:::
Chapter 4: Friends
Art's Pov:
Nagising ako dahil sa pagtawag ng tatay ko mula sa baba.
Tumingin ako sa wall clock ko. 9 am na nung tinignan ko ito.
Bumangon ako mula sa kama ko at lumabas ng kwarto ko papunta sa kusina.
Nakita ko ang tatay kong nakaupo sa silya katapat ng lamesa na may iniinom na kape at nagbabasa ng dyaryo.
Ibinaba nya yung baso at yung dyaryo na binabasa nya at tumingin saakin.
Napalunok ako ng matalim akong tinitigan ng tatay ko. Grabe! Kinakabahan ako. Baka ratratin ako ng sermon nito.
"Saan ka galing kagabi ha?!" nakagat ko nalang ang ibabang labi ko dahil pag sumagot pa ako ay baka atakihin ang tatay ko sa puso pag sinabi ko.
"Hindi mo ba alam na nagaalala ako sayo?! Akala ko nakauwi ka na! Dapat mas nauna kang umuwi saakin dahil part time job lang ang meron ka!" napayuko lang ako.
Sabi ko na nga bang magaalala ang tatay ko. Napakawalanghiya talaga ni Xander! Kung pinabayaan nalang nya akong makauwi edi pwede ko pang sabihin sa tatay ko na nag overtime lang ako kasi may event.
Isinusumpa ko. Hinding hindi na ako lalapit sa pesteng Xander na yan! Ako lang yung napapahamak.
"Ngayon magsalita ka! Saan ka nanggaling?!" naku patay na ako nito. Hindi ko naman pwedeng sabihin na natulog ako sa bahay ng apat na lalaki diba?
"Ah tay! Kailangan ko na palang maligo! 10:30 nga pala pasok namin ngayon!" sabi ko sabay takbo pabalik ng kwarto ko.
"Kinakausap pa kita Art!" napasandal nalang ako sa pinto nang nasarado ko na ito.
Bigla ko nalang naisip yung nangyari kaninang madaling araw.
Ano na kaya ang ginagawa ni Gabriel?
Kinuha ko na ang uniform ko at dumiretso sa banyo para maligo.'Si Gabriel ang kaunaunahang gusto akong maging kaibigan. Pero sana hindi nya ako ginagamit... Dahil kung ginagamit lang pala nya ako ay baka tuluyan na akong mawalan ng tiwala na pwede pala akong magkaroon ng kaibigan.'
Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas ng banyo. Pinunasan ko ang buhok ko para hindi naman masyadong basa tapos sinuklay ko.
Inayos ko ang bag ko at sinuot ang sapatos ko saka lumabas ng kwarto.
"Alis na po ako, Tay!" sigaw ko pero walang sumagot.
Naglakad ako papuntang kusina at may nakitang papel. Sa papel ay may nakaipit na dalawang libo.
Binasa ko yung nakasulat sa papel.
'Art, nauna na akong umalis. Anak pakiusap naman umuwi ka ng maaga. Nagalala ako nung hindi ka umuwi kagabi. At yung dalawang libo na iniwan ko ay sobra sa binigay mo saakin nung nakaraang isang linggo. Ipunin mo nalang yan para may nakatago kang pera. Umuwi ka ng maaga mamaya kung hindi sasabunutan kitang bata ka!'
Napatawa ako sa huling sentence. Grabe. Sasabunutan mo talaga ako Tay? Hahahaha!
Inilagay ko yung dalawang libo sa white envelope na ibinigay saakin ng boss ko kahapon.
"7 thousand na ang pera ko. Itatabi ko na muna to." sabi ko at itinago yung envelope sa drawer ng cabinet sa tabi ng refrigerator.
Lumabas na ako ng kusina at lumabas na rin ng bahay. Nilock ko yung pinto para safe.
BINABASA MO ANG
Bakit ako?
Teen FictionTama nga ba na tanongin ko ang sarili ko na 'Bakit ako?'. Mayaman ka... di hamak na maraming may gusto sayo dahil gwapo, matalino, confident, popular at higit sa lahat ay may class ka. Eh ako? Mahirap lang ako... Walang class, tanga, slow, matalin...