Nagda-drive ako ngayon pauwi sa bahay namin. Paguwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto.nagshower muna ko saglit, 6:30pm na kaya kakain muna ko kasi kanina pa ko nagugutom"Yaya?!"yaman namin diba may katulong pa sa bahay,syempre laging busy sila mama at papa at ako naman ay laging naalis.
"Yes ma'am?" Tanong ni yaya mel pagpasok niya sa kwarto "Ano pong hapunan ngayon? Di pa kase ko nakakakain" sagot ko sa kanya dahil mabait ako
"Fried chicken,lasagna at carbonara po ma'am,yung favorite niyo po.Inorder ni madam dahil bukas pa daw po sila makakauwi."
Nang malaman ko na 'yon ang hapunan ko ay agad akong ngumiti "ah, salamat po. Bababa nalang ako mamaya" sagot ko dahil may gagawin pa ko
agad na umalis si yaya mel kaya humiga muna 'ko saglit sa kama at binuksan ko ang phone,pagtingin ko ay nagmessage pala si mama na umorder daw siya ng fried chicken,lasagna at carbonara dahil busy sila sa work kaya bukas pa sila makakauwi ng gabi. Kaya agad naman akong nag-reply "ok po ma,salamat!"
Pumunta narin ako sa kusina para kumain kaya agad na inayos ni yaya mel ang lamesa. Teka,sorry guys di ko pa pala napapakilala si yaya mel o melinda Santos, siya ang masipag at mabait naming kasambahay
elementary palang ako siya na lagi ang nagbabantay sakin kapag wala sila mama. Ang pangalan naman ni mama ay Marife Crisostomo at si papa naman ay Jerome Crisostomo.
Balik tayo sa hapunan ko, masayang-masaya ko dahil paborito ko ang hapunan ngayon. "Kain po tayo yaya mel!" Ngiting pag-alok ko sa kanya,"Wag na po ma'am maglilinis pa po 'ko ng bahay."Sagot niya sakin kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain,sayang naman ayaw niya pa,minsan ko na nga lang alukin.
biglang nagsalita si yaya mel "Ay ma'am day off ko nga po pala bukas,uuwi muna ako sa probinsya para bisitahin ang aking pamilya roon." "Ah ganon po ba,ipaalala niyo nalang po bukas kela mama dahil baka nakalimutan nila dahil busy sa work." Sagot ko sa kanya.
Pag tapos kong kumain ay pumunta 'ko ng sala,umupo ako sa aking napakagandang sofa,taray diba!char. Binuksan ko ang t.v para manood,syempre ano bang ginagawa sa t.v diba nanonood,hahaha!.
Nanonood ako ng KDrama Tuwing gabi,Strong Woman ang pinapanood ko ngayon. Kumuha muna pala ako ng chips sa cabinet at milk sa ref.
Lagi akong may stock ng popcorn at gatas sa ref at cabinet sa tuwing manonood ako ng Kdrama.
Kino-connect ko lang ang USB kong punong puno ng Movie sa TV ng sala na 76in. Taray laki,pang-sine. Pero malaki rin sa kwarto ko at sa kwarto nila papa,
55in sa kwarto ko at 65in. naman kela mama at papa.Pagkatapos ko manood ay agad na kong pumunta sa kwarto dahil mga 10 narin ng gabi..
YOU ARE READING
Best Friends to Lovers
RomanceMagandang araw sa lahat! Ako nga pala si Jaine Crisostomo na nakatira sa Divine Homes Subdivision at nagaaral ako ng college ngayon sa Camiroan University,di naman ako mayaman,sadyang pinanganak lang akong cute at maganda, diba san ka pa? Maganda na...