\\Chapter Twenty-Two

115 2 1
                                    

Behind the Mask is a Deeper Secret.

[Chapter Twenty-Two]

"Ayusin mo ang luto mo," Sabi ni Harvey sa kanya. "Wag kang magsayang ng pagkain, madaming nagugutom." Dagdag pa nito. Nagdesidyon si Bree na magluto ng Tinola, paborito ito ng Mama niya kapag luto ng Lola, pero hindi naturuan si Bree kung paano ito lutuin sa paraang gusto niya kaya normal na Tinola na lang ang lulutuin niya.

          "Bakit? Hindi ba normal yung ibang tinola?" Tanong ni Harvey nung sabihin ni Bree na hindi niya kayang gawin yung espesyal na tinola ng Lola niya. "Baka may dugo ni Wolverine sa tinola ng Lola mo." Pang-aasar pa niya.

          Ngayon nasa kusina silang dalawa. Malapit nang mag November 1 kaya walang mga maid sa bahay--mansyon-- ng mga Bautista. Umuwi silang lahat sa mga lugar nila para maghanda at magpunta sa puntod ng mga mahal nila sa buhay na pumanaw na. Bree told Mr. Bautista that its okay if she stay. Pwede naman siyang magtricycle papunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang Mama at Papa niya. At alam niyang walang magluluto para sa tatlong nakatira sa bahay--though, hindi niya alam kung paano at saan kumakain ang guards nila. Kahit sinabi na ni Mr. Bautista na "makikita mo lang sila sa kung saan restaurant kung walang magluluto", nag-stay pa din siya.

          Alam ni Bree ang kasabihang, "mas masarap pa din kapag lutong bahay."

          "Yun naman pala eh," sabi niya kay Harvey na pinapanood pa din siyang maghiwa ng mga sangkap niya. "Edi wag ka nang kumain, di ka naman gutom eh."

          "Not my point." Nilagay niya ang baba niya sa palad niya. "And I don't want to starve myself."

          Bree stared at him for a moment, scoffed and then continue what she was doing while shaking her head.

          Arogante ka pa din naman minsan, Bree thought. Siguro joke lang yung panaginip ko.

          Sa panaginip niya kung saan lahat ay maliwanag, binabati siya ng mga boses na di niya alam kung sinong may-ari. Sinasabi nilang nagawa na niya ang dapat niyang gawin, pero ano? Walang siyang ibang ideya bukod sa dapat niya plantsahin ang ugali ni Harvey. Pero sa mga nakikita niya, ganun pa din naman si Harvey. Yung pagdalas lang ng pangungulit at paggugulo ang nagbago. But Bree is not sure whether that's a change since matagal na namang ganun.

          Sa sobrang layo ng iniisip niya, hindi niya namalayang nahiwa niya ang middle finger ng kaliwang kamay niya. "Ah--" Tsaka niya lang naramdaman ang hapdi ng sugat.

          She stared at the wound and the blood seeping out, warming the tip of her finger.

          "Huy," A voice--Kenedy--said. "May sugat ka na tinitigan mo lang." Harvey looked at her in horror.

          Bree snapped back to reality. "Sorry." Sabi ni Bree tapos nagpunta siya sa lababo at hinugasan ang kamay niyang may sugat.

          "Ikukuha kita ng bandaid." Sabi ni Harvey bago tumayo sa kinuupuan niya sa tabi ng kalan. "Kailangan mo din ba ng panggamot?"

          Bree shake her head. "Bandaid na lang" With that, Harvey stormed out. "Takot ba yung sa dugo?" Tinanong ni Bree si Kenedy nung nawala na si Harvey.

          "Ewan ko sa kanya." Sagot nito. "Parang hindi, baka nagulat lang. Parang ikaw."

          "May iniisip ako." Sabi ni Bree.

          Kenedy laughed silently. "Halata. At mukhang malalim."

          Bree didn't mind what he said. "Nanaginip ako, nasa isang maliwanag na lugar daw ako. Sobrang liwanag, hindi ko magawang buksan ang mata ko." She said. Alam naman ni Kenedy ang tungkol sa ginagawa niya, so there's no point in not saying it. "Binabati nila ko, 'congratulations' daw, 'nagawa mo din, finally.' sabi nila, pero hindi ko sila makita. Kapag tinatanong ko sila, hindi sila sumasagot.

Behind the Mask is a Deeper Secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon