Chapter 7 - He's Already Taken

111 1 0
                                    

"Ah.. ha.." di ako makahinga ng maayos, nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak, napasakit pala magmahal no? Ganito pala ang love, di ko naman kasi inaasahan na magiging ganito to eh. Mahirap pala. 

Habang naglalakad sa labas ng bahay kung saan nagaganap yung party, that was friday last week, October. Di makahinga, nahihilo at pilit na inaalala kung anong ipinangako ko sa aking sarili noon, na kung ano man ang mangyari sa gagawin kong ito. Paninindigan ko..

"Aaahh.." nagising ako bigla, nandito ako kwarto ko, gusto ko sanang tumayo pero hinang hina ako. Kaya humiga na lang ulit ako, pero di ko alam kung paano ako napunta dito?

Maya maya lang may pumasok sa kwarto ko, di ko agad nasilip kasi nakahiga ako. Si lola pala "Iha, buti gising ka na. Are you alright now? sabi niya sabay upo sa gilid ng kama "Yes Lola" sabi ko na parang naiiyak, di ko napigilan at tumulo na nga ang aking luha. "Oh.." sabi niya sabay tingin sa akin na nagtatanong kung bakit ako umiiyak "Looollaaaa.." sabi ko sabay pilit na umupo at niyakap niya ako. Di na siya nagsalita, gumaan ng husto yung loob ko pagkatapos kong umiyak. Kinwento rin sa akin ni Lola na si Erol ang nakakita sa akin, nakahiga ako sa daan. Tumawag daw siya sa bahay pero alam ko di naman niya alam yung telephone number namin eh..

Monday na ngayon, so ilang araw pala ako nakatulog. Tumawag na lang pala ng doctor si Lola kasi walang magbabantay pag nagpa-confine ako sa hospital. Malakas ang ulan, nakaupo lang ako sa couch dito sa kwarto ko. Dinalhan ako ni yaya ng pagkain. Tinry kong buksan ang YM ko, online siya. Ippm ko sana kaso biglang nagoffline. Sayang! pero napangiti ako dun ah..

Kinabuksan, maliligo na sana ako ng biglang sabihin sa balita sa TV na wala daw pasok sa NCR. "Wala daw pasok Alexa, pahinga na lang muna dun" sabi ni yaya habang nagluluto ng almusal. "Sige.." at umakyat na ako sa kwarto ko sa itaas.

Maaga akong pumasok kinabukasan, test na kasi namin at after this week sembreak daw. Isang linggo, napaisip ako diba sa college lang ang sembreak? Pero okay na rin yun, para mapahinga ko ang sarili ko, hindi dahil sa nahimatay ako last friday pero dahil pagod na, nahihirapan na ang puso ko. 

Pagdating ko sa school, agad akong dumiretso sa gym. Buti nakasalubong ko sila Mimi na mukhang galing canteen, nagsabay kaming pumunta sa gym para sa flag ceremony. 

Sa klase, gaya ng dati ang ingay ng mga boys pero ngayon iba ang dating sa akin. Nakakalungkot yung ingay, yung pinaguusapan nila "Oy pre, syota mo na yun?" Ayos ah, sexy nun.." "Nice One" "Galing pre, nahirapan ka ba? sabi nila, ayaw kong maintindihan kung ano yun pero "Oo nga, kami na ni Kim" narinig kong sabi ni Justin sa likod. "Wow!" "Nice" "Galing" sbi ng mga boys sa kaniya. Bago ako umuwi ng bahay, nagcheck muna ako sa bulletin board. Iba kasi ang test sa school namin, random students. Magkakahiwalay, magkakahalo ang 1st year and 2nd year students, same sa magkakahalo rin ang juniors at seniors. Mukhang di ko sila makakasama, si Kim at Justin. 

[November 2008]

Naging maayos naman ang 1 week na walang pasok, naka get over na rin ako sa pag-accept na sila na talaga. Nag-focus na lang ako sa paglalaro ng dati ko pang nilalaro sa computer na Audition, para naman di puro pag-aaral ang atupagin ko baka mabaliw ako nun.

Isang araw, friday. Nagsuspend ng class around 9am, mga recess siguro namin yun. Tumawag sa school yung yaya ko at inexcuse ako at sinabing susunduin ako ng lolo ko since napakalakas ng ulan that time. 

Habang naghihintay sa hagdan malapit sa gate, may umupo sa tabi ko. Nakayuko ako nun, una di ko pinsansin pero nagulat ako nang kinalabit ako. Bigla tuloy akong napatingin, pagkakita ko si Justin pala. "Ah.." sabi niya, nagsisimula pa lang sa sasabihin niya. Nakatingin lang ako at naghihintay sa sasabihin niya. "Birthday ko na pala bukas.." panimula niya (alam ko) sabi ko sa sarili ko "Punta ka ah" sabay tayo "Asahan kita" sabi niya habang nagpapagpag ng pantalon "Ayoko.." mahinang sabi ko sabay tayo na rin kasi tinawag na ko ni ate guard andiyan na daw yung lolo ko hinahanap na ako, "Oh, alexa.. bilisan mo malakas ang ulan." sabi ni ate guard, sa totoo lang pinagiisipan ko pa nun kung anong sasabihin ko, babawiin ko ba yung pag hindi ko o sasabihin kong sige na nga. "Sige bye.." sabi ko, nakasandal kasi siya sa pader nun. "Basta punta ka asahan kita dun.." sabi niya sabay takbo palayo. Umalis na rin ako para pumunta sa sasakyan, "kasi miss na kita!" narinig kong boses bago ako pumasok sa kotse. Di ko na lang pinansin, dahil kung siya man yun. Taken na siya (Taken!) sabi ko sa isip ko..

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.” - Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon