Chapter 6

16 2 0
                                    

"alam mo crush kita ay Hindi gustong gusto na kita umpisa pa lang"seryoso siya at malamlam ang kanyang mga matang nakatitig sakin

"A--rick joke ba yan?  He-he-he"Biro ko pa

"Seryoso ako Ivy I like you... A lot "seryosong sabi niya

Natulala na lang ako sa kagwapuhan niya .nagwawala na yung puso ko sa sobrang saya at kilig .di ko Alam kung pano ako mgrereact sa Adonis na pinapangarap ko shit! ....

"Tara na baka gabihin ka"sabay pisil sa aking ilong

"Sige una na ako sayo rick"pero bago pa ako makatayo. Hinawakan niya yung kamay ko

"Ok lang bang ihatid kita? "OMG sino ba naman ako para tumanggi

"A ok lang naman pero wala ka bang ibang gagwin? Baka maabala kita"pakipot ang lola niyo

"Wala naman, Tara na "

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot bigla niyang hinawakan yung kamay ko "can I ask you a question? sana wag kang magalit? "

"Haha bakit naman ako magagalit ano ba yun? "Kinakabahang tanong ko susme! Ang puso ko

"Ivy do you like me too? "seryosong tanong niya

Ano aminan na ba Ito?  Ok lang kaya kung magkaprangka ako sa kanya?  Di ba pangit tingnan kung magpapakatotoo ako sa nararamdaman ko? Aamin na ba ako?  Bahala na nga..

"Ahm rick matagal na kitang crush... Oo gusto din kita"nakayukong sabi ko

Hinawakan niya ang aking baba para maiangat ang aking paningin. "Your cute...thank you ivy..."hinalikan niya ang aking noo

Nasira lang ang aming sweet moments nang may dumaang halimaw

"Ewwww too sweet nakakaumay!"iiling iling na sabi ni. Mark habang naglalakad palayo...

Talaga tong halimaw na to nasisira mood ko e nakakahigh blood!  Laging wrong timing. pinaikot ko ang Mata ko sa inis

"Tara na "inalalayan niya akong makapasok sa kanyang sasakyan na elantra na kulay puti.. Ang gentleman talaga ayiieeee"kapag ako ang kasama mo... Please sakin lang any atensyon mo "seryosong sabi niya ..deretsyo lang ang tingin niya

Di ko alam kung ano irereact ko kaya tumahimik na lang ako ..parang may mga kabayong naguunahan sa pagtakbo sa puso ko grave di ako makahinga sa kilig.. Nafeel mo na ba yung gustong gusto mo nang tumili pero nakakahiya waaah ngumiti na lang ako ng pagkatamis tamis :))))))

Tahimik kami sa buong byahe ..kapag talaga kasama mo yung taong gustong gusto mo nacoconcious ka na lang bigla.. Buti malapit na kami samin nakapatay pa ang ilaw sa loob kaya't alam kong wala sina mama

"Rick dito na lang salamat a"ngiting ngiting sabi ko... Akmang baba siya nang pigilan ko siya

"Rick wag na ako na ingat ka sa paguwi"nahihiya akong yayain siya sa loob kasi wala naman Tao. baka tumalon na yung puso ko sa kaba

"Thank you ivy... take care"

Ngumiti ako pababa na ako "bye rick"

"Bye ivy"

Sinarado ko na yung pinto ng sasakyan niya .. Pagkapasok ko sa gate Nagderetsyo na no sa harap ng pinto tinanaw ko ulit siya habang papalayo...  Grabe nanaginip ba ako? Kinikilig ako emeged...lande Ivy kalma...

Papasok na sana ako ng biglang may paalis na humaharurot na motor... Nagkibit balikat na lang ako dahil gusto ko nang magpahinga at maganda ang araw ko ngayon dahil Kay Ricky baby muaaah yiiieee lande talaga Ivy!

*******


Mabilis lumipas ang araw at masasabi Kong lalo kaming nagiging close ni rick at salamat naman at di na umeeksena si mark panira e kakainis talaga!  Hmmm basta kami ni rick ngkakatx na kami ngiimiss you na siya .hinahatid sundo na Niya ko pero sa may kanto lang dahil nahihiya daw siya sa parents ko.. Pero ano nga ba kami?  Ano bang label namin?  MU? Tamang kalandian? Ayoko din kasi magtanong. Gusto Kong I enjoy kung ano bang meron kami alam kong dadating kami jan .

Maaga nadismiss ang klase ...pauwi na ko pero wala ata si rick ngayon?  Di bale baka busy lang? Miss ko na siya..
Agad agad ivy?  Lagi naman kami ngkikita pero bakit ganun parang miss ko pa din siya ?normal pa ba to..napapangiti ako sa kilig na isiping close na talaga kami ...

"O ano te love life nanaman bang iniisip mo?  Ganda ng pangarap natin a"si yen na panira talaga

"Oo nga you look like a tanga . you smiling?  E magisa ka lang baliw lang?" Si Erica na nakataas na ang kilay sakin at ang tinging nagsasabi what's-with-you look

"Kasi in love na ata ako at Alam kong parehas kami ng nararamdaman! Ni rick! "Ngiting ngiting sabi ko sa kanila

"Does he know na mahal ka niya huh?  Nililigawan kaba ng rick na yan ? Para magconclude na mahal ka din niya? Seryoso ba siya sayo?"Derederetsyong tanong ni yen at pinaikutan pa talaga ako ng mata sungit talaga

"Oo nga ivy is he even courting you? "Nakakashungang English ni Erica

"Erica pwede magtagalog wag kang masyadong trying hard! "Inis na sabi ni yen

"Pake mo? "Tinawanan lang siya ni Erica

"Gusto niya ako kasi sinabi niya yun sakin ano ba kayo"nahihiyang sabi ko

"Di mo pa din sinasagot tanong namin ivy sinabi ba niyang liligawan ka niya? "Seryosong tanong ni yen.. Parehas na silang nakatitig sakin at iiling-iling

"Hindi Niya sinabi pero ramdam ko naman? "Pilit kong pinapasigla and boses ko upang maitago ang aking lungkot at kaba...

"Bilang best friend mo ayaw naming masaktan ka at makita kang umaasa kaya sana bago ka mainlove alamin mo muna kung mahal ka ba talaga. dahil maraming namamatay sa MALING UNAWAAN" mahabang sabi ni yen na seryosong nakatitig sa aking mga mata

"Di ko na alam basta sa ngayon masaya ako kung ano mang meron kami ngayon"

"Tigas ng ulo girl!  Yaan mo na yan yen matatauhan din yan. basta ngadvice kami a"pilit pinapasigla ni Erica ang boses niya

"Tss bahala ka"iritadong sabi ni yen

Nakauwi na ako sa bahay malalim pa rin ang iniisip ko wala nanaman sina mama....

Alam kong mahal niya ko dahil sinabi niyang gusto niya ko alam ko kasi nararamdaman ko ...hindi naman  siya sinungaling .panghahawakan ko na lang na gusto niya ko... Mahirap mang aminin pero di naman masamang umasang mahal niya din ako....

..............

Mga kapatid!  Comment naman kayo Jan please :) salamat sa pagbabasa pasensya na matagal ang update busy lang po sana nagenjoy.  please vote and comment  :)
Pagagandahin ko po ang story sa abot ng aking makakaya....

                    -----Denella-----







Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon