Love Is . 16

332 22 1
                                    

Cha's POV

"So ano na?" Nakakalokong tanong ni Chepot.

"Anong ano na?" Nakatawa kong tanong.

"Wag ka nga diyan ditse! Yang ngiti mo ibang iba eh" sabat naman ni Mel.

"Nagkiss kami" paninimula ko.

"Gosh!" Tyaka sila nagpaluan.

"Nagkaaminan kami" pagpapatuloy ko.

"Tapos?" Excited na tanong ni Chepot.

"Tapos wala" simple kong sagot.

"Anong wala?" Kunot noong tanong ni Mel.

"Ang daming tanong eh" yamot kong sambit tyaka ako uminum sa frap ko.

"Diretsuhin mo na kasi" utos nilang dalawa.

"Wala nga kasi" sagot ko.

"Nagkaaminan? Nagkiss? Tas wala?" Di makapaniwalang sabi ni Mel.

"Ano bang gusto niyong marining?" Tanong ko.

"Nanliligaw na ba? O kayo na?" Kinikilig na tanong ni Chepot.

"Hindi at hindi! Napaka imposible naman ng iniisip niyo" napapailing kong sabi.

"Walang imposible ditse, nainlove ka nga sakanya diba? Sa pagkakaalala ko nun baby lang natin siya kasi bunso pero yung sayo iba, ibang baby na pala" pangaasar ni Mel.

"Puro kayo kalokohan" napapailing kong sabi.

"Totoo naman kasi ditse, kung ikaw nga hindi makapaniwala eh kaya walang imposible" - Chepot.

"Si Cienne" malungkot kong sagot, natahimik naman sila "kapatid ko siya"

"Binale wala niya si Vic" seryosong sabi ni Mel.

"Pero hindi parin tama to" pagpupumilit ko.

"Kung yang puso mo tumibok na sa isang tao wala ka ng magagawa dun kasi kahit anong pigil ng isip mo, puso mo lang rin ang mananalo" payo ni Chepot.

"Mas mahal ko anag kapatid ko" wala sa sarili kong sagot.

Hindi ko alam saan ba kami tutungo ni Vic, gulong-gulo narin ako. Mahal ko siya! Oo! Pero sa tuwing maaalala ko si Cienne nasasaktan ako.

Para ko narin siyang niloloko eh, oo wala na sila pero siguado ako mahal parin niya si Vic. Si Vic rin naman eh oo mahal niya ako pero nararamdaman ko nasa puso parin niya si Cienne.

Naputol ang pag-iisip ko ng magring ang phone ko.

"Hello idol" bati nito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Miss na kita" malambing nitong sagot.

"Kabaliwan mo nanaman" saway ko, pero deep inside kilig na kilig ako.

"Hahahaha, sige na idol see you later, gusto ko lang talaga marinig boses mo. Ingat ka, lablab" sabay end nito ng call.

Kahit anong gulo ng isip ko, kahit anong takot ko sa mga pwedeng mangyari pag narinig ko na ang boses niya nawawala lahat yun.

"Yang mukha mo ditse baka pumutok" pangaasar ni Mel.

"Tigilan niyo nga ako! Kayo naman ang magkwento ng lovelife niyo" panguusisa ko.

...

Pagpasok ko ng gym hinanap agad ng mata ko si Vic, nakita ko siyang nag di dribble ng bola.

"Idol" tawag ko sakanya, napatingin naman ito saakin at ngumiti "shoot" utos ko.

Boom! Syempre shoot Victonara pa!

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon