"Kain na" yaya ko kay Saint. Imbis na sa hapag kainan pumunta ay saakin ito dumiretso. Tinaasan ko naman ito ng kilay "Oh bakit? Nasaakin ba yung pagkain?" tanong ko dito.
Okay, halata naman na nag tatampo ako.
"Baby naman. Sorry" panimula nito at hinawakan ang kamay ko "Shantey asked if I could stay for a little longer, hindi naman ako makatanggi dahil kaibigan ko siya" aniya
Bumuntong hininga naman ako "Ayos na nga saakin Saint diba?" sabi ko naman sakanya, aakmang aalisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya itong hinigpitan
"No. Hindi ayos, nag tatampo ka eh. I'm sorry naaa" pilit pa nito at parang bata na nag papadyak.
Okay, ang cute niya. Pero hindi Mary, sinimulan mo ang pag tatampo, panindigan mo yan. okay. okay.
"Saint para kang bata at hindi bagay sayo, CEO ka hindi bulilit. So kumain na tayo at papasok ka pa" mabilis kong kinalas ang kamay ko at dumiretso sa hapag kainan ngunit niyakap ako nito mula sa likod bago pa ako maka upo.
"I'm sorry okay? Hindi ko na uulitin. Shantey's getting married so there's nothing to worry about. I love you okay? So much."
Heart melted.
I lose. Hinarap ko na ito and cupped his face using both of my hands. Hinalikan ko ito sa labi at humiwalay agad. He pouted "Isa pa, bitin ako" angal pa nito
Hinampas ko naman ito dahilan upang matawa siya. "Puro ka kalokohan, baka gusto mo mag tampo ulit ako?"
Bigla namang nanlaki ang mata nito at hinila ako upang mayakap niya ng mahigpit. "No! I was just kidding, I love you Maryyyy!" Sigaw pa nito
Natawa naman ako "Oo na! Kumain na tayo at gutom na ako okay? Hindi ako nakakain ng hapunan kagabi" sabi ko dito
Tumango ito nag simula na kaming kumain. I smiled as I saw him eat, ganang gana ito at sunod sunod ang pag subo ng pagkain. sinubukan ko pa itong pigilan dahil baka mabilaukan pero dahil makulit ay hindi ako pinansin at kumuha pa ng isang sandok ng kanin. Napailing nalamang ako, I remembered myself to him. Ganito din ako kapag nagluluto si Mama ng pagkain.
Speaking of.. Namimiss ko na talaga si Mama. Kamusta na kaya siya?
"Saint, I want to visit my Mom"
We're now on our way to Tarlac. Kinakabahan. Excited. Masaya. Guilt. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. I just hope everything would turn out okay.
Napag desisyunan ni Saint na mag bakasyon muna kami ng isang linggo, para narin daw makapag pahinga siya kahit saglit lamang dahil puro trabaho siya.
It was a 2 hour drive going to Tarlac. Nang sawakas ay makadating kami sa Tarlac City ay binayo naman namin ang daan papuntang Lomboy. Nahirapan pa kami papasok dahil makikipot ang daan at maraming mga motor ang naka harang. Pinark ni Saint ang kanyang kotse sa isang eskwelahan dito, hindi na kasi namin ito mapapasok dahil makipot ang daan papasok sa bukid. Safe naman dito sa eskwelahan dahil may gate pa bago ka makapasok mismo sa loob.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko nang naglakad na kami papuntang bahay namin. Inilibot ko ang mata ko sa paligid, may kaunting nag bago dito sa bukid. May mga ginagawa na ding concrete houses, unlike before na lahat gawa sa kawayan.
"Are you nervous?" tanong ni Saint at hinawakan ang kamay ko.
"Y-Yes.. I don't know what to say. a-anong sasabihin ko?"
"Just tell her what you feel. Kung ano talaga ang gusto mo" aniya
"O-okay.. I'll do that" sabi ko naman.
Ilang lakad pa ay nakita ko na ang bahay namin. Nakita ko pa si Mama na nag iigib ng tubig. Agad akong tumakbo papalapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit na ikinagulat naman niya.
"Mama! Nandito na ako!" sabi ko at humiwalay sa yakap.
Kumunot ang noo nito. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong nito
Bago ako sumagot ay hinigit ko ang kamay ni Saint "Mama, umalis na po ako sa kumbent, at siya nga po pala si Saint. Boyfriend ko po Ma"
***
To be continued, haha
BINABASA MO ANG
Saint Montenegro [UNDER REVISION]
Ficção Geral*Got the cover off pinterest* Highest Ranking: #36 in Faith 08/14/18 Highest Ranking: #95 in Faith 06/10/18 Highest Ranking: #24 in Faith 09/06/18 Highest Ranking: #17 in Fate 10/24/18 Highest Ranking: #11 in Fate 10/26/18 Highest Ranking: #9 in Fat...