[Chapter Nine]

7 0 0
                                    

[Chapter Nine]

~Janine's POV~

Last subject namin bago ang break. San ako naka-upo? San pa ba, edi sa tabi ni Andre. Bale ang posisyon namin, Andre-Ako-Rusty-Bakulaw-Zylen. Dati pala, ganito yun, Andre-Rusty-Zylen-Alysha-Bakulaw. Sabi sakin ni Andre. Oh diba? Rumble na. Ang upuan talaga ni Alysha sa gitna nina Zylen at Bakulaw. Tapos sa upuan ako ni Rusty naka-upo. Hindi kami pinagtabi ni Bakulaw kase alam naman nating lahat na World War pagnagkataon. Atska dapat katabi ko si Zylen pero lumipat na kase daw nakakatakot na ako. Grabe lang ha? 'Di ko aakalaing didibdibin niya yun. At ang MAGAGALING KONG KAIBIGAN? Simula kaninang umaga, 'di ko pa nakaka-usap. Bahala sila. Badtrip pa rin ako sa kanila.

Pero infairness ha? 'Pag pala BV ako, nakikinig ako sa lessons kahit na nasa likuran ako. (A/n: Nakikinig eh nagmo-monologue ka jan -________-")

*Krrrriiiinggggggg*

"So for now, goodbye." Paalam ng teacher namin. Nag-goodbye din naman kami't tuluyan nang naubos ang tao dito sa classroom. Mga patay-gutom. Joke ^___^)V

Kami-kami na lang ang naiwan dito. Sila Rain, Pat, Den, Alysha, Rusty, Andre, Bakulaw, Zylen at ako.

"This is so awkward." Sabi ko't lalabas na sana pero pinigilan ako nang tatlo kong KAIBIGAN. Grabe. Sarap manuntok!

"Wait, Janine. Can we talk for a while?" Sabi ni Rain. Tss. Eh kung iTalk-talk ko kaya yang ulo niyong apat sa pader?!

"No." Sabi ko't akmang aalis pero hinarangan ako nung dalawa.

"Please?" Bwiset!!

"Magtatanong kayo kung pwede tayong mag-usap tapos nung sinabi kong 'No' ipipilit niyo pa rin?! Tinanong niyo ako. Sinagot ko lang kayo. Ano bang mga problema niyo?! T-nga ba kayo o T-nga?! Tss. Aalis na ako." Kaka--ARGHH !!

"BOOM PANES !! RHYME YUN !! Magaling ka palang makata, Ja--Aray!! Oo, na hindi na." Sapul! Binatukan ni Rusty. Panira naman kase si Zylen.

"Ano ba, Janine?! Ano bang problema mo?! Wala naman kaming ginagawa sa'yo--" Ang T-nga niyo nga. Sapul ka saken ngayon Den. Kahit kaibigan pa kita, ngayong badtrip ako sa inyo, 'di ko 'toh palalagpasin.

"Yun na nga eh!! Wala kayong ginagawa. WALA KAYONG GINAWA MAN LANG !! Point 1. Nanood lang kayo. Hindi niyo man lang ako pinagtanggol!! Ni hindi niyo man lang ako sinang-ayunan. Pagkatapos kong ipagtabuyan yang babaeng yan na maglalagay satin sa gulo at ipahiya ang sarili ko yun lang yung ginawa niyo saken?! Kaibigan ko kayo!! Hindi lang kayo ordinaryong estudyante na nakikiChismis lang at nanonood. Point 2. Wala kayong ginawa. Nakatunganga lang kayo. Ni hindi man lang kayo umawat."

"Alam naman naming kaya mo yun eh." Sabi bigla ni Pat. Okay. Bahala na.

"Kahit na alam nyong kaya ko yun, sana man lang bilang kaibigan, pinagtanggol niyo ako or umawat kayo. Eh ang masama pa, kahit isang kilos ata wala kayong ginawa eh. Ni hindi man lang kayo umapela nung sinabi nung Alyshang yan na boyfriend na niya yung bestfriend NATIN!! Para ngang may kinalaman pa kayo eh. Hindi man lang kase kayo nagulat!! Kahit na alam naman nating lahat na sinampal niya ako atska may bad attitude yan eh!! Ni hindi niyo man lang ba naisip na baka mawalan nang oras satin si Rain o baka mapahamak si Rain?! At ikaw Rain, nilandi ka lang nang saglit kayo na agad?! Ano ka ba?! Ang talino mo tapos di mo man lang naisip yun?! Point 3. Pagkatapos nun, nakita niyo na akong walang maupuan, ni hindi man lang kayo nagVolunteer. Kase po mukha akong T-nga dun na nakatayo. Hindi niyo man lang naisip yun!! Point 4. Hinayaan niyo lang akong umalis. Ni walang 'Wait' or 'Sorry'. Sinong matutuwa dun?!? SABIHIN NIYO NGA!! SINONG MATUTUWA DUN?!?! Kung akala niyo okay lang ako. PWES KUNG ANG ITSURA NANG 'OKAY' EH NAKABUSANGOT ANG MUKHA, NAKAKUNOT ANG NOO AT NAKA-CROSS ARMS, SIGE FINE!! OKAY LANG AKO KAHAPON!!! T-NG-NA!!"

Accidentally Fall InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon