Kailangan bang gawing panakip butas ang isang tao?

DIBA HINDI. HINDING HINDI. Hindi tamang nanggagamit ng tao.

Bakit? EH KASI NGA MASAMA YUN. Bakit masama? Kasi masama, masama ang manloko.

Ano yun? Parasitism? Na kailangan na manakit para makabenefit ka? Ganon?

Lmao, ever heard the word MOVE ON? Mas accurate yan na paraan para makarecover from a broken heart.

Oh wait, YAN LANG ANG TAMANG PARAAN PARA MAKARECOVER SA HEARTBREAK. YAN LANG TALAGA, WALA NG IBA. PERIOD. NO ERASE. PADLOCK TAPON SUSI.



Ano bang feeling ng ginamit ka lang?

Ano bang feeling ng pagiging second choice lang?

Syempre masaklap. Masakit. Ouch to nth level. Kasi naman diba. Kunyari gusto ka niya, kunyari mahal. Pero ano? Ginagamit ka lang teh.

Hindi ka niya mahal. Mahal niya ang sarili niya to the point na ayaw niya ng masaktan pa kaya nanakit siya ng iba. Ikaw naman si tanga, naniwala sa little 'play' niya.

Pag nakamove on na siya, goodbye to you ms. gullible rebound. Oh diba? Masakit. Minahal mo siya pero rebound ka lang pala para sakanya.

Diba kahit hindi niyo pa nae'experience yan eh parang ansakit na pakinggan? Yung tipong ini'imagine mo pa lang, dama mo na agad yung sakit. Tapos hihilingin niyo na "Lord, wag po sanang mangyari yon sa lovestory ko. Magpapakabait po ako. Kaya please po, sana hindi ako maging rebound ng future prince charming ko." Diba?

Kaso kapag nagamit ka na niya, kapag nagpagamit ka na, kapag naniwala ka na sakanya na mahal ka talaga niya kahit hindi, wala ka ng magagawa kundi tanggapin nalang na..



..nahulog ka na? Na..











..REBOUND ka lang.

-

Hi dinelete ko na po yung next 2 chapters nito sorry 🙂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

R E B O U N DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon