Chapter 2 – Project
“Sis, saan tayo magsho-shoot ng video?”
Napakamot si Andy sa tanong ng kaibigan. Natapos na nilang pag-usapan ang gagawing music video at napagkasunduan nilang vintage ang magiging theme niyon. “Wala ka bang alam?”
Kumibot-kibot ang labi nito. “Hindi ba pwedeng sa kakahuyan na lang?”
Natawa naman siya suggestion ng kaibigan. “Okay ka lang, sis?”
“O kaya sa highway na maraming puno sa paligid.”
Nagliwanag ang mukha niya. “Tama!”
“Tapos?” tuwang-tuwa nitong sabi sabay hawak sa makabila niyang kamay.
“Anong tapos? E, ikaw ang may idea nito!”
“Shh,” saway nito sa kanya. “Ang lakas ng boses mo sis.”
Lumingon siya sa paligid. Nasa library sila. Pagkatapos kasi nilang kumain kanina ay napagpasyahan nilang dumiretso sa school library para doon na ituloy ang pag-uusap. Pero mukhang maling lugar ang napili nila. Bawal mag-usap sa loob ng library. “Halika,” yaya niya kay Lara. “Sa labas na natin ituloy ‘to.”
Kinuha niya ang bag samatalang si Lara naman ay pinatay pa ang dalang laptop. Hinintay niya ang kaibigan haggang makapagligpit na rin ito bago sila naglakad palabas ng naturang library.
“Nasaan na ulit tayo?” tanong ni Andy sa kaibigan. Kasalukuyan na silang naglalakad sa hallway. Maraming estudyante ang naroon na parang abalang-abala sa darating na finals. Paroo’t parito ang iba, may mga nagbabasa, may mga nag-uusap ng kung anu-ano at syempre hindi mawawala ang mga estudyanteng nagtatawanan. Maingay ang buong hallway.
“Nasa hallway,” sagot nito na katulad niyang nagmamadali sa paglalakad.
“Oo alam ko. Ang tinutukoy ko ‘yong project natin!” halos pasigaw niyang sabi.
Nakarating sila sa canteen. Walang masyadong kumakain kaya makakapag-usap sila ng matino sa lugar na iyon. “Ano kaya kung dagdagan pa natin ng isang vintage na bagay,” suggestion ulit ni Lara.
Kumumot ang noo niya sa tinuran nito. “Infairness, gumagana ang brain cells mo ngayon sis!”
“Binobola mo naman ako e,” ismid nito sa kanya.
“Hindi ah!”
“E, anong bagay naman kaya iyon?” seryoso nitong tanong na itinukod ang dalawang siko sa mesa.
Pareho silang natahimik at saglit na nag-isip. Ganoon sila lagi kapag may project na ginagawa. Set aside muna lahat ng usapin nila sa buhay hangga’t hindi natatapos ang kailangang tapusin.
BINABASA MO ANG
The Suitor
Roman pour AdolescentsAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...