Chapter 01
Blaire's POV
"Del Pilar, 75,"
Tahimik ang buong klase habang hinihintay ang kani-kanilang scores.
Ang iba ay nangangatog na sa kanilang upuan habang ang iba ay pachill chill lang.Kasama ako sa mga estudyanteng kinakabahan dahil hindi ako nakapagreview nung araw na iyon.
Paano ba naman kasi? Surprise quiz daw kaya ayan. Pati ang scores din namin halatang nasurprise.
Napapikit ako dahil ang score ko na ang iaannounce ni Maam. Hindi ko kayang marinig ang score ko dahil tanggap ko na bagsak na ako.
".. 95,"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko iyon.
Ha? 95 ako?
Sht. Is this for real?
"A-ano daw?" tanong ko kay Mira, ang bestfriend ko. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, nagtataka.
Paano ba naman kasi? Kahit ako ay hindi rin makapaniwala.
"Uy! Narinig mo iyon 9--"
Napatingin ang mga kaklase ko sa gawi namin ng magtaas ng kamay si Mira. Inayos muna nito ang kanyang salamin bago tumayo.
"Maam yung kay Del Rosario po?"
Napakunot ang noo ni Maam at kinuha ang kanyang salamin. Sinuri niya ang kanyang records at napatingin sa amin.
"Oh, I'm sorry Ms. Reyes." ngiting ani niya habang nakatingin sa kanyang records.
"But first who's Ms. Del Rosario?"
Bigla akong kinabahan.
Kabadong tinaas ko ang kamay ko at tumayo sa upuan. "Ako po Ma'am,"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tila bang parang sinusuri ako.
"Oh I see," tango tango niyang sabi.
Napapikit ako. Parang alam ko na.
"I'm sorry Ms. Del Rosario pero bagsak ka sa quiz natin. You only got 40 out of 100,"
Napapapikit ako sa sinabi niya. See Blaire? Get used to it! Asa pa na makakakuha ka ng mataas.
Nanghina ako sa sinabi niya at napaupo sa upuan. Oo alam kong hindi ako nagreview pero hindi ako makapaniwala na ganoon ang makukuha kong score! Masyadong mababa at ako ang pinakamababa.
Sht. Paano na to? Paano ko ito sasabihin kay Mama? Magagalit yun sakin at ikukulong ako nun sa bahay ng buong week!
"Ms. Del Rosario?" tawag ulit niya sa akin.
"Yes po?"
"Meet me in my office later," seryosong sabi niya at binalik ang tuon niya sa kanyang records.
Nagsimula na ulit siyang magaannounce ng scores. Hindi ko na narinig ang ibang scores dahil sa sobrang kalutangan ko.
Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko pero ang mas nangibabaw dito ang pagkadismaya.
Kasabay ng pagtunog ng bell ang pagkadismiss ng klase.
Halos lahat sila ay masaya dahil sa nakuha nilang marka. Samantalang ako lamang ang hindi.
Lumapit sa akin si Mira at niyakap ako. Siguro napansin niya ang pagkatahimik ko dahil sa nangyari kanina.
"Mira anong gagawin ko?" naiiyak na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Space Between Us
FantasyTwo different worlds, Two different time, Two lonely souls, One forbidden love. Is it true love really conquers all? How far will you take for the one you love? Meet Blaire Del Rosario, the girl who can travel to the future through her dreams. Hi...