Kilig Much 7: Number Two

938 29 6
                                    

"CHARLIE MARIE BAUTISTA! BILISAN MO AT MALALATE KA NANAMAN" Potek, ang sakit sa tenga sumigaw ang mommy ko.

Ganyan naman lahat ng magulang kapag malalate na mga anak nila sa school.

Ako nga pala si Charlie Marie Bautista, Charlie for short. 15 years old, Senior High School.

Alam ko, panglalaki ang 1st name ko kaya nga Marie nalang ang ginawang 2nd name ko.

Speaking of 2nd, Naging parte na ng buhay ko ang salitang second at ang number na 2.

Ang birthday ko ay Febuary 2, pangalawa ako sa tatlong magkakapatid, Top 2 ako sa klase at G2 (Girl 2) pa ang Class number ko. Pati nga rin sa assembly line, sa pangalawa ako. Pero hindi ako maliit ha, wala naman kasi kaming FIND YOUR HEIGHT sa pila eh.

Ewan ko ba pero lagi nalang sumusulpot sa buhay ko ang number na 2. Minsan gusto ko rin naman na 1 nalang ang sumulpot sa buhay ko.

Hindi ko pa nga nararanasan na maging Top 1 eh. Except nalang nung Grade 2 at 2nd year ako.

Oh Ayan nanaman, number 2 nanaman.

Back to the Real World muna tayo.

"Bye Ma. Alis na ako." pagmamadali ko

"BILISAN MO! 17 min. bago magsimula ang klase mo. LAB YU!" sigaw ni mommy sa may pintuan habang palayo ako ng palayo sa bahay. Buti nga nagawa pa nyang mag Lab yu.

Naglalakad lang lagi ako papuntang school. Pero in this case, kaylangan ko na talaga tumakbo.

Kaso ako yung tipong konting takbo palang pagod na, kaya ayun naglakad nalang ako ng medyo mabilis. Parang takbong mabagal XD

Habang tahimik (Pero nagaalalang malate) na naglalakad ako. Bigla nalang akong napatigil ng may nakita akong nakatayong lalake sa may gilid ng kalsada na naka uniform ng school ko.

Happy naman ako at alam kong hindi lang ako ang malalate.

Pero parang nawawala ata ito.

"Excuse me" sabi ko sakanya

"Yes?" tanong niya. Parang hindi ko pa ito napapansin sa school ah.

"Ummm... taga ***** School ka ba?" tanong ko naman.

"Ah Oo. Kaso hindi ko alam kung saan." sabi ko na nawawala to.

"Talaga? tapos na 1st quarter pero nawawala ka parin?"

"New Student kasi ako, ngayon ngayon lang. Hahabol sana ako this quarter."

"Kaya naman pala nawawala ka. Malas mo pa malalate ka sa 1st day mo."

"Ha? Late? Eh 30 min. pa bago mag 8:00"  AY OO NGA PALA. Advance yung mga relo namin sa bahay. Hindi ako makapaniwalang nakalimutan ko yun. Nagsayang tulong ako ng pagod para sa wala.

"Hahaha.... oo nga nu. Tara sabay nalang tayo, baka totoong malate ka pa." Sabi ko sakanya.

Naglakad muna kami bago nagtanungan ng pangalan.

"What's your name nga pala?" Tanong ko sakanya.

"Daniel Oswen Marasigan, Pero my friends call me Dos"

"Dos? Ang weird naman ng pangalan mo, parang 2 sa spanish."

"Hehe... Oo nga. Sabi nga daw ng mommy ko yun daw ang ginawa nyang nickname ko kasi 2 daw ang lucky number nya."

"Parehas kami." sabi ko

"Pero ano nga ba name mo?" tanong niya.

"Charlie Marie Bautista, Charlie for short."

looking for sunlight ; one shot compilation (fil)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon