Wrong Timing Kase. (One Shot)

376 18 12
                                    

First time ko pong magsulat sa Wattpad. Hope you like it. :)

*****

Hindi naman ako good boy pero hindi rin ako yung tipong laging pasaway. Normal lang ang buhay-estudyante ko hanggang sa makilala ko si Ericka.

First year college ako nang una ko siyang makita. At dahil first day of school, wala pa akong mga kakilala. Nagmamasid ako sa mga bagong classmates ko, nag-oobserve kung sino ba ang pwedeng gawing barkada. Lahat ay nag-uusap-usap na, hingian ng number at email address pero siya, tahimik lang sa isang tabi. Break namin nang lapitan ko siya sa canteen.

“Hi, I’m Raymart. Tourism ka din di ba?” Sabay abot ng aking kamay sa kanya. Kahit halatang nahihiya siya ay nakipagkamay na din siya sa akin. “Ericka. Ericka De Jesus”.

Lumipas ang ilang araw at nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan at ganoon na rin siya. Nakita kong mas nagging masayahin siya sa bago niyang barkada kaya hindi ko na siya inabala pa. Haaaaay Ericka, crush talaga kita.

Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi ko maintindihan. Hindi naman ako torpe. Nagkagirlfriend na ‘ko pero natatameme ako kay Ericka ---yung mahaba at itim nyang buhok, yung ‘Atlantis’ ng Bench niyang amoy. Hindi siya matangkad pero cute at payat siya. Pinakagusto ko yung mabibilog niyang mga matang parang laging nakangiti sa’kin.

Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, matagal na siyang natunaw sa mga tingin ko. Stalker na yata ako. Nakupo!

Salamat sa Math subject namin, kahit sinusumpa ko ‘yun. Di ko nga magets kung ano ang relevance ng College Algebra sa kurso kong Tourism. Kaya ko nga pinili ang course na ‘to para iwas Math. Di ko naman akalain na hanggang dito ay susundan pa rin ako nun. Pero gaya nga ng sinabi ko, salamat sa Mathematics dahil sa kanya, napalapit ako nang husto kay Ericka.

Siya na yata ang perfect girl para sakin. Mabait, maganda at MATALINO pa.

Makapal mukha ng barkada ko. Nilapitan niya si Ericka. Kinabahan ako sa kung anong sasabihin niya rito kasi alam naman niya kung gano ako nababaliw sa babaeng yon.

“Ericka, pwede ka daw bang...”

Ako naman eh parang lalagutan ng hininga. Sabay bunggo sa braso ni Kulot.

“Pwede ka daw bang...”, tuloy ni Kulot, “maging tutor namin ni Raymart sa Math.”

Weeeeehhww. Akala ko naman kung ano na. Pero teka, wala naman akong sinasabing gusto ko siyang maging tutor eh. Naku, si Kulot talaga. Pero ok na din. Apir, pare!

Lahat yata kasi ng Math problems ni Ma’am, kayang sagutin ni Ericka. Buti pumayag siyang turuan kami tuwing pagkatapos ng klase. Ayaw ko din naman kasing ibagsak yung subject na yun. Oo, aminado akong bobo ako sa Math. Ssssshhhhh. Secret lang natin yun.

Sa dalawang oras na pagrereview dapat namin after classes, 30minutes lang ang napupunta sa pag-aaral. Yung natitirang oras, puro kulitan at kwentuhan. Nahihiya na nga ako sa kanya kasi pakiramdam ko, nasasayang ang oras niya samin. Hirap pa naman naming turuan. Dahil sa pagtutor niya samin, nalaman kong may boyfriend pala siya. Parang may tumusok sa dibdib ko nung nalaman ko yun. Ang lakas ng impact sakin parang nawala yung ulirat ko. Iba na ang tama ko kay Ericka, pakiramdam ko siya na lang ang dahilan kung bakit gusto kong pumasok sa eskwela.

Ilang linggo na ang nakalipas, ganon pa rin ang set up namin kahit nalaman kong taken na pala siya. Actually, ako ang lagi niyang kinakausap tuwing may problema sila ng boyfriend niya. Parang tanga lang diba? Pero masaya ako kasi napapasaya ko siya.

One time, nag-aya daw si Ericka ng inuman at imbitado ang buong klase. “Siya ba talaga yun?? Inuman?? Sigurado kayo?” Yun lang ang nasabi ko sa mga kaklase namin. Di naman siya ganon o baka naman hindi ko lang talaga siya kilala?

Wala naman akong choice kundi sumama kasi halos lahat naman eh pupunta.

Tagay dito, toma doon. Kantahan dito, tawanan don. Lahat masaya pero yung pinahahalagahan kong babae, hindi yata. I saw her. Umiiyak siya sa isang sulok. Ayaw ko namang makialam pero kailangan ko siyang lapitan.

“Di ko alam Raymart pero natatakot akong mawala ang boyfriend ko.”

“Bakit, ano ba nangyari?”

Hindi siya umimik. Niyakap niya ko. Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya. Di ko napigilan ang aking sarili kaya inamin ko na ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

“Mahal kita.”

Napatingin siya sa’kin.

“Ericka, bakit hindi na lang ako? Hindi kita sasaktan.”

Wheeew! Wala nang bawian. Nasabi ko na pero hindi dapat. Sakto dating ni Kulot, nag-aya nang umuwi. 12am na din kasi non. Wooooooh! Ligtas!

Kinabukasan, mukhang may hang over pa ang lahat nung mga pumunta kila Ericka. Tahimik lang ako. Kinakabahan ako actually sa kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga sinabi ko kagabi.

Ayan na siya. Naririnig ko na yung sweet niyang tawa—yung tawang nakapagpapagaan ng araw ko. Pumasok na siya sa room at derecho sa upuan sa tabi ko. Ako? Tameme lang. Para akong nafreezer don sa kinauupuan ko.

“Araayyy!!”, napasigaw ako. Hindi dahil masakit pero dahil nagulat ako sa paghampas niya sa braso ko.

“Eto naman, masakit ba yun??”, nakangiti pang tanong ni Ericka. Nawala sa isip ko yung kaba at parang hindi rin naman niya naaalala so dedma na lang ako,

Don na yata nagsimulang mag-iba ang takbo ng istorya namin.

Ganito ang set up:

Hinihintay ko siya sa labas ng gate bago pumasok sa klase. Tabi kami lagi sa upuan kaya matataas grades ko. (hahaha) Sabay kami maglunch. As in kami lang. Sabay din kaming umuuwi. Siyempre hinahatid ko siya sa bahay nila. Sweet kami, holding hands, akbayan, kilitian.

Pero teka, teka...hindi naman kami ah?So ito na nga yung set up namin. Naiisip ko din, ano ako, panakip-butas? May boyfriend siya, mahal ko siya pero hindi ko alam kung ano ako sa buhay niya. Dedma. Ang mahalaga, masaya kami. Alam kong masaya siya pag kasama ako pero deep inside, nalulungkot siya dahil sa walang pinagbagong sitwasyon nila ng boyfriend niya. Alam mo ba yung kantang “Halaga”? Lagi ko yung kinakanta sa kanya.

Isang araw, naglakas-loob na talaga ako at tinanong ko kung may pag-asa bang maging kami. Nakakaluko yung ginawa niya. Hinawakan niya ang mukha ko. Napakalambot talaga ng mga kamay niya. Pagkatapos, tumingin siya ng straight sa mga mata ko, ngumiti at sinabing, “Thank you, Raymart. Pero alam mo naman kung sino ang mahal ko. Masaya naman tayong ganito di ba? There’s always a place for you here in my heart.” Natahimik ako at napasagot na lang ng “Oo”. Busted na ba ko nun?

Sembreak na. Di ko muna siya makikita at parang panahon na rin ito para pag-isipan kung ano ang dapat gawin ko sa P*TANG *NANG nararamdaman kong ito. Di naman ako bakla pero iyak ako ng iyak pag gabi. Leche. Para kong tanga. Ay hindi, tanga pala talaga ako.

November 6 na. Pasukan na. Ako na ang umiwas at hindi na rin siya lumalapit sa’kin. Then one time, nagtext siya. “Raymart, sana friends pa rin tayo.” Nagreply ako. Sabi ko, Oo. Masaya na din ako sa kinalabasan. Ok na rin siguro yung paglayo ko sa kanya kahit araw-araw ko siyang nakikita.

Ngayon, graduate na kami. Masaya na ako at alam kong masaya na rin siya. Nabalitaan kong sila pa rin ng boyfriend niya at narinig kong hindi na rin sila nag-aaway. Ako naman, career muna ang inuna. Nagtatrabaho na ako ngayon sa isang airline.

Hayyyyyy ang LOVE talaga, nakakaluko, nakakabaliw!

THE END.

Thanks for reading. Please vote and comment. Thankssss a lot. :*

Wrong Timing Kase. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon