Love impossible (Season 1) Page 1

72 0 0
                                    

Ako si Marie Chen, isa akong mang-gagawa sa Douglas Inc.

Ang tawag sakin sa opisina ay “STICKY NOTE GIRL”.

Lging maaasahan, utos dyan, utos dito. Pagawa dyan, pagawa dito. Sikat ako sa opisina bilang “DAKILANG UTUSAN”. Yan ako si Marie Chan. Ang “STICKY NOTE GIRL”.

“Marieeee! Marieeee! Marieeee!” sunod sunod na tawag sakin ng mga ka-opisina ko.

“Eto na po!” sagot ko sakanila kahit pagod na ko. Pfffft. -______-

“Marie, pupunta ka ba ng copy room? Pa-copy mo naman to.” Sabay abot ng isang folder na punong puno ng mga papel.

“Opo, opo. Sige po” sagot ko ng mabait. Wala kong magagawa ayoko ng mawalan ng pansin.

“Marie!” tawag sakin ng isa kong ka-opisina.

“po?”

“Gawin mo to. May sakit kasi mommy ko kailangan ko umuwi kagad” sabi nya sabay abot ng tatlong envelope .

“opo opo.” Malumanay kong sagot.

Bumalik na ko ng upuan ko. At ginawa lahat ng mga inuutos nila. Gawa dito, gawa doon. Punta doon, punta dito.

“bye sainyo” sabe ni jim na ka-opisina ko.

Love impossible (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon