Crush (true story)

809 12 12
                                    

Crush (true story)

A/N: I just exaggerated some part of it but the content are the same and the names of the characters in this story are not the exact names in real life.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bakit kaya ang isang simpleng crush, lumalala? Minsan nagiging isang infatuation, o di kaya nama’y isang obsession at ang malala pa niyan nagiging isang LOVE.

“Gosh Ayan, 3 days ka nang absent. Alam mo namang isang araw lang na absent mo during summer ay parang isang linggo na.” salubong sa akin ni Maureen habang iniinom ang biniling coffee ng makapasok ako ng classroom.

At opo, totoo ang narinig niyo. I’m having my summer class right now not because I’m having my advance subjects but because I failed its prerequisite, kaya kinukuha ko yung back subject ko ngayon. Tinamad kasi ako last sem eh, and honestly nagsisisi talaga ako ng sobra.

“naextend kasi yung stay ko sa province eh” sabi ko habang binababa ang backpack ko sa upuan.

Mangilan ngilan palang ang tao ditto sa classroom, actually 6:45am palang kasi.

“oh, yan na notes. Intindihin mo nalang” sabay abot niya ng filler niya sa akin. Nilapag ko muna yun sa desk ko at kinuha ko ang nagvibrate na cellphone ko sa bulsa ko. Nagtext pala si Papa, kinakamusta ang first day of my summer class.

Nagreply naman ako sa kanya. Bising busy akong nagtetext habang itong si Mau kanina pa ko sinisiko. Naramdaman ko din namang nanahimik na yung mga kaklase ko.

Pinindot ko na yung send button saka ko tinago ang cellphone ko. Pagkaangat ko ng ulo ko.

Si Miss Prudencio, ang kilabot na professor sa buong civil engineering department.

“I heard na yang prof na yan ang pinakamadaming binagsak last sem. Madami ngang nakick out dahil sa kanya eh” bulong ni Mau sa kin.

Kung ganon. Magiging madugo ang summer na ito.

Tahimik ang buong klase habang nagdisscuss si Mam, kahit papaano naintindihan ko naman.

“Okay class, we’ll be having our first quiz on Friday. So be prepared”

“sa Friday na? Bukas na yun ah. Pano yan ang dami kong namiss?” reklamo ko kay Maureen habang palabas ng classroom.

“aralin mo nalang yung binagay kong notes. Ako man hindi maintidihan yung mga pinagsasabi ni mam sa harap eh. Haha”

Aigoo. Wala pala akong choice kundi ang maglibrary.

Dumiretso naman ako sa library. Geez, kahit pala summer madami paring studyante dito. Parang regular sem lang ah.

Kumuha naman ako ng libro saka ako lumapit sa pinakamalapit na table. Mga 15minutes palang akong nanduon pero wala parin akong naaral, hindi kasi ako nakatulog sa walong oras na biyahe ko.

Mga isang oras muna siguro akong matutulog, hindi naman siguro ako mapapansin nung mga librarian.

Grabe. Nakatulog nga ako. Pagkaangat ko ng ulo ko. Ooops. Bumalik ako ulit sa dati kong pwesto. May tatlong lalaki kasing nasa harap ko ngayon at isa pa sa kanila ay kakilala ko.

“Arianne. Ikaw pala yan” sabi sa akin ni Rap.

Napakamot ako ng ulo ko. Akala ko di ako mapipinsin

“ah hehe. Hello Rap.” Sabi ko ng maiangat ko ulit ang ulo ko.

Itinayo ko nalang yung malaking libro ko para matakpan ang mukha ko pero mukhang wala naman silang pakialam sa akin dahil seryosong seryoso sila sa pagaaral.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon