Zack Pov's
Pauwi na kami ngayon matapos naming makilala sila Christine.
Grabe,di ko makalimutan yung maamo niyang mukha.Tsk.
Oo nga pala,may napulot ako kanina na bracelet.Siguro isa dun kila Christine ang nagmamay-ari nun.
Sasauli ko nalang sa kanila kung may pagkakataon na magkita.
***
Nandito na kami sa bahay namen.Nakausap ko si Ate at di daw kami tuloy sa lakad namen.Kaya yung mga magagagaling kong tropa eh tumambay sa bahay."Tol,ang ganda nung Ella no?"tanong ni JP.
"Lah,mas maganda kaya si Lisa"sagot naman ni Paul.
"Hindi kaya,mas maganda kaya si Zaira"sabat naman ni Angelo.
"Psh!manahimik nga kayo!lahat sila maganda!"singhal ni Jairo.
"Oo nga,nag-aaway pa kayo.Tss"sabi naman ni Karl.
"Hindi sang-ayon si Zack eh"sabi ni JP kaya napatingin ako sa kanya.
"Huh?bat naman?"takang tanong ni Michael.
"Kase nga pinaka maganda daw si Christine sa lahat"nanunuksong sagot ni JP.
Tsh.Ako nanaman trip ng mga to eh.
Nakikinig na nga lang ako dito eh nadamay pa-_-
"Ayyiipp pre.Ang ganda nga ni Christine eh.Siguro kung wala si Lisa baka niligawan ko na si Christine"dagdag pa ni Paul.
"Oo nga napatulala nga ako sa kanya kanina eh."sabat naman ni Angelo.
"Hoy!manahimik nga kayo.Kay Zack lang si Christine"sabi ni Karl sabay siko sakin
"Tsh!whatever."sagot ko sa kanila.
"Ay ang sunget"natatawang sabi ni Michael.
"Eh kasi nga pinifeel nya parin hanggang ngayon yun kilig"pang-aasar naman ni JP.
"Manahimik nga kayo mga ugok!"singhal ko sa kanila.
Tinawanan pako ng mga kupal.Tss.Kaurat eh kung pwede ko lang ihagis palabas to ng bahay namen eh ginawa ko na.Tsh.
"Booyys!let's eat na"sigaw ni Mommy mula sa kitchen.
"Yown,sakto gutom na ako"sagot ni Karl na hinihimas-himas pa ang tiyan.
"Psh!lagi ka namang guton eh"asar ni Angelo sa kanya.
"Shut up!"sigaw niya dito.
Nagtawanan na kami.Pero totoo yun,sa aming magtotropa si Karl ang pinaka matakaw.
Tumayo na kami at naglakad papunta sa kitchen.
"Oh,sit down na"sabi ni Mommy sa kanila.
Nagsi-upuan naman sila.
"Oh tikman niyo 'tong bago kong recipe.Hope you like it"nakangiting inabot ni Mommy samin yung isang may kalakihang plate na may lamang chicken breast na may puting sauce.Tas ang ganda ng pagkakaplating.
"Ahmm tita,what do you call it po?"tanong ni Jairo habang kumukuha ng bagong recipe ni Mommy.
"Ah,ano..wala pa nga kong maisip eh hahaha"sagot ni Mommy sa kanya.
"Sa tingin niyo ano pwede kong ipangalan sa recipe kong iyan?"tanong ni mommy sa kanila.
Nagkatinginan kami at tila nag-iisip ang bawat isa.
"Ahm kung chicken with white sauce nalang kaya tita?"Paul suggested.
"Oo nga ano?bagay sa itsura nito"sang-ayon ni mommy.
Sumang-ayon nalang kami para makapagsimula nang kumain dahil nagugutom na din kami.
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapag-kainan dahil sa mga baliw kong kaibigan.
Nakwento din nila kay Mommy ang tungkol dun sa mga babaeng nakilala namin kanina.
Natapos na kaming kumain bumalik kami sa sala upang makapagpahingan.
Napansin kong pangiti-ngiti si Angelo habang nagtatype sa phone niya.
Tsk,may chicks na ka text yan.
Zaira Pov's
Hihihihi,nakakainis naman 'tong si Angelo eh.Masyado siyang cheesy katext.Ayie<3
Di ko mapigilan ang mapangiti dahil sa kilig hehehe.Enebe!
*Text conversation*
Angelo:Hey Zaira,musta?
Me:Hi Angelo,okay lang naman.How about you?
Angelo:Im fine,thank you :)
Me:How's your day?
Angelo:My day was so beautiful because of you;)
Me:Hahaha bolero!
Angelo:totoo naman eh.
Me:oo nalang.hehehe
Tsk!diba guys?napaka cheesy niya.
"Hoy!anong iningingiti-ngiti mo dyan?"biglang sabi ni Ella mula sa likuran ko.
"Tsk!ano ba,bat kailangan mo pang mang-gulat?"singhal ko sa kanya.
"Psh!bakit nga kasi pangiti-ngiti ka dyan ha?May katext ka sigurong boylet no?ayiiee."nanunuksong sabi ni Ella sakin.
"Aish,ano naman ngayon?"tanong ko.
"Eehhh!Sino yan ha?isa ba yan dun sa mga nakilala natin kaninang mga handsome guys?"kinikilig na tanong niya.
"Pano kung sabihin kong oo?"nakangising sagot ko.
"Weh?di nga?"di makapaniwalang tanong niya.
Tinanguan ko lang siya biglang sagot.Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.Psh!ang OA-_-
"Haalaaaa!ang daya mo kaya pala kanina di ka affected!"sigaw niya saken.
Napatingin naman ang lahat sa amin.Grr!ang ingay kasi eh.
Christine Pov's
Kanina pa ako nagkakalkal ng bag ko.Pero di ko parin ito makita.
Sa pagkakatanda ko,alam kong suot ko kanina iyon eh.Tss nasaan na kaya iyon?Tsh!alam kong di niyo rin alam.
"Psst Mika!may nakita ka bang bracelet?"tanong kay Mika.
"Wala eh,bakit?"tanong niya.
"Ah kasi ano..nawawala eh"sagot ko.
"tss pabaya kasi eh,sige hanapin mo lang dyan baka nahulog lang"utos niya saken.
Tsh!di man lang ako tulungan maghanap hmp!kakaurat na.Pag ako nabanas...wala lang hehehe.
"Oy tin-tin anong hinahanap mo?"tanong sakin ni Julia sa kusina.
"Nawawala kasi yung bracelet ko eh,pag may nakita kang bracelet bigay o sabihin mo agad sakin ha?"pagmamakaawa ko sa kanya.
Importante kasi talaga yun sa akin eh.
"Ahh okay sige.Gusto mo tulungan na kitang maghanap?"tanong niya sakin bago uminom ng tubig.
"Ah hindi,okay lang.Basta kapag may nakita ka sabihin mo nalang sakin"nakangiting tanggi ko sa kanya.
Pag nagpatulong pa kasi ako dyan mauurat lang ako.Madaming sermon ang sasabihin niyan eh,kesyo pabaya daw ako blah blah.
BINABASA MO ANG
The Secret Gang of Ladies
Non-FictionKapag napasabi kitang 'MAHAL KITA' akin ka na ;)