Chapter I : Enchanted Princess

26 7 0
                                    

--

Sandali lang! teka! Wag mo akong iwan!”

“Rain… hihintayin kita… pangako.”

“sandali lang!”

“Rain…”

“pakiusap! Sandali!”

--

Napabalikwas ako ng bangon. Malalim ang pag hinga at tagaktak ang pawis na napatingin ako sa paligid.

Napansin ko ang patuloy na pag patak ng mga luha sa aking mga mata sa hindi ko malamang dahilan.

Nangyari nanaman, ang tangi ko nalang nasabi sa sarili.

Nakaka ilang ulit nadin itong nangyari. Sa tuwing magigising ako tila ba ang sikip sikip ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.

Minsan nga para na akong tanga, kahit gising na ay umiiyak parin ako, Wala namang dahilan, at hindi ko din alam kung bakit.

Pumikit akong muli at sinubukang alalahanin panaginip kong 'yon pero Malabo na lahat ng nakikita ko.

Sumasakit lang ang ulo ko ka iisip. Ang alam ko lang ay siya nanaman ang laman ng aking panaginip, hindi ko siya kilala ni hindi ko nga alam kung bakit lagi ko siyang nakikita at kung bakit sa di malamang dahilan hindi ko talaga magawa pang maalala siya ng maayos sa tuwing babangon ako mula sa mahimbing kong pagtulog.

Basta, pakiramdam ko kailangan ko siyang makita, I'm longing for that person without any particular reason. Pero pakiramdam ko lang siguro yun, hindi naman siguro iyon isang pangitain.

Paano naging pangitain yun eh hindi ko nga maalala. Diba? Pero ba't ganun? Bakit lagi ko siyang nakikita? Ano ba ang meron sa taong 'yon?

Ilang saglit pa'y nagsimula nang tumunog ang alarm na nakalagay sa isang maliit na lamesa sa tabi ng kama, umalingawngaw ang tunog nito sa medyo madilim at maliit kong kwarto.

Pinatay ko ‘to at tumayo mula sa pagkaka upo, napakusot pa sa matang lumapit sa bintana.

Hinawi ko ang kurtinang nakatakip dito at mula roon pumasok ang init ng araw na siyang tumunaw sa kadilimang bumabalot sa buong kwarto.

Mula sa di kalayuang parte ng bayan, matatanaw mo na ang eskwelahan ng UHM, ang lugar kung saan ako mag aaral. Pinag masdan ko ito ng ilang minuto saka napabaling muli sa orasang nakalagay sa lamesa, at bigla kong naalalang kailangan ko nga palang pumasok ng maaga.

Shit—may orientation nga pala kami! Muntik ko nang makalimutan. Nag madali akong bumaba ng kwarto, nag luto, naligo, nag sipilyo, kumain. Halos matisod pa ako habang nagbibihis ng uniporme.

30 minutes nalang yata ang meron ako para makarating ng eskwelahan ng hindi late para sa orientation.

“Nel! Aalis na ako! Nagluto na ako ng pagkain, kumain ka nalang! Yung pinto i-lock mo! Yung pusa pakainin! Yung aso? Ay wala nga pala tayong aso… mauna na ako. Bye!”

Mabilis at malalakas kong sigaw na halos dumagundong sa lahat ng sulok ng bahay. Nakalabas na ako ng bahay at bigla ko nalang narinig na may kung anong bumagsak mula sa kwarto ni Nel.

My Phantasm [Rise of the God of Time]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon