-Sowon-
Nagising ako sa sikat ng araw ng tumama ito saaking mukha, tumingin ako sa side table ko dahil naroroon ang alarm clock ko na hindi ko naman nagagamit dahil madalas ay nauuna pa akong gumising bago tumunog iyon, 8:30 na pala ng umaga. Chineck ko naman ang phone ko at wala namang nagmessage saakin. Haaays naalala ko nanaman ang text sakin ni sir kagabi e. Bakit ba masyado akong affected. Dahil ba sobra siyang mag utos at concern siya dahil napagod ako? Ang gulo niya ha masungit tapos biglang babait. Bahala siya!Nagayos na lang ako at bumaba para kumain ng almusal. Naabutan ko naman si daddy sa sala na nakaupo habang nagbabasa ng broadsheet
"Morning daddy", nakangiti at masiglang bati ko kay daddy
"Morning princess, umalis na ng maaga ang mommy mo. Then by next week your kuya will get home. Susunduin natin siya sa airport"
"Okay po"Matapos kong kumain ay naligo na ako dahil naalala ko na susunduin ako nila Joshua by 11, kasama kasi namin si Erika at ang boyfriend niyang si Darwin at yung Jake ata na siyang ka soccer team din nila Joshua. As if naman na pumayag akong lumabas na si Joshua lang ang kasama.
Habang nag aantay ay nagbukas muna ako ng Facebook account, nakita ko na inadd nga pala ako ni sir, inaccept ko nalang at syempre inistalk ko siya, ang gwapo naman niya sa dp niya, sabagay kahit naman sa personal mas gwapo pa nga siya e. Sungit nga lang! tapos pili lang talaga ang mga friends niya ha! sungit na nga suplado pa!Nakarinig ako ng busina ng sasakyan mula sa labas, alam kong sina Joshua na iyon kaya nagpaalam na ako kay dad at lumabas na ng bahay para umalis.
Nang makarating kami sa mall ay nag window shopping kami ni Erika at tumingin na rin ng pwedeng gamitin sa acquaintance party ang alam ko kasi next next week na ata yun.
"Erika, formal right?",
"Ahh oo bibili ka na ba? Nakapili na ako e", tanong ni Erika habang hawak hawak ang kulay peach na semi cocktail dress.
"Hindi pa baka pasalubungan ako ni Kuya Yuan e"
"May kuya ka pala?"
"Yup, nasa Singapore siya dun nag aaral ng law", sagot ko law kasi ang kinuha ni Kuya Yuan dahil gusto niya rin maging abogado kagaya ni daddy at yun din naman ang gusto ng parents namin para sakanya, then si mommy naman business woman may ari kami ng isang hotel and restaurant kaya busing busy si mommy sa pag mamanage nun. Ako? ayun may sariling buhay, journalist ang kinuha ako dahil wala naman akong choice nung mga panahong pinagexam ako ni dad sa St.John Campus. Gusto ko sana is photography kaya lang ayaw ni mom yun dahil pwede ko naman daw yun gawin kahit may iba akong trabaho. Sabagay may point naman siya.
Nang matapos ni Erikang bayaran ang binili niyang damit ay pumunta na kami kung saan nandoon ang arcade dahil nandun yung tatlong lalaki at naglalaro ata.
"Guys tara na gutom na kami", sigaw ni Erika kila Josh habang nagpapashoot ng bola. In fairness ha magaling din sila kahit soccer player sila especially si Josh.
"Okay sa iba tayo kumain a gusto ko Japanese food", suhestiyon ni Darwin, pumayag naman na kami dahil masarap naman talaga ang Japanese food.
Habang nasa byahe papunta sa restaurant na gustong kainan nila Darwin ay rinding rindi naman ako sa kaingayan nilang lahat lalo na si Darwin at Jake hindi maubusan ng pang aasar kay Joshua. Hinayaan ko na lamang sila at isinaksak ko nalang ang earphone ko at nakinig ng kanta ng BTS.
Umorder kami ng sushi,sashimi,tempura at pinaka favorite kong okonomiyaki ewan ko ba sarap na sarap ako, pero masarap naman talaga basta Japanese pancake siya parang ganun.
Habang kumakain ay tuloy pa rin sa pagkukulitan yung tatlo haaays pag talaga mga lalaki ang kasama mo
"Guys about dun sa reporting kay Sir. Han diba may mga topic na naka assign sa atin. Buti nalang si Josh ang kapartner ko, ikaw na bahala a", singit ni Erika, thanks for Erika tumahimik din sila.
"Hoy bakit ako? Partner nga diba it means tulungan", inis naman na sagot ni Joshua
"Hoy wag mong hinohoy ang girlfriend ko a may pangalan yan", pagtatanggol naman ni Darwin sa girlfriend niya. Eto nanamn po sila nakisali pa si Jake at nagkulitan nanaman sila. Bahala nga sila tutal nag eenjoy naman ako sa pagkain ko ng okonomiyaki.
"Sowon ikaw? Who's your partner?
"Josh sino pa ba edi yung Althea na yun", walang gana kong sagot, kasi naman nakakainis si sir bakit kami pa na Thea ang pinag partner e mainit ang dugo namin nun sa isa't isa.
Matapos namin kumain ay nauna na sina Jake, Darwin, at Erika sa sasakyan dahil mag ccr ako at nagpumilit naman si Josh na sasamahan niya raw ako. Hinayaan ko nalang dahil wala rin naman akong magagawa.
Kukuhanin ko na sana ang bag ko na pinahawak ko kay Josh matapos kong mag cr pero hindi naman niya ibinigay siya na raw ang madadala hinayaan ko na lang at naglakad na kami diretso sa sasakyan dahil hapon na rin ay napagdesisyonan na namin umuwi.
Mabuti na lamang ay may ginawa ako sa buong maghapong ito. Jusko! Malapit nanaman maglunes at simula nanaman ako bilang isang utusan ni Mr. Yabang slash sungit slash suplado!!!
Habang naka titig sa kisame ng aking kwarto ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Sir:
I saw you while ago sa restaurant with Mr. Martinez his holding your bag. Sowon is he your boyfriend?Nagtaka naman ako sa text ni sir bakit naman parang na curious siya kung boyfriend ko si Joshua pag ako nga nagtatanong sa kanya ni hindi man niya lang ako sagutin at tapunan ng kahit isang tingin.
"Hindi ko po siya boyfriend, kasama po kaming mag babarkada kanina. Bakit?, reply ko sakanya awan ko ba kung bakit ko ito nireplayan at nakuha ko pang magpaliwanag ha!
"Good to hear that he is not your boyfriend, Now I'm relief, Goodnight sleep well", reply ni sir, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ang reply niya. Masaya siya dahil hindi ko boyfriend si Josh? May gusto ba siya sakin. Nakuuuuuu! Sowon napaka malisyosa at feelingera mo talaga kahit kailan. Pero bakit naman siya magtetext ng ganun? Wala naman dahilan diba? Naku nakakabaliw magisiiiip.
-------------
Vote and Comment
YOU ARE READING
My Stalker Instructor Became My Lover
RomanceThey think we are in a wrong relationship, They think we are in a wrong love. Who are they, who are they to judged that our love is full of immorality, it is because of your profession?