Chapter 24

204 6 1
                                    

Author's

•Hi po sa mga nag-babasa. After you read per-chapter please vote and comment. Sorry po sa mga error typo/ wrong grammar.
•Pa-follow rin po at pa-like ng page ko sa facebook.

https://www.facebook.com/BLACKNIKXX/

Thank You. :)

-----------------------------------------------------------

Napaungol ako ng maramdaman kong may mabigat sa katawan ko. Pilit ko itong itulak pero ang bigat e, kaya napilitan akong imulat ang aking mata. Bumungad saakin ang mala-anghel na mukha  ni Cyrus kaya naman nagtama  ang paningin namin. Nakita ko pa itong napailing.

"Bakit?" mahina kong sabi.

Nahihirapan parin akong imulat ang aking mata dahil sa kakaiyak. Siguro nakatulog  rin ako sa pagyakap kay Cyrus. Dahil nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Na kanina'y nasa baba lang kaming dalawa.

"Yan sa kakaiyak mo kanina, tuloy mas maliit na ang mata mo saakin." halakhak niya.

Napangiti na lang ako and I realize, masyado pala akong madrama kanina. Pero di parin maalis saakin ang takot at kaba.

Baka kasi mamaya pag gising ko o isang iglap bigla na lang mawawala si Cyrus sa tabi. Sana naman huwag mangyare yun.

"Mahal, please promise me, that you always be here in my side. Mangako ka, dahil nababalot ako ngayon ng takot na baka bigla ka na lang mawawala saakin." naiiyak kong sabi.

Mahigpit ako nitong niyakap at naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.

"Yes, I promise. As long as I live, I'll always be there by your side." bulong niya saakin.

Ginantihan ko na rin ito ng yakap, matapos niyang sabihin iyon at narinig ko pa talagang humalakhak ito.

Nakakainsulto man kasi parang pinagtritripan niya na naman ako. Nagawa ko pang halikan ito sa pisngi.

"Masyado ka kasing madrama.  Halikana sa baba, dahil mamayang 8:30 may pupuntaha tayo." ngiti niya.

Napataas ako ng kilay sakanya.

"Saan?"

"Basta." tanging sagot niya.

Nang tumayo ito nagawa niya pa akong hilain. Kaya naman tuluyang nagising ang inaatok kong mata at tinatamad kong katawan ng tumama ito sa dibdib niya.

"Mag-ingat ka naman. Ang sakit ng ulo ko e."

"ok, sorry na." sambit nito at nagawa niya pa akong halikan sa noo.

Hinawakan ako nito mula saaking tagiliran at bumaba nga kami.

Hindi ko nga rin alam sa isang to. Di man lang magawa umuwi sa Condo niya. Kung pupunta man siya, babalik rin naman dito.

Di na rin kasi bumabalik si manang lordes dito. Bakit kaya?

"Cyrus, di ka ba nanghihinayang  sa Condo Unit na binili mo."

Kumunot ang noo niyang napabaling saakin at nagawa niya pa akong taasan ng kilay.

"What do you mean?"

"Kasi naman e.,. Binayaran mo kaya yun ng malaking halaga tapos hindi ka naman doon tumutuloy. Kundi dito, maliban na lang kung may nakatira doon. Maliban sayo?" patanong kong sabi sa huli.

Hindi ito sumagot, kundi binigyan niya lang ako nito ng gatas at bread.

Yan kadalasan ang ginagawa ni Cyrus, the reason kung bakit hindi ko maiwasang pagdudahan siya. Tuwing binibigkas ko ang tungkol sa Condo na yun, gagawa siya ng ibang topic o di kaya hindi siya iimik.

Sino naman kaya ang hindi pagdudahan siya.

"Basta, Trust me mahal. Huwag mong palawakin ang iniisip mo at iwasan mong gamitin sa masama ang imahinasyon mo."  sagot niya.

Wow... Huh? Siguro matalino to nung nag-aaral siya. Masyadong maloob ang pinanghuhugutan.

Napailing na lang ako sakanya at ininom ang gatas na binigay niya saakin.


