S T O L E N: Chapter One: The Perfect Night (First Part)

40 2 0
                                    

May mga bagay talaga na ang hirap balikan...

pero patuloy ka parin sa pagbalik dito upang harapin ito...

so anong gagawin kapag inagaw na sya sayo?

Author's Note: Sana magustuhan nyo :P

"MA!! Yung gown ko? Nasan na? Tapos na yung hair and make up ko."

"Teka lang naman. Teka." 

Dinala na ni Mama sa kwarto ang gown ko, Prom Night kasi namin. 

"Issa andyan na si Penelope, aalis na daw kayo." sigaw na naman ni Mama. 

"Andyan na po."

Pagbaba ko sa hagdan...

"Wow... Issabelle Grandioso... for real? Ang ganda ganda mo in Emerald Green." sabi ng bestfriend kong si Penelope.

"Thanks, but you look prettier in Midnight Blue." puri ko naman sa kanya.

"Let's go." aya nya sakin.

Ako nga pala si Issabelle Leonora Gradioso. At nag-aaral ako sa Dorcy University of Manila. Anak mayaman lahat ng nag-aaral dito. Maliban sa isang middle class... oh gad, let's not talk about him. I'm beautiful, nice, and smart. Isa sa pinaka iniingtan ng Dorcy. Bakit? Kasi isa ako sa mga pinanglalaban nila sa mga pageant. 

"Mam, andito na po tayo sa Royal Gardens." sabi ng driver ni Penelope.

"Ano ok ka na ba Issa?" tanong sakin ni Penelope.

"Yes. Let's go."

"Ok."

Last Prom Night na namin. Hay... at sa Dorcy iba ang twist ng Prom... kapag mag Roroyal March mo palang malalaman kung sino ang ka-partner mo. And it's 5:45. Fifteen minutes to go... start na ng royal march...

Syempre first to march ay ang mga Juniors...

...

...

"Issa!!"

"Sino yon?"

"Issa!!"

At biglang hila sakin ni Mam Kaye. Bakit kaya??

"Issa, ikaw ang mag lelead sa closing prayer mamaya ah??"

"Yun lang talaga Mam? Eh bakit parang haggard na haggard ka dyan."

"Eh kanina pa kasi kita hinahanap. Di ka pa pala nag Mamarch."

"Oo nga po eh, teka mamaya na lang po ulit ha? Lalakad muna po ako."

"O sige, gandahan mo ah??"

"As always."

Ako na lang pala ang hindi pa naglalakad!

Huuuuh. Confidence. Confidence. Smile with confidence.

This is it...

"Gumanda sya lal dahil sa gown nya..." bulong ng isa kong schoolmate.

"Pang Prom Queen.." sabi ng isa kong kaklase.

"Hindi man lang nag-effort..." sabay irap. Palibhasa mga walang utak. Mga inggetera kasi tong sila Sheena eh.

"Ampangit ng gown nya..." sagot ng mga amiga ni Sheena na mukhang palaka na half pagong.

Whatever. I don't care. Basta ako maganda at matalino. :) Eto na... Oh shiiiii...

..

..

"Hi." sabi ni Harold. Ang exBoyfriend ko na pinagpapantasyahan ng sandamakmak na babae. Nananadya nga naman talaga ang tadhana eh! Di bale ituloy na natin to...

And now we're starting over again

It's not the easiest thing to do

I'm feeling inside again

'Cause everytime I look at you...

What is this?

"PERFECT. PERFECT." with matching palakpak pa yan from our Dean.

"AYIEEEEEE!! And now we're starting over again!!" sigawan ng mga schoolmate namin ni Harold. Syempre dapat sakyan ko tong trip nila para di masira ang gabi at ang image ko.

At pagbaba namin ng stage, binigyan ako ng isang bouquet of Yello Tulips ni Harold. My all time favorite. Ayon bulong bulongan na naman kami nyan.

Medyo mahaba ang program ngayon eh, at lumalalim na ang gabi. And it's time for the awarding ceremonies.

"Good evening ladies and gentlemen. And now... we're starting over again." sabi ng host. Waaaah pati si Kuya Luke di naka get over sa Starting Over Again namin...

"Hahahahaha." tawanan ang mga estudyante, pagsasampalin ko kayo dyan eh.

"Ready for our prom queen?" tanong ni Kuya Luke. 

"Yes!" sagot ng lahat.

"Pero may twist tayo, malalaman nyo kung sino ang prom queen and king under your... seats. So take a look at it now." utos ng host.

"I'm the King." sabi ni Harold habang naka tingin sa ere.

"And I'm the queen..." sagot ko sa kanya... totoo naman... ako talaga ang queen...

"Sa nakakuha ng Prom King and Queen, please go up on stage now." sabi ni Kuya Luke na host namin.

"Ready?" sabi ni Harold sakin...

"Ok..." sagot ko.

And now we're starting over again

It's not the easiest thing to do

I'm feeling inside again

'Cause everytime I look at you...

"Ayan na naman eh..." bulong ko kay Harold...

"Ayaw mo ata akong kapartner eh..." sagot nya.

"Alam mo naman siguro yung nangyari kanina..." sagot ko sa kanya...

S T O L E NWhere stories live. Discover now