Nagising si Hannah pasado alas dose na ng umaga. Tirik na tirik na ang araw na nakadungaw sa kanyang bintana. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam siya ng konting sakit at pagkahilo.
Dahil siguro ito sa sobrang kalasingan niya kagabi.
Napatigil si Hannah ng maalala niya kung paano ba siya nakauwi ng bahay. Gayu'ng wala na siyang maalala sa mga nangyari kagabi.
Naabutan niyang naghahanda ng hapag ang kanyang Nani ng mapatingin ito sa kanya.
"Oh hija gising ka na pala maupo ka na at kumain, okay lang ba pakiramdam mo? Baka may hang over ka pa inumin mo muna ito." sabay abot sa kanya ng isang basong tubig na may halong gamot.
"Sa susunod wag ka ng magpakalasing ng ganun hija. Paano kung malaman ito ng Papa mo? malalagot tayo. Mabuti na lang at may naghatid sayo paano na lang kung masamang tao na iyon saan ka pupulutin? Alam mo naman sa pana-"
"Nani sino po ang naghatid sa'kin dito?" Tanong niya dito bahagyang napahinto naman ang matanda sa ginagawa at bahagyang napaisip animo'y may inaalala.
"Hindi ko na tanong ang pangalan hija 'eh. Masyado kasi akong abala sa pag aasikaso sayo. At agad din namang umalis." Saad nito na ikinabahala naman ni Hannah.
"Anong mukha niya Nani?"
Tanong ulit nito. Hindi kasi siya mapalagay."Gwapo" tanging sagot ng matanda. Gusto niya sanang matawa ngunit hindi niya na lang ginawa.
Napag-desisyunan niyang hindi na muna pumasok. Dahil sa tinatamad siya at hindi niya rin kayang pumasok dahil sa kalasingan kagabi.
Habang nakahiga sa kama ay pinipilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Ang tanging naaalala niya lang ay iyong umiinom sila ng mga kaibigan ni Kurt.
Bukod doon-
Flashback
Hindi na mabilang ni Hannah kung naka ilang shot na siya. Nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo. Hindi niya pinapansin ang mga kasama niya na abal rin sa kung anong ginagawa nila. Wala siyang pakialam.
Tanging nasa binata lang ang buong atensyon ng niya.
Sa bawat galaw nito ay lalo siyang nahuhumaling dito.
Bahagya siyang nainis nang may lumapit ditong isang morenang babae.
Matangakad ito, sexy at maganda.May binulong ang babae kay Kurt na siyang ikinatawa ng mahina ng binata. Pilit niyang iniintindi ang pinag -uusapan ng dalawa ngunit hindi niya marinig dahil sa ingay at parang nagbubulungan na ito.
Napalagok na lamang siya sa iniinom habang pinapatay na ang babae sa kanyang isip.
Ilang minuto ay tumayo ang dalawa at nagpaalam. Tatayo na sana siya nang matumba siya dahil sa pagkahilo.
Tinanong siya ni Drew kung ayos lang ba ito. Tanging tango na lamang ang nasagot niya.'Nasaan na ba iyon' tanong sa sarili.
Kahit nahihilo ay umalis ito sa table para hanapin ang dalawa. May mga nakakasalubong siyang mga lalaki na handang makipag-sayaw at makipag-kilala sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin dahil sa abala siya sa paghahanap sa dalawa. Medyo pagewang gewang na rin ang lakad niya.
Nasa gilid siya malapit sa restroom at konti lang ang mga tao sa bandang ito at medyo madilim.
May narinig siyang parang may kumalabog sa loob ng isang storage room kahit na kinakabahan siya ay unti unti siya ditong lumapit at unti unti niya itong binuksan.
Nang mabuksan niya ito ay parang may kirot siyang naramdaman sa kanyang nakita.
Dalawang pigura ng tao habang may ginagawang milagro. Pawis na pawis ang dalawa at naghahalikan. Hindi rin nila napansin na may nakatingin sa kanila.
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...