"Sis May 27 flight ko!"
" talaga!" Ano ba yan malapit na pala wala na ko makaka jamming
Anyway ingat ka dun huh Sis at keep in touch!..."
" Syempre naman Sis" xa sige na baba ko nato wala na ko load eh bye Sis mwaahhh"
" byie..."
Ako nga pala si Janice 28 years old. Wala naman talaga sa pangarap ko magabroad pero dahil ako na lang di nakakatuntong sa ibang bansa sa family namin at lagi ako pinipilit at minamaliit ng kapatid ko napilitan ako magapply at ngaun nga eto my date na ang flight ko. Panganay ako sa magkakapatid at marami na rin napagtrabahuhan pero ung sumunod sakin na kapatid ko ang mas succesful, mas malakas ang loob, sabi nga ng magulang ko mas may pangarap daw sa buhay. Siya kasi ang unang nakapagabroad samin at ngaun mag 5 years n sya sa Kuwait.. Yung pangatlo ko naman kapatid ayun kagagaling lang din sa Kuwait at ngayon my apply sa ibang bansa... Siya ang nagpasok sakin sa kumpanya na pupuntahan ko ngayon.
May 27, 2013
" Janice ano wala ka naba nakalimutan?"
" Wala na Ma" Anong oras ba dating ni Tito?"
" Nagpagasolina lang padating na rin yun. Maligo kana at baka matraffic tayo"
This is it. Eto na ang araw na kinatatakutan ko. Ang flight q papuntang Kuwait. Kung di lang talaga sa kanila ayoko talaga umalis. Pagkatapos maligo sinuot ko ang damit na binigay sakin ng friend ko at siyempre ang paborito kong pants na nabili ko 2 years ago pa pero dahil branded at mamamahalin talaga eh maganda pa rin ang fit sakin.
" Nak alas kwatro na umalis na tayo para kahit matrapik tayo di tayo mahuli"
Binuhat na ni Papa ang mga gamit ko. Isang malaking maleta na naglalaman ng mga bilin ng kapatid ko at konting gamit ko at isang mas maliit na maleta na hand carry ko. Nandun nakalagaynkaramihan sa mga personal kong gamit. Wala naman ako masyadong dala kasi sabi ng kapatid ko bibigyan na lang daw niya ko pagdating ko dun. Ay meron pa pala kong isa pang dala. Ang shoulder bag na binigay sakin ng Bff ko. Dun ko nilagay yung mga importanteng bagay gaya ng passport at syempre yung mga bagay na madalas ko gagamitin habang nasa biyahe ako.
Paglabas ko ng bahay nakaabang na ang lola ko, halata sa mata niya ang lungkot pero di pinapahalata nakatawang sinalubong ako.
" Magingat ka dun huh at alagaan mo sarili mo. "
" opo Nay!, kaw din Nay alagaan mo sarili mo"
Niyakap ko siya at pigil ang pagpatak ng luha. Ang lola ko kasi ang nagpalaki sakin. Sa kanila ko nakatira ng tumuntong ako ng kinder. Sila ang nagalaga sakin noon habang nasa Manila ang pamilya ko. At ang alam ko at nararamdaman ko na ako paborito nila sa lahat ng apo nila.
Habang papasakay na kami sa van tinawag ako ni Aling Nene, ang matandang mayaman naming kapitbahay.
" Flight mo naba Neng?"
" Opo"
" aba magaling ano, Oh xa ingat ka dun at kamusta mo ko sa kapatid mo. Oh eto ibaon mo panggasolina nyo!" Pinilit isiniksik sa kamay ko ang isang libong piso.
" Naku salamat po, Sige po alis na po kami salamat po uli!"
Masikip sa loob ng sasakyan kasi madaming sumama paghahatid sakin pero ok lang kasi gusto ko rin yun. Inabot nga kami ng traffic siguro kasi oras na rin ng uwian ng mga nagoopisina o dahil talagang matrapik sa lugar na yun.
After 4 hrs. na biyahe nakarating na kami sa airport. Umiiyak na ang bunso ko kapatid at ang maliit kong pinsan ng hinalikan ko sila. Pigil ko ang luha ko at isa isang hinalikan ang sakay ng van na naghatid sakin. Si Mama, si Papa at ang kapatid ko lang babae ang bumaba para ihatid ako.