MALAPIT na ako sa may tindahan, pero wala parin siya. Naupo ako sa bench para mag-intay ng kaunti. Nagpunas-punas muna ng pawis bago ilibot ang paningin sa pagbabakasakaling nasa paligid lang siya... pero wala talaga.
Pagkauwi ko ng bahay, as usual, yung routine ko, pahinga konti, ligo, bihis, kain... Wait, wala na pala akong oatmeal, so kakanain ko nalang yung tatlong monay sa garapon na nakalagay sa lamesa namin, pinalamanan ko ng reno na nakalagay sa ref. Kagat-kagat ko yung isang tinapay, yung dalawa'y nasa isang maliit na platitio na hawak ko gamit ang kanang kamay ko at sa kabilang kamay naman ay yung tubig ko na nasa baso ng pumasok ako sa kwarto para tumambay sa kwarto. Naupo ako sa kama, then napatitig nanaman ako sa laptop ko. Maya-maya, hindi ko na rin napigilan na kunin yon at buksan.
Wallpaper ko sa laptop yung masterpiece kong digital paint, picture nila mama at papa.
Click! At nakalog-in na ako sa facebook.
"Mich.....chele....Re.." Pase-search ko, pero walang nalitaw. Maya-maya'y naasar na ako at pinaglaruan ko ang aking mga kamay na para bang puppet.
Felix 1: Stop stalking, Felix.
Felix 2: Stalk agad eh hindi pa nga nase-search?
Felix 1: Ahh! Ba't kasi 'di mo pa kinuha yung number o facebook? Arte mo pa eh!
Felix 2: Ano pag di mo na ulit siya nakita, hah?!
Felix 1: Eh hayaan mo, hindi ko naman kilala yun eh.
Felix 2: Kilala mo na... sa pangalan at mukha.
Felix 1: Pero ang weird lang..
Felix 2: Bakits?
Felix 1: Sinusundan niya ata ako eh.
Felix 2: Epekto ba yan ng halos isang taon nang hindi paglabas ng bahay?
Felix 1: Lul.
Felix 2: Eh, hindi nga nagpakita sayo. Meaning, nakulitan na agad sayo, nauta.
Felix 1: Basta, crush ako nun.
Felix 2: Hala siya, asyumero!
"HUUYY!!" Pamilyar na boses ng isang babaeng kimakalabit sa likod ko habang nagjo-jogging ako. "Psst! Felix!" Alam kong si Michele yun kaya hindi ako lumilingon, nagpretend ako na hindi ko siya naririnig at masyadong malakas yung tugtog sa earphones ko.
"AHH! Siguro nagtatampo ka kasi wala ako kahapon no? Sabi ko naman kasi sa'yo, I-add mo ko agad, edi sana nasabi ko ku-"
"Uy! Uy!"
"FEELIIXX!! Woohoo! Kunwari pa oh!"
Napatigil ako sa pagtakbo at hinarap ko siya. Napatigil din siya.
"Hindi ah!" Pagdepensa ko. Natawa lang siya.
"Asus!" Pinisil-pisil niya ang kanang braso ko at tumakbo na siya ulit, inunahan ako.
PAGDATING ko sa finish line, nakita ko siya na nakaupo at naghihintay sa may bench. May dalawang hawak na tubig.
Tangkang papunta ako sa tindahan ng bigla niya akong tinawag.
"Felix, wag na. Binilhan na kita." Itinaas niya yung isang boteng hawak niya at ngumiti siya sakin. Kinuha ko yung tubig at umupo na sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
The Jogging Buddies
مغامرةSa maraming aspeto ng buhay natin, naiisip natin minsan, sumuko nalang, kasi sobrang hirap na, kasi parang wala na naman talagang solusyon, na imposible na talaga. Pero paano kung isang araw, malaman mong nasa 'yo naman pala yung sagot sa mga katanu...