Chapter Three

5 1 0
                                    

JADE AIAH'S POV

"A! Where are you going!"sigaw ko ng bigla nalang siyang lumabas ng room, Pero hindi niya ako pinansin.

Nagulat nalang kaming lahat ng biglang isara ni anne ang pinto ng sobrang lakas, napatayo pa kami nila charm at joy. At walang sabi sabi din na lumabas kami ng room at sinundan si anne kung saan man pupunta.

Kanina pang umaga namin sya napapansin na naka tulala. Nag-aalala na kami sa kanya kasi hindi naman siya ganon, nagsimula lang to nung nag break sila ng boyfriend niya, ay Ex pala. Lagi syang lutang, makikita mo nalang siya na umiiyak na lang, madalas cold treatment na din ang pinaparamdam nya, o di kaya naman ipapakita niyang wala siyang paki-elam sayo o sa lahat ng bagay, naging madalang din sya sa mga hobby nya, na hindi naman siya ganon dati. At higit sa lahat naging mas sarkastik pa siya lalo. Hindi na siya yong kilala namin na kaonting joke, hagalpak kung makatawa. Laging may oras sa lahat.

Sinundan namin siya ng sinundan hangang sa makarating siya sa likod ng school, and dating school garden. Na mini school garden na lang ngayon, hindi pinatangal yon ni daddy kasi may mga studyante pa rin na pumupunta doon, mga studyanteng gusto ng tahimik na lugar para magbasa at magreview.

Nakita namin si anne sa ilalim ng isa sa mga puno ng acacia na nandoon. Naka upo at naka yuko sa mga tuhod nya. Gumagalaw ang mga balikat nya, sinyales na umiiyak siya.

"A" tawag ko sa kanya pero hindi niya kami pinansin. Lumapit kami sakanya.

"A? why are you crying?" Tanong ni joy

"Is it about you and him again?" Sunod na tanong ni charm. Pero hindi din siya sinagot nito. Umupo sya sa harap ni anne, si joy naman sa left side at ako sa right side nya.

"A, tama na. Wag ka ng umiyak. Please" pagpapatahan ni joy kay anne habang hawak nito ang likod ni anne

"Please stop crying. Tama na anne. Kung mahal ka nya babalik sya pero sa ngayon wag mo na muna syang isipin" mahinahon na sabi ko. bigla siyang nag angat ng tingin sa amin. Nakita namin kung gaano na ka-mugto ang mga mata nya. Madaling mamaga ang mga mata ni anne lalo na pag umiiyak.

"Sabi naman kasi namin sayo, Don't trust too much. Don't love too much. Don't hope too much. Because that too much can hurt you so much." Sabi ni charm

"Listen to this" inilabas ni joy ang ipod nya sa bulsa ng coat nya at nilagay ang earpods sa tenga ni anne. Nagplay sya na ng kanta don at pinaka kita nya sa'amin ni charm kung anong kanta yon.

*Now Playing: Cool Off by: Session Road

"Ayoko na muna'ng makita ka. Ayoko na muna'ng makasama ka, gusto ko sanang mapag-isa. di na yata tayo masaya, di na yata kakayanin pa, gusto ko na munang mapag isa"

Nong marinig nya yung kanta bigla nalang syang umiyak ng umiyak mas malakas ang pag-hikbi nya ngayon kaysa kanina.

"Siguro ito na nga, intindihin mo na, kailangan lang natin ng pahinga, palayain ang isa't-isa, kung tayo, tayo talaga. Palayain ang isa't-isa kung tayo, tayo talaga."

Nang matapos ang Chorus tinangal nya ang earpods at tumitig sa'amin.

"S-sa tingin nyo sa 3 years namin m-may nagawa ba akong mali sa relasyon namin? Nag kulang ba ako sa pagmamahal ko sakanya para g-gawin nya yon. Bakit sa lahat ng magkaka-relasyon kami pa, yong saamin pa ang napili para matapos agad" tanong sa amin ni anne, nagkatinginan kaming tatlo, gamit ang mga mata namin nagtuturuan kami kung sino sa amin ang sasagot sa tanong ni anne.

"Hindi ka nagkulang anne. Mas lalong wala kang ginawang mali sa relasyon nyo. Baka sadyang hindi lang talaga kayo ang para sa isa't-isa kaya naghiwalay kayo" wala akong nagawa kaya ako na ang sumagot

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon