LOST PRINCESS: CHAPTER 1 (THE BIRTH OF THE LEGENDARY PRINCESS)

987 18 1
                                    

"uwahhhhhh uwahhhh yahhh" iyak ng sanggol na kakasilang pa lamang

"mahal na reyna isang napakagandang bata ng inyong anak napakaganda ng prinsesa manang mana sainyo may napakagandang gintong mata" labis na tuwa na pagkasabi ng kumadrona na nagpaanak sa reyna

Sobra sobra ang saya nanararamdaman ng reyna ngayon

Binigay ng kumadrona sa reyna ang sanggol

"kaya lng mahal na reyna ramdam ko ang sobrang lakas na enerhiya at kapangyarihan na dumadaloy sa katawan ng prinsesa kaya madali lng syang matutuntunan ng mga may itim na kapangyarihan at dahil na din sa kanyang gintong mata"

"wag ka magalala Celedes planado namin ng aking hari ang mga mangyayari" sobrang nagtaka naman sya sa tinuran ng reyna

"ano pong ibig nyong sabihin kamahalan???"

"humayo na kayo pumunta kayo sa mundo ng mga mortal iligtas mo ang anak ko ngayon ay sasalakay ang mga taga Dark Evil Palace bilisan nyo konting oras na lng ang natitira labag man sa loob ko pero kailangan naming maglayo ng landas ng aking anak para ito sakanyang kaligtasan Celedes bilang iyong reyna pinapaubaya ko saiyo ang kaligtasan ng prinsesa ilayo mo sya kapahamakan" nagsimula na syang umiyak ayaw nyang malayo sakanya ang kanyang anak dahil walang ina ang gustong hindi makasama ang kanilang mga kayamanan,ang kanilang mga anak

Sobrang naaawa si Celedes sa kanyang reyna napakatalinong pinuno,mabuting asawa,napakagandang nilalang,maalagang ina wala namang nagawang mali ang kanyang reyna pero bakit kailangan nya pang magdusa at magsakripisyo para lng sa kaligtasan ng kanyang nasasakupan isa lng ang masasabi nya napakagaling na pinuno ng kanyang reyna at hindi sya nagkamali ng pinagsisilbihan

Hindi man nya gusto ang gagawin nya pero utos ito ng kataastaasan kaya dapat nya itong sundin

Binigay na sakanya ang sanggol

"binabasbasan ko kayo sana'y maging ligtas kayo sainyo paglalakbay ilayo kayo sa kapahamakan ng aking kapangyarihan" lumuhod nya sa habang binabasbasan tumayo na sya at yumuko ng kaunti bilang paggalang

"anak suotin mo itong kwintas ito ang kwintas na ito ang maggagabay saiyo sa paglaki mo tandaan mo mahal na mahal na mahal ka namin ng iyong ama at ng iyong kapatid patawad at ang iyong pangalan ay Eleyaki Lucinya ang prinsesa ng mundo ng mahika" napaiyak na lang si Celedes kasabay ng pagtulo ng mga gintong luha ng reyna at ng pagiyak ng sanggol napakagandang pangalan ng binigay ng reyna sa kanyang anak kasing ganda ng wangis nito at sigurado syang maganda ang ugali ng sanggol dahil may malaanghel na ugali ang kanyang mga magulang

Sa huling sandali niyakap nya ang kanyang anak at isinuot dito ang kwintas ng liwanag na syang maggagabay sa sanggol napalitan ng normal na kulay ang mga mata nito at nawala ang napakalakas na aura na pumapalibot aa sanggol

At tinatawag na ang kanyang kapangyarihan na SEALED

Umalis na sila sa palasyo at dumiretso sa lagusan papunta sa mundo ng mga mortal o mundo ng mga tao

Sa mundo ng mga tao

Madaling araw na sa mundo ng mga tao nang may nakita syang bahay

Kailangan nyang ipaubaya ang prinsesa sa mga tao

At sya naman ay babalik sa kanilang mundo para matulungan ang reyna

Nilagay nya ang prinsesa sa tapat ng pinto at kumatok sya sa pintuan nagmadali sya nagtago sa likod ng puno

Nakita nyang binuksan ito ng isang lalaki

"ha bakit may sanggol dito??? MAHAL halika dito"

"oh bakit ba mahal??---ohh kaninong sanggol yan???"tanong ng babaeng kararating lamang

Kinuha ng babae ang sanggol at hinele

"ewan ko din mahal ehh"

"mahal tutal wala naman tayong anak bakit di nalang natin sya alagaan at walq naman syqng mga magulang ehh"

"oo nga nohh patingin nga kay baby wow sobrang ganda at cute nya alagaan na lng natin sya talaga mahal"

"hahaha hay naku"

Labis ang tuwa ni Celedes sa narinig nya na aalagaan ng magasawa ang prinsesa

Umalis na sya don dahil pumasok na sa bahay ang magasawa kasama ng sanggol

Bumalik na sya sa Lucinya

Pagbalik nya labis syang nalungkot dahil madaming nakakalat na mga mahikero na wala nang buhay nahuli sya ng dating agad agad syang pumunta sa punong bulwagan ng hari at reyna

At tama nga sya kausap ng mga pinuno ang mga heneral ng mga kawal ng kaharian

Inantay na matapos ang paguusap at tyaka aya lumapit sa reyna

"mahal na reyna nadala ko na po sa mundo ng mga mortal ang prinsesa at kinupkop po sya ng magasawa na walang anak"

"maraming salamat Celedes maaari ka nang magpahinga sa iyong tahanan"

Bakas pa rin ang lungkot sa mga kilos,mata,at pagsasalita ng reyna kaya lumuhod sya biglang pagbibigay galang at lumabas na ng palasyo

*************************

 THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon