamit na aking iniwan. Kasama na dito ang Cd's, damit, at mga abubot ko nung ako'y bata pa.
Nakakalungkot na iiwan ko na ang aming bahay na aking kinagisnan simula nang ako'y magkamulat sa mundo.
※※※※※
"Ma! Sabi niyo mas malaki at mas maganda ang ating lilipatan kaysa sa luma nating bahay." Saad ko habang ibinaba ang aking mga gamit sa compartment. Nakita ko si mama na parang walang narinig at dumiretso lang sa loob ng bahay kasama ang aking bunsong kapatid.
"Makaluma man tingnan sa labas anak ngunit pag nakita mo ang hardin sa likod sigurodang ika'y mamangha." Ani ni papa habang tinutulungan akong mag baba.
"Bakit Pa'? Sa hardin ba tayo matutulog at titira?" Dumiretso na ako sa loob at sinundan si mama.
※※※※※
Pasado alas otso na ng gabi nang kami ay matapos sa kakalinis at ayos ng bago naming tinitirhan. Kasalukuyan akong nag lalakad sa hardin na tinutukoy ni papa. Totoo ng ang kanilang sinabi ang hardin kung saan ako nakatayo ay sobrang nakakabighani.
Ngunit ang aking ipinagtataka ay paano nila napanatili ang kagandahan at kaayusan ng mga bulaklak at puno? Gayong hindi naman ito masyadong naaalagaan ng dating may ari. Ilang buwan na rin naman ang nakalipas simula ng umalis ang dating may ari ng bahay.
Pinagmasdan ko ang paligid at napansin kong dadalawa lang ang lamparang gumagana at nagbibigay liwanag sa napakagandang hardin.
Napayakap ako sa aking sarili nang biglang lumakas ang hangin. Ngunit nangibabaw sa aking pandinig ang tinig ng isang...
"Psssstt!"
"Binibini!"
Napalingon ako sa aking likod, kaliwa, kanan ngunit wala naman akong nakita.
"Sa taas!" Agad akong napalingon sa bandang itaas at nakita ko ang isang malaking sanga nang puno. Ngunit hindi ito ang naging dahilan upang mas tumagal ang aking pag silip. Sa halip, nakita ko ang isang lalake na nakahiga sa sanga.
"U-uuh sino po kayo?" Ani ko habang tinitingala ang lalake at pilit na tinitingnan.
"Hehehe. Ako dapat ang magtanong niyan sa iyo binibini. Sino nga ba kayo at bakit kayo naparito sa aking napakagandang hardin?"
Unti unti kong nasilayan ang kanyang mukha nang silipin niya ako.
"Aah eh-- kami po kasi yung bagong may ari ng bahay na ito. Ako po si Mia Angeles. Kayo po ba ang caretaker ng h-hardin?" Matapos kong sabihin ang salitang caretaker ay tumalon siya sa sanga ng puno. Nagulat ako dahil sa sobrang lapit namin. Ngunit ang kanyang dibdib lamang ang aking kaharap dahil sa kanyang taglay na katangkaran.
Ako na ang unang lumayo at inayos ko ang aking damit. Hindi ko alam pero isa ito sa aking nakasanayan na kung may malapit na taong hindi ko kilala ay aayusin ko ang aking damit o kung minsan ay buhok.
"At paano mo naman iyan nasabi binibini?" Ani niya at pinagmasdan ko siyang maupo sa tabi ng puno. Nakatingin siya sa akin ng diretso ngunit hindi ko siya matingnan tulad ng tingin niya sa akin.
"Dahil sa ganda ng hardin?" Nagmistualng patanong ang aking sagot dahil sa pagtaas ng aking boses sa huling salita.
"Salamat at nagustuhan mo ngunit sa kasamaang palad hindi ako--- mauuna na ako binibini. Magandang gabi." Nagulat ako at hindi makapagsalita sa kanyang biglaang pag alis. Kasabay nito ay ang pagtawag ni mama upang kumain.