Kabanata 1
Nagising si Elle dahil sa mga sigawan na nagmumula sa labas ng silid kung saan siya kasalukuyang nakakulong. Hindi nya alam kung paano siya napunta doon, basta siya'y nawalan ng malay at natagpuan ang sarili sa estrangherong lugar.
"Hindi! Hindi na ako makapag-pigil!"
"Hindi maaari! Magagalit sa atin ang Prinsipe! Ang bilin nya ay huwag galawin ang babae hangga't hindi nya sinasabi!" Narinig nyang sinigaw ng lalaki.
Hindi alam ni Elle kung paano siya makakatakas. Saradong saradong ito. Wala itong mga bintana at tanging lampara lamang ang nagsisilbing liwanag nito.
Malalim ang pag-iisip ni Elle ng hindi nya namalayan na may nakapasok na pala sa kanyang silid.
"Magandang Araw, Binibini. Ako nga pala si Matilda. Iyong magiging tagasilbi simula ngayon." Magiliw na bati sa kanya ng matanda
"Alam ko ang iyong iniisip. Huwag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan. Iyon ang bilin sa amin ng prinsipe." Dugtong nito. Hindi ko alam na may pagka-mind reader pala ito. Pero prinsipe? Narinig nya ito kanina. Ano naman ang kinalaman ng tinatawag nilang prinsipe sa kanya? Bakit naman nya ito dinala rito?
"Manang, sino hong Prinsipe?" Hindi ko mapigilan itanong sa matanda.
"Makikilala mo rin siya, Mahal na Prinsesa. Sa ngayon ay handa na ang inyong almusal sa ibaba." Sinabi pa nito bago umalis.
Nang makalabas ito ng silid nya ay hindi nya alam kung ano ang kanyang nararamdaman. Ang kulay ng mga dingding nito ay pinaghalong itim at pula. Meron din itong malalaking dingding at may nakasabit dito ang isang abstrak na obra. Nilapitan nya ito at tiningnang mabuti ang obra.
Hindi nya mapigilang mamangha dahil sa kanyang nakita.
"Ang ganda." Hindi maitatanggi ang pagkamangha nitong sambit. "Sino naman kaya ang gumawa nito?" Hahawakan nya na sana ito ng may magsalita sa kanyang likuran.
"Huwag mong hahawakan iyan!" Isang baritonong boses na siyang nagpabilis sa tibok ng puso nito.
"Si-sino ka?" Tanong nito sa lalaki. Hindi maitatago ang ang gulat at takot sa itsura nito.
Tinitigan lamang siya ng lalaki at walang sabi-sabing parang bulang nawala kanyang harapan.
Natapos na siyang mag almusal. Napagdesisyonan nyang lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin.
Habang siya'y naglalakad isa sa nakaagaw sa kanyang pansin ang isang kwarto na medyo ay bukas. Nagdadalawang isip siya kung ito ba'y papasukin nya o hindi ngunit siya ay kinakain ng kuryosidad at pumasok sa silid.
May mga puting tela na nakabalot sa mga kagamitan sa loob nito. May mahabang lamesa, at sa gilid nito ay may lagayan ng libro. Nilapitan nya ito at muntik na siyang matalisod dahil sa kanyang naapakan. Isang libro. Kinuha nya ito at inilapag sa mesa. Pinunasan nya ito gamit ang kamay at napaubo ito dahil sa makakapal na alikabok.
Napatitig siya sa librong kanyang hawak. Isa itong sulatin. Nahagip ng kanyang mga mata ang nakasulat sa gilid nito.
"E.H.K"
"EHK? Bakit parang pangalan ko lang? Elle Hailey Kolpe" sabi nito sa sarili.
"Prinsesa? Arthur nakita mo ba ang Prinsesa?" Narinig nyang tanong ni Matilda sa labas ng silid.
"Hindi ko nakitang dumaan, Matilda." Sagot nito
"Nako nasaan naman na kaya iyon!" Sabi nito at naramdaman ang papalayong yapak nito.
Mabilis nyang iniligpit ang libro at inilagay ito sa lagayan. Maingat siyang lumabas ng silid at nagtungo sa kwarto nito.
Kabanata 2