Breakeven - Part 1

11 2 0
                                    



Pumunta ako sa CEU para mag-enrol sa 1st sem ng Master of Business Administration, pauwi na ko nang biglang umulan kaya madali kong binuksan ang aking payong. Mahirap maging estudyante sa totoo lang. Lahat, gagawin mo para makapagtapos ka ng pag-aaral para makatulong sa pamilya.

Pag bukas ko ng pinto ng bahay. I saw my mother crying. My two little brothers were scared.

"Ma? Bakit ka umiiyak?"

She's speechless. Tinanong ko sa kapatid ko kung anong nangyare.

My 12 years old brother Jimjim said while crying, "Kuya, si Papa, sumama siya sa iba niya, ngayon nya lang sinabi na matagal na pala nya nobya yung katrabaho nya sa call center".

Biglang nagsalita si mami, "Pano na tayo ngayon? Sinong magpapaaral sa inyong magkakapatid?".

Biglang pumatak ang mga luha ko sabay sabay, tinatanong ko sa sarili ko.

Pano na yan? Pano pa tayo mabubuhay kung wala tayong pantustos sa mga pangangailangan? Miss ko na si Papa.

----------------------------------------

So, Papasok na ko sa school. Sasakay na ko ng jeep. May nakasalubong ako na magandang babae. Napansin ko ang uniform nya. Same school din pala kami.

And i ask her. "Hi Miss? Ano pangalan mo?"

She said. "Hi! I'm Jean Claudine Montes, ikaw? Anong pangalan mo? Same school pala tayo."

"Ako nga pala si Roberto Tuazon, you can call me Bert for short. Tara sabay na tayo."

Pumayag siya. Sa kabilang department pala ang klase niya. Sayang! Di pa kami magkasama sa isang department.

The bell rang, recess na. Nakasalubong ko si Jean na para bang tulala na ko sa kanya. Sa sobrang tulala ko, nahulog ang aking cellphone na regalo pa naman sakin ng Papa ko. Basag ang screen ng cellphone ko.

"Hala? Kaasar naman! Bigay pa naman sakin to ni Papa nung birthday ko. Pano na yan? Wala pa akong pera pampagawa ng cellphone ko? Wala na si Papa na pwede kong hingan ng pera. Pano ko matetext si Mama? Ano ba yan!"

Kinuha ko ang cellphone ko sa sahig. Pagtayo ko. Biglang lumitaw si Jean.

"Sabi ni Jean, "Tara! Sabay na tayo kumain."

Pagkaupo namin sa mesa, biglang tumabi ang kaklase ni Jean na si Marice.

Bumati si Marice, "Hi! Gusto ko sana kayong imbitahan sa Cellgroup namin sa tuesday."

"Miss, pasensya na, di kasi ako sumasama sa mga ganyang samahan.".

Tinanong ko si Jean kung sasama siya, "Jean, ikaw? Sasama ka?".

"Di muna siguro. Marami pa kasi akong gagawin eh. May mga studies ako, aasikasuhin ko pa yung maliit na tindahan namin."

Sinabi ko, "Ahh, ganun ba"

Napansin ni Jean yung hawak hawak ko na cellphone na basag. Nagtanong siya sakin.

"Bert, ano nangyare sa cellphone mo?"

I was speechless dahil ang tanga tanga ko nun kaya ayokong sabihin sa kanya, baka pagtawanan niya pa ako.

Bigla niyang sinabi, "Akin na, papagawa ko, para may pangtext ka na at pangtawag sa pamilya mo."

"Wag na, nakakahiya, ako na lang ang magpapagawa nito."

Sumagot siya, "Wag kang magalala, yung tito ko, gumagawa siya ng mga sirang cellphone, computer, at iba pa. Wag mo na bayaran, ako na bahala, tsaka kaibigan mo naman ako eh."

"Kaibigan lang ba ang turing mo sakin?", nasabi ko ng wala sa sarili.

