Ika-walong kabanata

679 30 2
                                    

Kabanata 8

Kinaumagahan ay si Ina ang nagluto ng aming almusal. Niregaluhan ko nalang si Lola ng isa sa aking mga obra. Tuwang-tuwa naman sakin si Lola sa niregalo ko sa kanya at ginawang palamuti sa salas. Sa tuwing makikita niya raw iyon ay maaalala niya raw ako.

Napatampal ako sa noo ko nang maalala ko na ngayon ay ang kaarawan ni Don Ruperto. Napagtanto ko na sabado ngayon at inimbitahan pa ko ni Manuel sa kaarawan ni Don Ruperto. Hindi naman ako pwedeng umuwi sa Maynila para lang makadalo.

Kung gumawa nalang kaya ko ng liham?

Kumuha ako ng papel saka sobre at sumulat.

Ginoong Manuel,

humihingi ako ng paumanhin kung hindi ako makakadalo sa kaarawan ng iyong ama. Paumanhin rin kung hindi mo makikita ang presensya ko, nasasabik din akong makita ka. Ipapadala ko nalang ang regalo ko sa iyong Ama. Salamat.

-Estella Ignacio

Binasa ko nalang ang sinulat 'ko. Parang ang harot naman nito. May nalalaman pang nasasabik kahit hindi naman. Nilukot ko nalang ang papel at itinapon sa basurahan.

Nadinig ko naman ang katok sa pintuan, "Estella, wag ka nang magpatulog-tulog sa pansitan pinapatawag ka na ng iyong Ina."

Di parin ako kumibo kaya't narinig ko nalang ang pagbukas ng pintuan.

"Huwag mong sabihing ako pa ang magpapabangon sa'yo diyan?" Bumangon na'ko at di ko aakalain na ang kasambahay naming si Manang Merlinda ay nandito rin. Masungit pa naman ito, paniguradong sesermunan niya rin ako.

May dala naman siyang isang magarang traje de mestiza at mahabang saya. Nang tiningnan ko ang saya ay napakahaba nito. Yung tipong lampas hanggang talampakan 'ko. Pag sinuot ko 'to malamang ay madadapa-dapa ako nito.

"Para san naman po 'to?" Nakakunot-noong tanong ko.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Inutusan lang ako ni Donya Victorina" napanguso nalang ako. Di talaga maging matinong kausap itong si Manang Merlinda. Wala naman akong ginawa sa kanya pero ewan ko ba sa kanya kung bakit ang sungit niya.

Lumabas nalang ako sa silid at nadatnan ko si Ina na nagliligpit ng mga gamit niyang panahi.

"Ina, para san po 'yung damit na tinahi niyo?"

"Ayun ang isusuot mo mamaya. May dadaluhan tayong programa mula sa pamahalaan. Imbitado rin ang iyong Lola Elena. Pagtapos ay may handaan rin tayong dadaluhan kasama ang mga iilang opisyal ng pamahalaan kaya dapat maging maganda at paghandaan ang iyong kasuotan." Napatango nalang ako sa sinabi ni Ina. Di ko alam kung bakit ang daming pakulo ng pamahalaan sa ngayon.

"Mabuti narin na mapaghandaan ang iyong kasuotan apo, marami ring gwapong binata doon at malamang ay mapapansin ka nila." Singit naman ni Lola Elena. Napailing-iling nalang ako, nako si Lola talaga. Kumekerengkeng parin.

"Maganda naman ho talaga iyang apo niyong si Estella. Batugan lang" rinig kong sabat naman ni Manang Merlinda. Jusko, isa pa 'tong si Manang Merlinda. Kung di lang talaga siyang masipag na kasambahay namin ay ako na mismo ang magpapalis sa kanya rito----HAY! biro lang.

"O siya, mauna muna 'ko at may pupuntahan muna 'ko." Humalik naman ako kay Ina.

"Estella, bago ka nga pala umalis mamaya. Magsuot ka ng belo para di sila gaano maantig sa ganda mo at isa pa ay may isusurpresa ka kaya dapat lang na suotin mo iyon mamaya." Habilin ni Ina matapos nun ay nagpaalam na rin at nauna ng umalis si Ina.

Napaisip rin ako kung magsusuot ako ng belo dahil sa belo na suot ko nung nasa Maynila ako ay napahamak ako at napagbintangan pa 'kong magnanakaw. Pero para gumana ang sorpresa kuno na sinasabi ni Ina ay gagawin 'ko. Tutal ay wala din namang nakakakilala sakin dito sa Pampanga.

Wayback to 1940sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon