1o.

3 1 0
                                    

[Taehyung POV]

Nasa guestroom kami ngayon ni cheska at nakapatay ang ilaw at may kandila sa gilid ng ouija board na paglalaruan namen ni cheska pero may kandila ring nakapalibot saamin.

Inumpisahan na namin maglaro, katuwaan lang naman namen ang larong ouija board pero hindi ko inaasahan na mangyayari ang hindi namin inaasahan.

BIGLANG GUMALAW YUNG BASONG KINAHAHAWAKAN NAMIN NI CHESKA.

"Cheska ikaw ba yung gumagalaw ng baso!?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ng masama.

"Tangina! Ayan din itatanong ko sayo kung iginagalaw mo rin yung baso!" wika nya at tila bibitawan nya ang baso ngunit pinigipan ko sya.

"Huwag mong gawin! Sinumulan na natin 'to! Tapusin nalang natin para walang mangyaring masama sa iyo tsaka sakin narin!" iwinika ko sa kanya at tila ba kabang kaba ako.

Tangina sino 'tong multo na ito!?

[Hoseok POV]

"Ano nangyayare kila taehyung at cheska!? Bakit ang nagsisigawan sila sa guestroom!?" tanong ko na may halong kaba.

"Naglalaro siguro sila ng ouija board" pagsabat ni yoongi habang nilalaro ang kanyang cellphone

"Siguro may na-encounter silang multo kaya ganyan"pagtugon naman ni namjoon hyung.

"Malamang, hindi naman sila ganyan pag wala silang nae-encounter na multo sa ouija board na pinaglalaruan nila tsaka dapat nilang tapusin yan" iniwika naman ni jimin habang naglalaro sa cellphone nya.

[Francheska POV]

Naknang--- ngayon lang kami naka encounter ng multo jusme hindi ko na kaya gusto ko ng bitawan yung baso kaso baka kung anong mangyareng masama saamin ni taehyung kaya hinayaan ko na lang muna yung takot na nararamdaman ko ngayon.

Gumalaw nanaman ito dahil tinanong namin kung ano ang pangalan nya.

Nang biglang......

Lumalapit ang baso sa mga letrang

C. H. A. N. Y. E. O. L.

CHANYEOL ANG PANGALAN NYA!?

"Pwede ka bang magpakita saamin?" tanong ko sa kanya at bigla nalang napalunok ng laway si taehyung dahil sa narinig nya sa sinabi ko.

At bigla nanamang gumalaw ang baso at pumunta ito sa salitang NO.

"Uulitin ko, pwede ka ba naming makita?" itinanong ko ulit sa kanya at biglang humangin ng malakas pero hindi namatay ang mga kandila.

Bigla nalang tumayo ang mga balahibo ko ganun din si taehyung ramdam ko sa kanya yung takot na nararamdaman nya.

Gusto ko talaga tumawa pero pinipigilan ko lang kasi papaiyak na si taehyung sa anumang oras.

"Nandito ako, ay teka! Bubuksan ko lang ilaw para malaman nyo na nage-exist talaga ako para hindi nyo na rin sabihin na nagha-hallucination kayo dahil sa nangyayai ngayon, just accept the truth." wika nya at biglang bumukas ang ilaw sa guestroom at ningitian nya kaming dalawa ni taehyung.

"AAAAAAAA------"Paghiyaw ni taehyung at napatalon sa gulat dahil nasa harap namin ang kausap naming multo.

Hindi ko na talaga mapigilan yung tawa ko kaya napahagalpak nalang ako.

"AAHAHHAHAHAHA-----"Pagtawa ko at biglang tumingin ng masama si taehyung saakin.

"Parang kanina lang miss bakas sa mga daliri mo at mukha mo ang kaba at takot pero ngayon tuwang tuwa ka na!" iwinika ng multo saaken at biglang akong tumingin sa kanya.

"Anong nga pala ang buo mong pangalan?" itinanong ko sa kanya.

"Ako nga pala si park chanyeol, pero pwede mo akong tawaging chanyeol." pag tugon nya sa tanong ko "ikaw? Anong pangalan mo?" dagdag nya.

"Ako nga pala si francheska pero pwede mo akong tawaging cheska at ito naman si taehyung." wika ko at biglang turo kay taehyung na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

"Hello taehyung~" pagbabati ni chanyeol kay taehyung.

"H-h-hello din sayo" wika naman nito at tila ba takot pa rin sa kanya.

"Guys! Ano bang nangyayari dyan sa loob!?" tanong ni kuya at biglang bumukas ang pintuan.

"Mukhang may makikipag-usap rin saakin ha?" pagtanong saakin ni chanyeol at napangisi.

Patay.

∽Gang∽ ||Jimin FF|| +15Where stories live. Discover now