Mahina akong napabuga ng hangin habang nakaupo ako sa laundry area ng bahay at hinihintay matapos ang pag-ikot ng washing machine na naglalaman ng mga labahin ko sa buong linggo. Napakalungkot ng mag-isa, wala naman akong ibang mapaglibangan dahil wala naman akong cellphone kagaya ng mga barkada ko. TV lang ang meron ako dito sa bahay tapos dalawang istasyon lang ang nakukuha. Sad life.
Sa ganitong mga pagkakataon hindi ko talaga maiwasang mag-isip at maka-alala ng kung ano. Nandyang napapatulala na lang ako sa lalim ng iniisip ko. Pakiramdam ko neglected child talaga ako e. Ayaw talaga sa akin ng Papa namin, hindi nga kami close nun tapos hinayaan nya pa akong mag-isa dito. Hindi din naman nakakadalaw masyado yung mga kapatid kong mas bata. Wala din akong balita sa mga kapatid kong nasa Manila. At ngayon kasalukuyan akong nag-iisip ng raket para magkapera pang allowance, dahil pati yun kinalimutan na din yata ng tatay namin. Nakakabeastmode naman talaga.
Bahagya akong napaigtad at napatili ng biglang may sumundot sa tagiliran ko. Agad akong napalingon sa mga nasa likuran ko nang makarinig ng hagikgikan. Napasapo ako sa dibdib ko at napahinga ng maluwag.
"Punyeta naman Aqui. Papatayin mo ba ako sa takot?" Singhal ko kay Aqui at inismiran naman sina Izel at Kairo na kasama nya.
"Kanina pa kami nandito hindi mo kami napapansin e." Sagot nya naman . Open Area kasi ang laundry area namin sa may gilid ng bahay kaya madali akong makita at mapuntahan dito. Okupado nga lang ang utak ko kaya hindi ko din sila napansing dumating.
"Oo nga e. Pinapanood namin ang bawat pagpalit ng ekspresyon ng mukha mo habang nakatulala ka nanaman sa kawalan." Nakangising dugtong pa ni Izel.
"Ano ba kasing ginagawa nyo dito?" Tanong ko na lang habang iniaahon ang labahin ko sa washing machine.
"Makikitambay lang sa tahimik mong bahay." Ngising saad ni Kairo.
"Anak ng tokwa naman. Wala akong ipapakain sa inyo. Tsaka isa pa, hindi ba kayo nagkakasawaan ng mukha at hanggang sabado gusto nyo pa ding mgkita-kita?" Bara ko sa kanila. Walang hiya ako kasi pare-pareho naman kami.
"Makikitambay sabi ni Kairo, hindi makikikain." Singhal ni Aqui.
"Sinisigawan mo ako?" Angil ko kay Aqui na sumagot lang ng pag-iling. Akma na akong uupo para mapagbanlaw ng labahin at hayaan silang panoorin ako ng makarinig ako ng ingay galing sa loob ng bahay. Mabilis ko silang nilingon at tinanong, "huwag nyong sabihing nandito kayo lahat."
"Edi hindi namin sasabihin." Saad ni Izel.
Mabilis akong tumayo ng diretso at pumasok sa bahay hindi alintana kung ano ang suot ko. Nakasunod naman ang tatlo sa akin na tumatawa pa. Nadatnan ko silang lahat na kanya-kanya ng pwesto sa sala ko at may mga nakahandang pagkain. Lahat sila napatingin sa amin nang marinig nila ang tawa ng tatlo. Magsasalita na dapat ako pero naunahan ako ni Light na nakasandal sa pader malapit sa pintuan habang nakahawak sa cellphone nya.
"Mananakawan at mapapahamak ka sa ginagawa mo." Madiin nyang sabi habang nakatingin ng diretso sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya at inassume na sa akin nya sinasabi yun kahit hindi nya binanggit ang pangalan ko. Never ko pa nga syang narinig na sabihin ang pangalan ko e, weird lang.
"Wala namang mananakaw dito tsaka kaya ko naman ang sarili ko." Simple kong sagot.
"You think walang pwedeng manakaw syo?" Kalmado nyang tanong, tumango naman ako sa kanya. "Magbihis ka nga muna bago ka humarap sa amin. Kahit kaibigan mo kami lalaki pa rin kami." Sabi nya ng nakatiim-bagang. Mabilis akong napatingin sa sarili ko. Shoot! I'm only wearing my favorite white sando and shorts na bulaklakin hanggang kalahati ng hita kaya naman nagmamadali akong tumakbo papasok sa kwarto ko at magbihis, pero naalala ko naglalaba nga pala ako. Bahala na nga, tsaka bakit ba ako sumunod sa lalaking yon e hindi naman masagwa itsura ko. Kainis!
BINABASA MO ANG
After All
Ficción GeneralAmira Leigh Tiong Monfiasco experienced the cruelty of life in such a young age. It molded her to a cold ruthless bitch but very much respected to the world of business she got into. Will she ever have the best ending she ever wished for?