Muli akong napabaling sa salamin habang inaayusan ako ni Carlo sa buhok. Kasi naman pag-katapos kong inumin ang gatas at kinain ang bread kanina. Bigla na lang nag paalam saakin si Cyrus, at sinabi nitong may importante lang daw siyang aasikasuhin.

Tapos di ko naman akalain at bigla na namang sumulpot na parang kabute itong si Carlo. At himala at nagawa ako nitong dalawin ngayon.

Kaya ayun, naalala ko ang sinabi ni Cyrus kanina. Na may pupuntahan kami. Kaya naman nagawa ko ng magpaayos kay Carlo. Siya na rin mismo ang pumili ng damit na sosootin ko.

Natawa nga ako sa sarili ko this time. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Tapos nag papaayos ako kay Carlo na parang party naman ang pupuntahan ko. Mamaya sa lamay pala o dikaya jan lang sa labas.

Asan na ba kasi ang isang yun? Kanina pang wala.

"Oh, ayan perfect." sabay palakpak na sambit ni Carlo matapos niya akong ayusan.

Muli akong napatingin sa salamin. Ok, alam ko namang maganda ako e. Hahaha. Gaya  ng sabi ko at ni mommy I'm proud to be me.

Sa kakatingin ko sa salamin hindi ko inaasahan ang sumunod na mangyare. Bigla na lang kasing nawalan ng ilaw kaya napaupo ako.

"Carlo, where are you?" sigaw kong sabi.

Pero wala man lang akong narinig na tugon niya.

"Carlo, pinagloloko mo ba ako ha? Kasi kung oo, please tama na. Alam mo namang takot ako sa dilim baklita ka." pasigaw ko at mahigpit akong napahawak sa damit ko.

Pero wala parin., What the?

"Hoy ano ba bitiwan mo nga ako." sigaw ko.

Halos mahulog ako dahil bigla na lang may bumuhat saakin. Hindi ko man nakikita kung anong posisyon ang pagbuhat nito saakin. Pero alam kong binuhat ako nito na parang bigas.

"Carlo, asan ka. Tulungan mo ako" muli kong sigaw.

Pero walang hiya... Ang baklang yun.

Bigla na lang akong binagsak ng bumuhat saakin. At ngayon natalian na pala ako sa aking mata at mga kamay ko.

"Sino ba kayo ha?" sigaw ko.

Kahit diko naman talaga alam kung marami sila o iisa lang.

Nako, si Cyrus. Kasalanan niya to e iniwan niya ako. Tapos asan na ba si Carlo. Baka naman pinatay na yung baklang yun.

Hindi ko tuloy  mapigilang humikbi at tuluyan ng humagulgol.

"Nak-"

"Shut up"

Rinig ko pang bulunga ng mga ito.

Tsk. Di ko man lang marecognize ang mga boses nila. Dahil sa pabulong lang sila nagsasalita.

"Sino ba kayo huh? Ano bang kailangan niyo?" sigaw ko.

At talagang nagpumiglas pa ako. Pinagtatadyak ko ang paa ko.

Sa hindi inaasahan may narinig  akong umimpit sa ungol dahil alam kong iba ang tinamaan ko.

"Sorry." tanging nasabi ko.

Pero wait bakit nga ba ako nag-sorry. Hello, Cass nasa panganib ka. Dapat lang yung ginawa ko. Huwag mo muna pairalin ang kabaitan mo.

Nagpatuloy akong nagpumiglas hanggang sa nakaramdam ako ng pagod. Wala rin palang kwenta yung ginawa kong pagpumiglas dahil pinagod ko lang ang sarili ko.

Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan to. At muli na naman akong binuhat.

Nako? Asan na ba ako.  Ano kayong lugar to.

"Hoy, sino ba kayo? Anong kailangan niyo saakin ha?"  patuloy parin ako sa pagalaw.

"Pwe-"

"Shut up"

Ano ba yan paulit-ulit ko na lang naririnig yang matigas na English niyang Shut-up. Sino kaya to.

Tinanggal ang tali ng kamay ko at pinaupo. Sa isang bakal na upuan, Saan kaya ako. Matigas e, kaya ang alam ko bakal tong inuupuan ko.

"Hi"

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon