Luin's POV
There's something wrong, I can feel it. That's why I hugged her, there's something in me that missed her, I don't know. Siguro epekto lang ito ng break-up namin ng ex- girlfriend ko.
Nandito na ako sa bahay at naihatid ko na rin si water girl sa likod ng school, I mean sa lake.
"Mom! I'm home!"
"Mom?"
"Mom!" Sigaw ko at naglibot sa buong bahay. Nagbakasyon nga pala ang tatlo naming mga katulong kaya kami lang ang naiwan pero nasaan si Mommy?
Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig pero may nakita akong letter sa refrigerator, tinanggal ko ang magnet at kinuha ang sulat.
Habang binabasa ko itong sulat ay unti-unting bumagsak ang luha ko sa papel.
Anak, pansamantalang mawawala ako, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ka ni Mommy. Alam kong may pinagdadaanan ka. Sana magpakatatag ka sa ano mang mangyayari. Sana makapagtapos ka anak. Sana matupad mo ang pangarap mong maging isang magaling na abogado. Kung may masamang mangyayari sakin, hanapin mo lang si Atty. Hermion. I'm sick Luin. Ayokong nakikita mo akong naghihirap.
'Yan ang mga nakapalagay sa sulat na may bakas na ngayon ng patak ng luha. Hindi ko alam pero napatakbo na lang ulit ako sa eskwelahan at pumunta sa lake. Pagkadating ko ay lumuhod at napasigaw ako.
"Bakit ngayon pa?! Kung kailan okay na ako?! Nakamove on na ako! Tapos may panibago na naman?! Please 'wag si Mom, huwag ang Mommy ko!" Napayuko na Lang ako habang tuloy-tuloy ang aking pagtulo ng luha.Naramdaman ko na lang na may basang yumakap sakin at walang iba kundi si water girl.
"Ssshhh.." Pagtatahan niya sa'kin.
"T-thank you because you're always there to comfort me." Hindi naman kailangan ni Mom magpaalam ng ganoon parang sinasabi niya na literal na mawawala na siya. Pwede naman siyang personal na magpaalam sakin.
I-i can't imagine myself without my one and only mom. Bakit ngayon ko lang nalaman na may sakit siya? Ano ba naman akong klaseng anak?Wala talaga kaong kwenta puro na lang ako pasakit sa iba. I really hate myself. My mom is always there to help me stand up and be positive. Mom, I believe you're coming back. I can feel it, so please come back soon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Happy birthday Mom! I love you! Thank you for always being there for me! "
"Luin, always remember that I love you."
"Mom,promise me that you'll never leave me."
"I...promise, son."
"Yehey! Don't go far from me ha?"
"Yes, baby."
Napabangon ako ng wala sa oras at pawisan din ako. Nakahiga pala ako ngayon sa bangko. Nakita ko si Watergirl sa tabi ng lake at nakatingin sa mga bituin. Nilapitan ko siya at tinabihan ng upo.
"Thanks." I said out of nowhere.
"For what?"
"For being there for me whenever I need someone to talk to." Hindi niya sinagot ang sinabi ko. Lumipas ang ilang sandali ay nagsalita siya.
"You should go home, baka magkasakit ka."
"Sumama ka na lang sa bahay ko, di ako sanay na walang kasama at tiyaka wala yung mga katulong namin. Nasa bakasyon kasama ang mga pamilya nila. Mag-isa lang ako ngayon." Ilang sandali muna siyang nag-isip bago magdesisyon.
"Fine, ngayon lang ah?"
"Pwede rin sa susunod." I said while grinning at her. Haha! Her face is priceless!
---
BINABASA MO ANG
Memories of You
Truyện NgắnA normal Boy who loves a transient Girl. TAG-LISH Fantasy/Short story/Romance THIS BOOK IS RATED PG Date Started: August 13,2017 Completed : April 24, 2018 Authors: -Pia_nicxx -mizzle_mist unedited.