~~~
"Hi Junpei! Busy ka ba?"
"Hello.. busy? Siguro.. este, hindi naman. Ikaw ba? Ayy, bakit pala?"
"Hindi rin. May baon kasi akong sandwich ngayon. Gusto mo share tayo?"
"(Kinilig ako dahil 'di ko inaasahang yayayain ako ng crush ng bayan para kumain ng baon niya at FYI, kaming dalawa lang!) Uhmm.. Okay lang ba, Bianca? Parang nakakahiya naman. Hehe."
"Oo naman no.. oh eto oh, hati na tayo. :)"
"Salamat.. Wow! Ang sarap!"
"Talaga? Si Mama gumawa niyan e. Hmm.. Ikaw talaga Junpei, may naiwan pang mayonnaise sa bibig mo.. Oh, 'wag ka malikot. (Pinunasan niya 'yon gamit ang daliri niya, sabay sipsip nito at ngumiti)"
"(Nataranta ako ginawa ni Bianca kaya napatayo ako) Uhmm.. salamat nga pala dito Bianca ah? (Gusto ko nang umalis sa kaba!)"
"Oh? Bakit? Aalis ka? Akala ko di ka busy? :("
"Akala ko rin e.. may praktis nga pala kami ngayon sa Badminton. Malapit na kasi yung laban namin e."
"Ahh.. ganon ba, sige masaya nakong malamang nasarapan ka dito. (Si Bianca talaga ang gumawa nang sandwich na 'yon) Uhmm.. Galingan mo sa praktis ah? At good luck sa laban niyo. I know mananalo kayo. :)"
"Sorry Bianca.. Oo mananalo kami! Salamat ulit. Sige, alis nako. Ingat ka. (Waley..)"
~~~
EPISODE 1.
Marami akong kilala at marami din akong hindi kilala, na ang gustong love story ng buhay nila ay mala-Cinderella. Yung tipong mala-Fairy tale ang tema na umabot na hanggang Social Media! Kaya minsan parang naniniwala na akong totoo ang fairy tale.
One day, habang naglalakad pauwi galing school nabangga ako nang isang girl.. so tinanong ko kung okay lang siya, but then, suddenly the music "Especially for you" plays.. she hugged me tightly and when we're so close that time, I feel like kissing her is not prohibited. Nung hahalikan ko na siya, biglang may kumalabog! Araaaaaay!!! Nahulog na pala ako sa kama. Awkward.. masayang isipin na mangyari sa atin ang love story ng mga sikat na Fairy tale sa sine at telibisyon, pero hindi lahat ganito ang nararanasan..
Chick Boy.
Madalas akong tuksuhin noong bata pa ako ng mga kalaro ko na bading dahil sa sobrang dami kong kalarong girls. Halos 80% ata nang kalaro ko ay babae. At lalong lumakas ang kutob nila dahil sa paglalaro ko ng Chinese Garter, Paper Doll, and Ten-Twenty (seriously, kung alam niyo pa yung larong yan).. Pero I tell you the truth, hindi ako bading, beki, or ano mang tawag nila dun. Nagkataon lang na 'yon ang usong laro sa panahong iyon. Ang laro kase nung araw ay SEASONAL. Yung tipong kapag nauso ang larong Chinese Garter, lahat ng bata sa barangay namen ay yun ang nilalaro. Kahit saang sulok man yan, iskinita, tapat ng bahay, loob ng bahay o sa mismong kalsada. Eh anong magagawa ko diba? Uso e! Di pa kase uso ang COMPUTER SHOP dati kung saan kahit nakaupo ka lang eh mag e-enjoy ka. Actually, di ko nalang sila pinapansin sa pinagsasabi nila. Basta nag eenjoy ako, ok na sakin 'yon.
BINABASA MO ANG
Aioonas TORPE
Humor"Aioonas" a greek word that means "Forever". So the title simply means, Forever Torpe. We all need true love. No one wish to have a miserable love story, but life always gives us reasons to experience something that is out of our comfort zone. The g...