Sumagot siya, "Ha? Hahaha, anong sinasabi mo Bert?"

"Ay wala wala, sabog lang talaga siguro ako ngayong araw. Hahaha."

-----------------------

The next day, may nakasalubong ako na matandang pulubi in the Paco Street. Nanlimos siya ng pera sakin.

"Kuya, konting tulong lang po"

Binigyan ko siya ng barya, binigay ko rin yung kalahati kong baon. Nakakawa kasi eh.
Kawawa naman.

Paguwi ko, sinamahan ko si mami mag-apply ng trabaho sa Manpower para meron kami pangtustos sa mga gastusin. Kuryente,tubig,upa ng bahay, pang-tuition, marami pa. Pero hindi natanggap si mami dahil hindi siya pasado sa interbyu. Kaya nagdesisyon ako sa sarili ko na maging working student para may pantustos man lang sa aking pamilya.

Nung sumunod na araw, sabado, pumunta ko sa isang mall malapit samin para kumuha ng part time job, habang nakapila, minamasdan ko ang mga tao na para bang hindi mo sila pwedeng guluhin dahil busyng busy sila. Ayun, ako na ang sumunod. Habang iniinterbyu, ang paghinga ko, para bang naghihingalo na, inhale, exhale. Iniisip ko talaga ng mabuti yung mga tanong dahil nakasalalay dito yung pamilya ko. Hays, sa wakas, tapos na din. Nakahinga na ko ng maluwag. Lahat ng problema ko nilabas ko sa hinga ko. Sa lunes na ang pasok ko sa trabaho.

Buti naman at may natira pa kong pera bukod sa aking pamasahe para maibili ko ang dalawa kong kapatid at ang aking nanay ng pagkain. Bumili muna ako sa grocery store ng mga pangagailangan nila para sa susunod na linggo, may natitira pa naman sa bahay na mga pagkain.

----------------------

Ngayong lunes, sa umaga, aral, sa gabi, trabaho. Pero masaya naman ako sa ginagawa ko.
Masaya ako na may natutulungan akong iba.

Papasok na uli ako school. Yesss! Makikita ko na ulit si Jean!

Pero parang wala siya. Hinanap ko na siya sa buong campus. Wala parin siya. Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tubig dahil pagod na pagod na ako. Bigla ko napansin si Marice yung kaklase ni Jean, malungkot siya, sinubukan kong magtanong sa kanya baka alam nya kung nasaan si Jean.

"Marice, nasaan si Jean?"

Nagsalita siya, "Absent siya ngayon, naaksidente daw yung sinasakyan niyang bus."

Nagulat ako, "Ha!? Nasaan siyang hospital?"

"Sa QC Med Center daw."

Naisipan kong magsabay na kami ni Marice na magpunta dahil malapit na naman ang uwian.

Nakita ko si Jean na puro benda yung katawan, kasama ng nanay niya. Wala pang malay si Jean pero yung nanay niya meron na. Nalungkot ako ng nakita siya. Umiyak ako dahil baka mawala na siya sa akin.

Nagsalita si Marice, "Sa Diyos tayo humingi ng lakas, sa kanya tayo magkaroon ng pag-asa. Dahil hindi niya tayo pababayaan."

"Siguro nga tama ka, totoong mayroong Diyos na nagbibigay lakas. Pwede ba tayong magdasal?"

At nagdasal kami at umawit at nagpuri sa Diyos. Biglang nagkamalay si Jean, laking tuwa ko nang nakita ko siya na nagkamalay. Totoo nga ang Diyos, basta tayo ay magpuri sa kanya.

Pagkatapos na lumabas si Jean at ang kanyang nanay sa hospital, lagi na kaming dumadalo sa mga church service nila Marice. Lagi rin akong nagdadasal araw-araw. Nakita ko na totoo ang Diyos na nagbibigay lakas.

The end of the Part 1

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Breakeven (A Short Story)Where stories live. Discover now