"Never Seen Anything Quite Like You"
(One-shot)
Written by Leeyaniee
[NOTE: This one shot story is quite based on a true story and some parts are intended to be revised. The title was gotten from one of the 'The Script' songs but don't expect that this story has the same meaning with it. Hope you like it! :)]
***
JUNE 7, 2010 - Unang araw ng pasukan at ito rin ang unang araw ko bilang isang high school student.
Dahil nga unang araw ko, kinakabahan akong pumasok dahil iniisip ko kung anong mangyayari sa akin sa unang araw na 'to gayong first time ko lang ding makapasok sa eskwelahang 'to. Mag-isa lang akong pumasok dahil hindi na ko nagpasama pa kay Mama dahil sabi ko sa kaniya, kaya ko na. Kahit ang totoo, hindi ako sigurado kung kaya ko na nga bang mag-isa dahil hindi ko talaga alam ang pasikot-sikot sa eskwelahang 'to.
Hindi ko pa rin kasi alam ang section ko. Sabi kasi, sa mismong unang araw pa ng klase sasabihin. At ngayon na ngayon.
Nang maihatid ako ni Papa, nangingimi pa akong pumasok sa gate kasabay ng iba pang mga estudyante na nagsisipasukan na rin.
Karamihan sa kanila, by friends at halatang masasaya at excited dahil nagkita-kita ulit sila.
Siyempre, may mga friends din naman ako at dahil nga nagbakasyon, ilang buwan din kaming hindi nagkita-kita. 'Yong last yata, noong elementary graduation pa namin. Hindi ko naman alam kung nasaan sila ngayon dahil wala naman kaming contact sa isa't isa dahil una sa lahat, wala akong pang-contact sa kanila. Sana nga lang, makita ko rin sila rito ngayon at maging kaklase ko na rin para mas masaya.
Clueless ako kung saan ang gymnasium. Sabi kasi, doon daw dapat magpunta ang mga freshmen dahil doon daw i-a-announce ang sections namin. Kaya ang ginawa ko, nakisabay na lang ako sa iba kung saan man sila magpunta. Siguro, makikita ko rin naman kung saan 'yon.
Nahihiya kasi akong magtanong at the same time, natatakot. Nabalitaan ko kasi sa mga taga- sa amin na nasa high year at naka-graduate na, kaming mga baguhan, mag-ingat daw dapat dahil marami raw frat at maloloko sa high school, baka raw mapagdiskitahan kami. Ayoko pa naman sa gulo. Kaya mag-iingat na nga lang ako.
Hindi rin naman ako nahirapang hanapin ang gymnasium, malapit lang naman pala. At mula sa labas, naririnig ko na ang announcement doon. Mukhang nagsisimula na ngang sabihin sa bawat section. Kaya nagmadali na nga ako sa pagpasok doon.
Hindi naman ako nagkamali, nakita ko nga roon ang mga kaibigan ko. Kaso, sa kasamaang palad, hindi ko na sila mga kaklase. Halos naghiwa-hiwalay pa kaming lahat at wala ni isa sa kanila ang naging kaklase ko. Medyo nalungkot ako kasi noong elementary, nasanay na akong sila ang kasama. Pero okay na rin naman dahil may ilan din naman akong naging kaklase rin noon na naging kaklase ko rin ngayon at sa kanila na lang ako nakisama.
SA PAGLIPAS ng unang linggo sa high school, madali lang din naman akong nakapag-adjust dahil marami na rin kaagad akong nakasundo na mga kaklase. Nakabuo na rin ako kaagad ng bagong barkada. Dalawang babae at isang magandang beki ang mga bago kong kaibigan. Actually, si beki, halos childhood friend ko na siya dahil mula grade one, kaklase ko na siya.
BINABASA MO ANG
Never Seen Anything Quite Like You (One Shot)
Short Story"I don't know what's in you. And I don't know but I've never seen anthing quite like you after all those years and I think, even for more years." (A one shot series that inspired by some of the songs of "The Script".)